top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

TISOY NA AKTOR, GINAMIT ANG KAGUWAPUHAN PARA MAGKA-GF NG MADATUNG, INUUTANGAN LANG, INIIWAN DIN

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 30, 2020



BLIND ITEM:


Noong kanyang kabataan at sobrang kasikatan ay mala-Adonis ang kaguwapuhan ng tisoy na aktor. Napakaraming babae ang naghahabol sa kanya noon. Mga sikat na artista ang kanyang nakarelasyon.


Ginamit niyang puhunan ang kanyang pagiging pogi at karisma para makakuha ng mga mayayamang babae na nababaliw sa kanya.


May ilang female stars na nagpabola at nag-ilusyon na true love sila ng guwapong aktor. Todo-regalo ang mga ito ng mga mamahaling gamit.


May drama pa ang poging aktor na may malaki siyang problema at kailangan niya ng malaking pera. Utang ang drama ng aktor sa mga babaeng hinihingan niya ng tulong, pero ang ending ay hindi na niya ito binabayaran at basta na lang naglalaho-nawawala sa buhay ng mga babaeng kanyang inutangan.


At kahit na hindi naman maganda ang babae, basta alam niyang maraming datung at madaling mabola, pinapatulan ng poging aktor.


Ngayon na medyo nagkakaedad na ang bolerong aktor, ganu'n pa rin ang kanyang modus operandi para kumita. Kahit na mga matronang mayayaman ay pinapatulan niya.


Parang ang buhay niya ay sumesentro na lang sa salapi at pagpapayaman. Sobra siyang kuripot kahit marami na siyang naisubi. At talagang sinusulit niya ang panahon na guwapo pa siya at may mga babae pang nabobola.

 
 

SIKAT NA SINGER-ACTRESS, SOBRANG BANIDOSA, BULTUHAN ANG DALANG

MALETA 'PAG MAY SHOW SA DAMI NG MAKE-UP

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 24, 2020



BLIND ITEM:


Sobrang banidosa ang sikat na singer-actress lalo na ngayong nagkakaedad na siya at bakas na ang mga linya sa kanyang mukha.


Malaking problema sa kanyang mga kasama kapag may show o concert ang singer-actress abroad. Mistula kasing lipat-bahay kung magbitbit siya ng gamit. Hindi naman mga damit at sapatos ang marami sa kanyang dala-dala kundi sandamakmak na make-up!


Hindi siya puwedeng bumiyahe nang hindi dala-dala ang lahat ng kanyang make-up kit. Kaya naman matinding dusa ang inaabot ng kanyang PA na taga-bitbit ng kanyang male-maletang make-up!


Kung tutuusin, maganda naman ang singer-actress kahit medyo nagkakaedad na. Kahit simpleng face powder at lipstick ay puwede na kapag siya ay nagso-show. Pero, kakaiba nga ang obsession niya sa make-up na hindi naman niya nagagamit nang sabay-sabay! Mabuti na lang at wala nang masyadong shows abroad ang singer-actress kaya hindi na nahihirapan ang kanyang alalay sa pagbibitbit ng mga maleta ng kanyang make-up.


Wala na rin siyang regular show sa dati niyang network na naipasara na! Siguro naman, hindi na rin siya gaanong nagme-make-up 'pag nasa bahay lang!

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 23, 2020



BLIND ITEM:


Bait-baitan at hindi na masyadong demanding ang isang female celebrity na dati-rati ay sobrang angas at kinaiinisang makatrabaho ng mga production staff.


Sobrang maarte at feeling reyna siya dahil kumita noon ang kanyang mga pelikula. Pero likas na may attitude at akala ay super-sikat na sikat pa siya. May ilusyon pa siya na pag-aagawan siya ng mga movie producers at asset siya ng TV network.


Napakarami pa niyang demands kapag nagteteyping ng kanyang show. Madalas niyang talakan ang mga staff kapag may kapritso siyang hindi agad naibibigay, kaya halos isumpa siya ng mga ito.


Sa totoo lang, ramdam na ng lahat ang pagkupas ng ningning ng career ng female celebrity. Kung hindi lang may isa pa siyang show na napapanood weekly, tiyak na wala nang premium ang kanyang pangalan, lalo na ngayon na hindi pa nakakabangon ang movie industry dahil sa Covid pandemic.


Wala nang mapupuntahan pang iba ang nagkakaedad na female celebrity kapag hindi pa siya nagbago ng ugali. Magdadalawang-isip na ang mga producers na kunin siya dahil balitang-balita na ang pagiging maldita niya at mahirap katrabaho. Tiyak na tuluyan nang mababali ang pakpak ng female celebrity na sobrang mapagmataas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page