top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

HUNK ACTOR, TODO-TANGGOL SA GF 'PAG NABA-BASH, DEDMA NAMAN SA AKTRES KAPAG MAGKASAMA SILA IN PUBLIC

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 28, 2020



BLIND ITEM:


Puro espekulasyon lang ngayon ang lahat kung ano talaga ang real score sa relasyon ng hunk actor at ng ka-love team niyang tsinitang aktres. Todo-tanggol si aktor kapag naba-bash ang kanyang GF, pero kapag magkakasama naman sila sa mga events at showbiz happenings ay dedma at halos hindi pinapansin ng aktor ang karelasyon daw niya.


Hindi naman maamin-amin ng aktres ang relasyon nila dahil mismong ang hunk actor ay walang inaamin.


Ang palusot lagi ng aktor, gusto niyang maging private ang personal niyang buhay. Ayaw daw niyang pagpistahan ng media ang relasyon nila ng tsinitang aktres.


Pero, may ilang netizens naman ang nagsasabing ginagawang front o cover-up lang ng aktor ang kanyang GF dahil may sikreto siyang pinagtatakpan. Sentro siya ng tsismis at bulong-bulungan ng ilang grupo na nakakaalam ng kanyang misteryo. Kaya, hindi nga basta-basta maililigwak ng hunk actor ang aktres.


Para naman sa mga fans ng aktres na nagmamalasakit, unfair daw na pinaaasa sa wala ng hunk actor ang kanyang GF. Dapat ay magpakatotoo na siya at 'wag mabuhay sa pagkukunwari.

 
 

PETITE NA AKTRES, PRESS RELEASE NA AYAW NANG MAG-SHOWBIZ PERO ANG TOTOO, 'DI NA NI-RENEW NG NETWORK ANG CONTRACT

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 21, 2020



BLIND ITEM:


Hindi na pinagtatakhan ng ilang showbiz observers kung bakit kumupas na ang ningning ng isang petite na aktres na ilang taon ding naging bahagi ng isang malaking network.


Noong mga unang taon niya sa kanyang home studio ay magagandang projects ang ibinigay sa kanya. Inalagaan naman siya at binigyan pa ng ka-love team para mas uminit ang kanyang career.


Pero, marami ang nakakapansin na medyo may attitude ang aktres at kulang sa PR sa kanyang mga co-stars at fans. Kung kumilos siya ay parang big star na at pa-VIP. Eh, kung tutuusin, kapos siya sa karisma!


Magaling naman siyang umarte at kaya niya ang mga challenging roles na ibinibigay sa kanya, pero sa tagal ng ipinamalagi niya sa network ay hindi siya gaanong nag-create ng impact. Hindi siya masyadong pinag-uusapan at hindi pinapansin kung anuman ang narating ng kanyang career.


Nang magkaroon ng non-showbiz BF ang aktres na super rich businessman, may press release agad siya na hihinto na sa pag-aartista kapag nag-asawa na. May negosyo na rin naman ang aktres na naipundar sa tulong ng kanyang fiancé at ito na raw ang aasikasuhin niya.


Pero, ang latest na balita ay tumanggap ng show sa ibang network ang petite na aktres. Hindi niya kayang basta talikuran ang showbiz. Kahit na milyonaryo pa ang kanyang mapangasawa, hahanap-hanapin pa rin niya ang pag-arte at gugustuhin pa rin niyang mag-showbiz.


Masakit ang loob niya na hindi siya hinabol ng dati niyang network. Gustung-gusto pa naman niya na magkaroon ulit ng isang serye. Kahit may offer sa kanya ang ibang network, iba pa rin kung sa dati niyang network siya babalik at mapapanood.

 
 

AKTRES NA ATAT SUMIKAT KAYA INIWAN ANG NETWORK, NABUNTIS NAMAN KAYA GOODBYE CAREER NA!

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 11, 2020



BLIND ITEM:


Hindi man aminin, tiyak na sobra-sobra ang panghihinayang at pagsisisi ngayon ng isang aktres na iniwan ang network na nagbigay sa kanya ng big break at magagandang projects.


Sumikat lang nang husto ang aktres nang mapansin ang kanyang pagiging kontrabida sa isang serye. Lutang na lutang kasi ang kanyang character at marami ang bumati sa mahusay niyang pag-arte.


Ang bilis-bilis na nalunod sa isang baso ng tagumpay ng aktres. Umakyat agad sa kanyang ulo ang mga papuri at palakpak. Dati-rati, ang sabi niya ay hinding-hindi niya iiwan ang network na nagtiwala sa kanya. Tumatanaw daw siya ng utang na loob dahil sa big break na ibinigay sa kanya.


Pero, nang matapos na ang kanyang kontrata sa network ay agad na siyang lumundag sa ibang talent management. Excited na siyang magbida at makatrabaho ang malalaking artista sa bago niyang network. Kaso, ginawa lang naman siyang support ng bida sa seryeng nilabasan niya.


Unti-unting nawala ang ningning ng kanyang pangalan. Hindi na rin siya masyadong pinag-uusapan, lalo nang mag-asawa na siya at nagkaanak.


Sinasabi lang niya na masaya siya sa pagiging wife and mommy, pero ramdam naman ng lahat na hindi ito ang pinangarap niyang mangyari.


Ngayon ay hindi na maaabot ng aktres ang mataas na level ng kanyang career. Nabali na ang kanyang mga pakpak. At sakaling mabigyan pa siya ng project kapag bumalik, tiyak na kontrabida at hindi na bida ang kanyang role. At posibleng mother role na lang din ang babagay sa kanya ngayon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page