top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

YOUNG ACTRESS, DATUNG LANG ANG HABOL SA RICH BUSINESSMAN BF, 'DI MAIDISPLEY DAHIL MASYONDA NA, CHAKA PA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 24, 2020



BLIND ITEM:


Hanggang ngayon, hindi pa rin mapaniwalaan ng mga netizens na na-in love ang isang maganda at seksing young actress sa non-showbiz guy na mas may-edad sa kanya at hindi maituturing na dream boy ng isang babae!


Alam pa naman ng marami na mahilig sa pogi at macho ang young actress tulad ng mga nauna niyang boyfriends. Tapos ngayon, ang latest niyang karelasyon ay malayung-malayo ang katangian at hindi pormang pang-display. Hindi niya mairarampa sa mga sosyalan at taas-noong maipapakilala ang BF niya ngayon.


Maging ang malalapit na kaibigan ng young actress ay hindi naniniwalang in love nga siya sa kanyang may-edad na BF na super rich naman kasi dahil negosyante ito.


Hindi rin nakapagtataka kung natuto na ring magnegosyo ngayon ang young actress. Ang hinala nga ng iba ay ang rich businessman ang nagbigay ng capital sa kanya. Mautak ang young actress dahil isip at hindi puso ang kanyang pinairal nang pumili ng karelasyon.


Stable na ang magiging buhay niya sa rich BF, kesa naman kumuha siya ng guwapong aktor na hindi naman siya mabibigyan ng magandang future.


At least ngayon, feeling rich na rin ang young actress dahil may mga negosyo na siya. Libangan na lang niya ang pag-aartista at hindi na niya kailangang kumayod nang husto.

 
 

MADISKARTENG AKTRES, DEADMA NA LANG KAHIT MAS MALAKI ANG KITA SA SOBRANG KURIPOT NA MISTER PARA BUO ANG PAMILYA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 23, 2020



BLIND ITEM:


Labis na pinagtatakhan ng mga kaibigan ng mabait at madiskarteng aktres-tv host kung paano niya natiis na makisama sa kanyang mister na super-kuring at makunat pa sa inuyat!


Wala namang lahing boksingero ang kanyang mister pero laging tikom ang palad at makuwenta sa budget na kanilang dapat gastusin. Hindi siya basta bibili ng gamit na hindi nila kailangan. Pati ang kanilang mga anak ay simple lang at hindi sunod sa luho.


May trabaho rin naman ang mister ng aktres-tv host, pero mas sikat at mas in demand ang girl kaya mas malaki ang kanyang kinikita. Hindi lang siya matuos sa usaping pinansiyal kaya hindi isyu sa kanilang pamilya ang pera.


Nakikita naman ng kanilang mga kaibigan na maligaya at kuntento ang aktres-host sa piling ng kuripot niyang mister. Dating chickboy ang mister niya pero tumino nang maging karelasyon ang aktres-tv host.


Magaling umalalay sa mister ang aktres. Hindi niya ipinagmamalaki na siya ang mas malaki ang kinikita. Kaya naman, solid at happy family sila hanggang ngayon.

 
 

YOUNG ACTRESS NA SUPER-SELOSA, OA BUMAKOD SA BF NA AKTOR, NAINLAB SA ISA PANG GUWAPONG AKTOR, BF NILOKO, NAHULI PA SILA SA AKTO

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 21, 2020



BLIND ITEM:


Hanggang ngayon ay hindi pa maka-move on ang isang young actor sa ginawang panloloko ng GF niyang young actress.


Matagal silang naging magka-love team sa mga serye nilang ginawa sa kanilang network. Open sa lahat na may relasyon na sila. Sobrang minahal ni young actor ang nobyang super-selosa. Grabe kung bantayan at pagselosan nito ang sinumang dumidikit sa BF niyang young actor.


Sunod-sunuran lang ang young actor sa mga kapritso ng GF niyang young actress. Hanggang sa umeksena sa buhay nila ang isang guwapo at tisoy na young actor na kasama rin nila sa network.


Attracted agad ang young actress at madaling napalapit ang loob sa tisoy na young actor. Kaya unti-unti na siyang nanlamig sa BF niyang aktor.


Namangka sa dalawang ilog ang young actress at hindi niya magawang aminin ito sa kanyang boyfriend, hanggang ang aktor na mismo ang nakahuli na may ginagawang milagro ang kanyang GF at ang tisoy na guwapong aktor.


Nauwi sa paghihiwalay ang lahat at hanggang ngayon ay galit pa rin ang young actor sa ex-GF niyang young actress na nagpaasa lang pala sa kanya! Galit din siya at hindi pa mapatawad ang tisoy na young actor na nang-ahas sa kanyang GF. Nagdededmahan na lang sila 'pag nagkikita sa studio ng kanilang network.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page