top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

YOUNG STAR, WA' IPON KAYA PURDOY NA, 'DI PA MARUNONG MAKISAMA KAYA WA' RIN SHOW

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | September 11, 2020



BLIND ITEM:


Dahil sa kawalan ng regular show at wala ring naitayong negosyo ang young star na produkto ng reality show, namomroblema siya ngayon ng pagkukunan ng pangkain nila sa araw-araw, bukod pa sa sangkaterbang bills na kailangang bayaran.


Ang young star ang breadwinner sa kanila dahil may sakit ang ina at hindi na nito kayang magtrabaho pa.


Isa sa mga dahilan din kaya sumali sa reality show ang young star ay hoping na siya ang mananalo dahil may paggagamitan ng premyong cash at ang bahay sana para hindi na sila nangungupahan pa.


Pero hindi masyadong sinuwerte ang young star katulad ng ibang kasabayan niya sa reality show na kaliwa’t kanan ang projects bukod pa sa hindi niya nakasundo ang manager niya na sa paniniwala niya ay malaki ang kinukuha nitong komisyon.


Kaya lumipat siya sa ibang manager, pero ang ending, mas malaki pa pala ang kukuning komisyon kaya nagdesisyon siyang hindi na lang mag-manager.


Ang nanay niya na ang nagma-manage sa kanya na wala namang koneksiyon sa showbiz kaya wala ring nangyari.


Sabi ng talent coordinator na nakausap namin nu’ng i-guest siya sa isang variety show, “Diretso na siya ang kausap namin, payag na kahit mababa ang talent fee, kailangan daw kasi niya.”


Awa ang naramdaman namin sa young star. Kung sana kasi, nakisama siyang mabuti sa mga co-actors at sa mga taga-production na nakatrabaho niya dati, eh, di sana, maski paano, maaalala siya kapag may projects o guestings man lang.


Feeling magaling at hindi nakakakilala kasi itong si young star kaya ngayon niya natitikman ang balik ng salitang hindi marunong makisama.


Sayang nga, eh, dahil nagkaroon siya ng boyfriend na feeling niya ay makakatulong sa kanya dahil maski paano ay may kaya ito, pero waley dahil naghiwalay din sila pagkalipas lang ng ilang buwan.

 
 

SINGER-ACTRESS, HINIWALAYAN NG MISTER NA SINGER DIN DAHIL SOBRANG BURARA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 9, 2020



BLIND ITEM:


Hanggang ngayon, clueless pa rin ang marami kung bakit nagkahiwalay ang mag-asawang sikat na singers na hinangaan ng marami.

Noong BF-GF pa lang sila ay super successful ang lahat ng kanilang concerts at maging shows abroad. At kahit noong magpakasal na sila ay hindi nabawasan ang kanilang kasikatan dahil may kakaiba silang karisma sa mga tao, lalo na sa mga kabataan.

Naging maligaya naman ang mga unang taon ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Biniyayaan sila ng mga anak.

Pero, laking-gulat ng lahat nang magdesisyon ang mag-asawang singers na maghiwalay na. Hindi ang pagiging chickboy ng male singer ang itinuturong dahilan ng kanilang hiwalayan kundi ang female singer daw ang may mga pagkukulang.

May mga ugali raw kasi ito na hindi na ma-take ng mister. Ang male singer ay marunong ng mga gawaing-bahay kahit na abroad ito lumaki. Marunong siyang maglinis ng bahay, magluto at magligpit kahit rich guy ito. Kaya, ayaw na ayaw niya na makalat sa bahay.

Pero ang singer na kanyang minahal at pinakasalan ay mistulang prinsesa na walang alam gawin. Palibhasa'y maykaya rin sa buhay ang pamilya ng female singer, kaya marami ang nag-aasikaso sa kanyang pangangailangan. Nagdalaga hanggang sa nag-asawa siya na walang alam sa gawaing-bahay.

Kaya nang bumukod na sila ng mister ay burara at makalat ang female singer. Ito ang ugaling hindi na raw ma-take ng male singer at madalas nilang pag-awayan.

Sobrang malinis at mabusisi sa bahay ang male singer. Kaya nang hindi na sila magkasundo ay minabuti na lang nilang maghiwalay.

Ngayon ay friends pa rin naman ang dating mag-asawa. Nakahanap na ang male singer ng babaeng kasundo niya ang ugali. Hindi na nag-asawa pa ang female singer kahit marami namang nanligaw sa kanya. Malalaki na rin ang kanilang mga anak.

 
 

GUWAPING AT FLAWLESS NA AKTOR, BUKING NA BADING DAHIL SA ITINAYONG NEGOSYONG BEAUTY SALON AT SKIN CLINIC

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 8, 2020



BLIND ITEM:


Nagsasama pa noon ang isang guwaping at flawless na aktor at ang kanyang misis na isa ring aktres, pero may duda na ang mga tao sa kanilang paligid na may itinatagong sikreto ang aktor na galing din sa angkan ng mga artista.


Lihim lang kung pagtsismisan sa showbiz circle ang misteryo dahil maingat na maingat ang aktor at ayaw magpabuking. Mismo ngang misis niya ay hindi naamoy kung ano ang lihim ng pagkatao ng aktor.


Pero, nang magtayo na ng negosyo ang aktor ay doon na nakumpirma ng lahat na berde pala ang dugo niya. Bakit naman hindi maghihinala ang lahat, eh, sa dinami-dami ng negosyong puwedeng pasukin, beauty salon at skin clinic ang itinayo ng aktor?


Yes!!! Sa aktor ang beauty salon at skin clinic at hindi negosyo ng misis niya. Ang aktor mismo ang nagpapalakad nito.


Masyadong banidosa sa kanyang kutis ang aktor. Daig na daig niya ang kanyang misis na aktres sa pag-aalaga ng kutis. Kaya noon pa lang, kahit hindi pa sila naghihiwalay ay naaamoy na ng tao sa kanilang paligid na miyembro ng federacion ang guwapo at flawless na aktor!


Sayang ang aktor dahil hindi na siya nakatagpo ng peace of mind at true happiness kahit pinili na niya ang magpakatotoo at kung ano ang tunay niyang pagkatao. No wonder na bitter na bitter siya sa buhay at nandadamay pa ng ibang tao.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page