top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

DATING SIKAT NA AKTOR, PABAYA SA CAREER, NALAOS, SUPORTADO NA LANG NG RICH NA UTOL

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 22, 2020



BLIND ITEM:


Sumikat nang husto ang isang actor na matinee idol ang porma nu'ng kanyang panahon. Magaling siyang umarte at klik sila ng kanyang ka-love team na isang mahusay na aktres.


May pagka-chickboy at pabling ang aktor kaya hindi nagtatagal ang kanyang pakikipagrelasyon. Pero minahal siya ng isang mabait at matiising aktres. Nagkaroon sila ng mga anak ngunit sadyang lapitin ng tukso ang dating matinee idol.


Nabarkada pa siya sa mga taong bad influence kaya nadiskaril ang direksiyon ng kanyang career. Hindi na rin nakaya ng kanyang misis ang kawalan niya ng direksiyon sa buhay kaya nakipaghiwalay sa kanya.


Ang kanilang mga anak ay nasa poder ng misis niyang aktres. Dahil hindi seryoso sa career, humina ang pagkakakitaan ng dating matinee idol. Halos wala nang kumukuha sa kanya sa telebisyon at pelikula. Pero masuwerte pa rin ang dating sikat na aktor dahil may kapatid siyang richie-richie at ito ngayon ang nagbibigay ng suporta at ayuda sa kanya.


Ang mayamang kapatid ng dating matinee idol ang nagbabayad ng inuupahan niyang bahay at nagbibigay ng panggastos niya buwan-buwan. Kaya 'pag tinatanong siya kung papaano siya nakaka-survive sa gitna ng Covid pandemic na wala siyang trabaho, sinasabi na lang niya na marami siyang mababait at matulunging kaibigan na nagpapadala sa kanya ng ayuda. Madalas din siyang mag-post sa social media ng mga groceries at pagkain na ipinadadala raw sa kanya ng mga kaibigan.


Hindi naman itinatanggi ng dating sikat na aktor ang status niya ngayon. Tanggap niya na hindi na siya sikat at wala siyang naipundar na kabuhayan. Labis lang na nanghihinayang ang kanyang mga kaibigan dahil hindi sinuwerte sa buhay ang dating matinee idol, hindi tulad ng kanyang kapatid na super rich ngayon!

 
 

BYUTING AKTRES, MALAS SA LALAKI, UNANG LABS, GINAMIT SIYA PARA SA CAREER, SECOND, GUWAPO LANG PERO TAMAD, THIRD IPINAGPALIT SIYA SA IBA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 18, 2020



BLIND ITEM:


Maganda at sikat ang aktres na bumida na sa mga pelikulang nag-box-office hit. Marami ring kalalakihan ang lihim na nagpapantasya sa kanya, kaya ang akala ng lahat ay makakakuha siya ng karelasyong puwede niyang sandalan at ipagmalaki. Kahit pa pulitiko at milyonaryong businessman, tiyak na maaakit sa kanyang kagandahan.


Pero wala ngang suwerte sa pag-ibig ang magandang aktres dahil lagi na lang siyang nagagamit at niloloko ng mga lalaking minahal niya.


May isang sikat at guwapong aktor na naging super close sa kanya at feeling niya ay mahal din siya. Akala niya ay naghihintay lang ng tamang panahon ang aktor para mauwi sila sa tunay na relasyon. Pero ang ending, pang-showbiz lang pala ang sweetness na ipinakita sa kanya ng guwapong aktor. Mas kumikita kasi ang pelikula nila kapag nababalita na may relasyon na sila at hindi lang screen love team. Hindi pala siya type ng aktor na maging dyowa.


Isa pang guwapo at machong aktor ang naging BF ng magandang aktres. Pormang modelo ang aktor kaya maraming babaeng nagkakagusto sa kanya. Pero, pang-display lang siya, ubod naman nang tamad at walang ambisyon sa buhay. Kapag wala itong project o show, maghapon at magdamag lang na natutulog sa bahay. Ang magandang aktres lang ang todo-kayod. Kaya, sobrang inayawan ng partidos ng aktres ang batugang aktor. Dito nauntog ang magandang aktres at dinispatsa ang user at Juan Tamad niyang BF.


Sumunod na BF ng magandang aktres ay ang kilalang chickboy na aktor na nagpaasa lang sa kanya. Na-take for granted lang ang lahat ng atensiyon at pagmamahal na ibinigay niya sa aktor dahil may iba pala itong GF bukod sa kanya.


At ang masakit pa, ni hindi man lang maayos na nagpaalam ang aktor nang iwan ang magandang aktres. Para lang itong multo na biglang naglaho at hindi man lang nagparamdam. Saka na lang na-realize ng aktres na ipinagpalit na siya sa iba. Kaya masakit man, tinanggap na lang ng magandang aktres ang kanyang kapalaran.

 
 

MAGALING NA AKTRES, MALAS NA SA LOVELIFE, NAUBOS PA LAHAT NG NAIPUNDAR PERO AYAW UMAMING PURDOY DAHIL SA PRIDE

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 17, 2020



BLIND ITEM:


Hindi akalain ng ilang kaibigan at katrabaho ng isang de-kalibreng aktres na ang buhay niya ay hahantong sa sunud-sunod na kabiguan sa pag-ibig at halos wala nang naiwan sa kanyang mga kabuhayan na naipundar.


May angkin namang talino ang aktres at hindi siya basta-basta maloloko ng sinuman. Napakalakas ng personalidad niya at isa rin siyang malaking artista na subok na ang box office appeal.


Ilang acting awards na ang kanyang natanggap kaya respetado siya ng mga movie producers at directors. Milyones ang kinita ng magaling na aktres sa mga pelikulang kanyang ginawa kaya nakabili at nakapagpundar siya ng mga properties.


Pero, sadyang malas sa kanyang love life ang magaling na aktres. Ilang relasyon niya ang nauwi sa pakikipaghiwalay. Ang lalaking kanyang pinakasalan ay hindi rin nagtagal sa kanya. Kontra-partido sila lagi at madalas na nag-aaway.


Ganu'n din ang mga sumunod na lalaking kanyang minahal. Durog na durog ang puso ng magaling na aktres kaya dumanas siya ng matinding depression. Ito rin ang dahilan kaya nadiskaril pansamantala ang career ng premyadong aktres. Nawalan siya ng focus at halos ayaw na niyang magtrabaho at tumanggap ng project.


At ang mas nakakaawa pang sitwasyon ay nang isa-isa nang nawala ang mga properties na kanyang naipundar. Mabuti na lang at may mga kaibigan ang aktres na dumamay at tumulong sa kanya upang kahit papaano ay muli siyang makabangon. Pero dahil may pride ang magaling na aktres, hinding-hindi niya aaminin na purdoy na siya ngayon.


Labis naman na nanghihinayang sa kanya ang mga fans niya na nag-aabang sa muli niyang pagiging aktibo sa showbiz. May mga offers naman sa kanya sa pelikula at telebisyon, pero marami ang nagsasabing hindi pa siya ganap na handa sa aspetong physical at emosyonal.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page