top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

YOUNG ACTRESS, TOPAKIN KAYA WALANG TUMATAGAL NA LALAKI, PINAGPUPUSTAHANG IIWAN DIN AGAD NG BAGONG BF

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 9, 2020



BLIND ITEM:


In love na naman at may bagong karelasyon ang maganda pero topaking aktres. Super proud siya sa bagong guy na dumating sa kanyang buhay. May inspirasyon na ulit siya ngayon at hindi na gaanong mag-e-emote sa social media.


Kapag kasi depressed at loveless ang aktres ay idinadaan sa pagko-compose ng tula at mga awitin. Minsan, nagsusulat siya ng script na ginagamit sa pelikula. Pero, sabi nga, ang love life ng aktres ay parang bagyo na pasulput-sulpot lang.


May kakaiba kasi siyang ugali kaya nate-turn-off ang kanyang mga nakakarelasyon. May kakaiba rin siyang personalidad kapag tinotopak. Kaya ngayon pa lang ay nagpupustahan na ang ilang showbiz observers kung hanggang kailan tatagal ang bago niyang karelasyon. One year lang ang sabi ng mga nakakaalam sa mood swings ng young actress.


Ang kailangan daw ng young actress ay lalaking mas mature at mahal na mahal siya para tumagal ang kanilang pagsasama. At 'yun ang aabangan ng lahat!

 
 

MAANGAS NA ACTION STAR, FEELING SUPER-SIKAT, NADAWIT SA ISKANDALO, BIGLANG NANAHIMIK DAHIL ISINUSUKA NG MGA KAPWA ARTISTA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 5, 2020



BLIND ITEM:


Mistulang naputulan ng pakpak ang maangas at masyadong feeling-super-sikat na action star dahil lumamig na ang kanyang career ay nasabit pa siya sa isang anomalya.


Noong kasagsagan ng kanyang kasikatan ay sobra siyang makaporma. Feeling ng action star ay siya na ang pinakasikat sa showbiz. Pati na ang ilang malalaking action stars ay kanyang pinaaandaran, lalo na nang mag-produce na rin siya ng pelikula.


Magaling dumiskarte ang dating sikat na aktor, magaling siyang mambola, kaya nakakakilala ng mga taong may mga koneksiyon sa negosyo at pulitika.


Yumaman at nakapagpundar ng mga properties ang aktor. Marami siyang nakuhang sponsors nang kumandidato siya sa isang mataas na posisyon. Medyo nasilat lang ang aktor nang masabit sa isang anomalya sa transaction ng isang government office kaya biglang nawala at nanahimik. Medyo nagpalamig muna siya kaya nawala sa limelight.


Hindi na aktibo sa kanyang showbiz career ang aktor. May naipon naman siya kaya hindi apektado ng Covid pandemic. Pinakikiramdaman muna niya ang pulso ng showbiz at muli raw niyang babalikan ang kanyang career. At kapag nakapuwesto na ulit ang mga dati niyang kaalyado sa pulitika, tiyak na sasabak siyang muli at lulutang na naman.


Pero, basang-basa na ang kartada ng aktor sa mga dating kasamahan sa showbiz. Nakita na ng lahat ang tunay na kulay niya. Mismong mga naging bahagi ng buhay niya ay ayaw na siyang balikan pa.

 
 

MAGALING NA AKTOR, MAY TOPAK ANG EX-MISIS, BAGONG GF NA AKTRES, MAY SUMPONG AT SARILING MUNDO RIN

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 3, 2020



BLIND ITEM:


Kung minalas ang magaling na aktor sa babaeng pinili niyang pakasalan na nauwi rin sa paghihiwalay, marami ang nag-aabang kung liligaya na ba siya sa bago niyang karelasyon ngayon.


Parehong artista ang naugnay sa magaling na aktor. Ang kanyang pinakasalan ay grabe ang topak at may mood swings. Minsan, para itong tupa na ang bait-bait, pero kapag sinumpong naman ay daig pa ang dragon at tigre sa tapang!


Labis na ipinagtataka ng partidos ng magaling na aktor kung ano ang nakita niyang katangian sa kanyang pinakasalan. Kilala na kasi sa showbiz ang aktres na pasaway, matigas ang ulo at may pagka-war freak. Pero dahil mahal nga ng aktor ang sumpunging aktres, natiis niyang pakisamahan ito, hanggang sa naubos na ang pasensiya niya kaya nakipaghiwalay na sa aktres.


Lately, lumutang ang balitang na-in love na naman nang seryoso ang aktor sa isang aktres na may kakaiba ring ugali at sumpong. Ayon sa ilang kaibigan ng aktres na kilala ang kanyang ugali, may panahon daw na may sariling mundo ito at ayaw makipag-usap kahit sa mga taong mahal niya.


Mabait naman at tahimik ang aktres, pero mahirap basahin kung ano ang iniisip at kung ano ang gustong gawin. Minsan, bigla na lang daw itong nagdi-disappearing act at walang nakakaalam kung saan siya nagpupunta.


Kaya naman ngayon pa lang ay nagpupustahan na ang mga kaibigan ng magaling na aktor kung tatagal siya sa aktres na bago niyang karelasyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page