top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

FEMALE CELEB, TINUTULUNGAN NA NG MALE HOST SA CAREER, TRAYDOR PA, SINUSULOT SIYANG ENDORSER, NABUKING!

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 9, 2020



BLIND ITEM:


Hopeless na talaga at hindi na magbabago pa ang pagiging mapagmataas, makasarili at feeling high and mighty ng isang kontrobersiyal na female celebrity.


Maraming projects na ang nakawala sa kanyang kamay dahil may kakaiba siyang attitude. Naka-ilang palit na siya ng manager. Ilang beses na ring naudlot ang malalaking projects na kanyang gagawin. Naging masasakitin pa ang female celeb dahil na-depressed nang husto.


Awang-awa at nakisimpatya naman sa kanya ang kaibigang sikat na host-comedian. Kung kani-kanino na inilapit ng male host ang kaibigang maangas na female celeb, pero sadyang may pagka-Jinkee Suzara (jinx) ito, lagi siyang tinatanggihan. Hindi natutuloy ang mga plano para muling umangat ang kanyang career.


May mga taong nagmamalasakit sa male host-comedian at pinayuhan siyang mag-ingat sa kaibigang female celeb dahil may ginagawa itong katrayduran para sulutin ang mga sponsors sa show niya.


Pero, mas wise ang male host, natunugan niya agad ang balak ng kaibigang female celeb. Hindi nagtagumpay ang female celeb sa kanyang maitim na balak.


Pinaliit nang husto ni female celeb ang kanyang mundo! Hindi pa siya nakakabalik sa telebisyon ay umaariba na naman ang ugali niyang mapagmataas at mapanghamak.

 
 

SINGER-HOST, OBYUS NA PROBLEMADO SA LAKI NG UTANG SA MGA BFF DAHIL SA BONGGANG KASAL

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 4, 2020



BLIND ITEM:


Naging paboritong topic sa ilang blind items ang singer-host na may malaking problema sa aspetong pinansiyal.


Noon kasing nagpakasal siya sa magandang nobya ay hindi naman ganu'n kalaki ang kanyang ipon. Pero bonggang kasalan ang gusto ng girl kaya napasubo siya at nangutang sa mga kaibigan sa showbiz.


At hindi pa nga siya nakakapag-umpisang magbayad ay dumale na ang Covid-19 kaya humina at halos wala nang pinagkakitaan ang singer-host. At malaking gastos din nang manganak ang kanyang pretty wife.


Mabuti na lamang at may dumating na offer sa singer/host nang magsara ang malaking network. Pero kahit may bagong show, marami ang nakapansin na hindi na gaanong masaya-masigla ang singer-host kapag nagho-host ng bago niyang show sa nilipatang network.


Kitang-kita sa hitsura niya na may malaki siyang problemang pinapasan sa balikat. Malaki pa ang dapat niyang bayaran sa mga kaibigang nautangan niya.


It seems hindi pa ganap na handa ang singer-host sa malaking responsibilidad ng pagiging padre de familia, lalo na ngayon na hindi na siya gaanong kumikita dahil sa Covid pandemic!

 
 

AMBISYOSONG AKTOR, 'DI NAMAN RICH PERO NAKABILI NG MANSIYON SA SUPER EXCLUSIVE SUBDIVISION, KALAT NA MAY 'SPONSOR'

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 21, 2020



BLIND ITEM:


Teen-ager pa lang noon at nagsisimulang gumawa ng pangalan sa showbiz ay may pagka-liberated na ang young actress at hindi basta-basta napapasunod ng kanyang ina. Pero mabait at marespeto naman ito at humble rin, hindi maangas ang porma kahit super rich ang pamilya.


At dahil may talent at may hitsura ang young actress, madali siyang sumikat. Nabigyan siya ng break sa isang malaking network at magaganda ang mga projects na ibinigay sa kanya.


Malakas ang sex appeal ng young actress kaya maraming manliligaw. May mga young actors na sumubok na siya ay ligawan pero ang greatest love niya ay isang young politician-businessman na nagkaroon ng kaso sa ibang bansa kaya hindi sila nagkikita-nagkakausap.


Dahil sobrang in love, lihim na bumibiyahe noon abroad ang young actress para dalawin ang BF. Hindi na siya nagpapaalam sa kanyang mommy at maging sa kanyang manager. Basta bigla na lang siyang nawawala sa 'Pinas.


Nang makabalik na sa bansa ang BF ni young actress, nagtaka ang kanyang mga kaibigan kung bakit nakipaghiwalay na siya sa kinabaliwang young politician.


Mabilis namang naka-move on ang young actress. Hindi nahalata ng lahat na brokenhearted siya.


Sanay na mamuhay mag-isa sa condo ang young actress. Dumadalaw-dalaw na lang siya sa kanyang mommy. Malaki ang tiwala ng kanyang ina sa young actress dahil hindi naman ito nagbibisyo at hindi bumabarkada sa mga taong bad influence. Kaya niyang buhayin ang sarili at nakakapagdesisyon on her own. Hindi rin mapakialaman ng kanyang ina ang young actress pagdating sa love life.


Sa ngayon, isang foreigner ang bagong BF ng young actress. 'Pag wala siyang work o project, pumupunta siya sa kanyang BF para magkita at magkasama sila. But it seems wala pa sa agenda ni young actress ang pag-aasawa. May career pa siya at hindi pa sawa sa buhay-dalaga!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page