top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

BYUTING AKTRES, FAITHFUL KUNO SA LONG-TIME PARTNER, BINABAHAY PALA NG BIGTIME BUSINESSMAN SA CONDO SA MAKATI

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | February 6, 2021



Blind item:


Pinagtataasan lang ng kilay at pinagtatawanan ng mga belong sa alta-sosyedad ang press release ng isang byuting aktres na loyal at faithful partner siya sa kanyang long-time lover na rich businessman.


Alam kasi sa circle ng mga rich businessmen na binabahay ang byuting aktres ng isang bigtime businessman sa posh condo unit d'yan sa Makati.


Ang ipinagtataka nila ay kung bakit at paano natatanggap ng long-time partner ng byuting aktres ang kanilang setup gayung alam nito ang katotohanan.


Tanggap na kaya niyang hindi naman siya ang totoong greatest love ng byuting aktres at para lang ma-save sa kahihiyan at hindi siya iwan nito ay okay lang sa kanya na sa iba umuuwi ang aktres?


Tsk, tsk, tsk!

 
 

SIKAT NA SINGER-ACTRESS, NAKARMA NA TINALIKURAN ANG NETWORK NA NAGPASIKAT SA KANYA, WA' NA CAREER

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 4, 2021



Blind item:


Hindi psychic ang isang veteran TV-movie director, pero marami siyang nabanggit noon tungkol sa ilang artista-singers na nagsisialis sa network kung saan una silang sumikat at nabigyan ng trabaho.


Kaswal lang niyang sinabi sa amin na walang mangyayari sa career ng mga artistang walang utang na loob na nang-iwan sa dati nilang network. Pagsisisihan daw ng mga ito ang kanilang naging desisyon.


Tulad ng isang comedian-singer na ang tagal-tagal na naging bahagi ng malaking network at nabigyan ng magagandang shows pero umalis at lumipat din dahil sa impluwensiya ng isang taong malapit sa kanya.


Sabi ng veteran director, hindi magiging maganda ang resulta ng paglipat ng sikat na comedian-singer dahil may mga taong sumama ang loob sa ginawa niyang paglayas sa dati niyang network.


Ganu'n din daw ang mangyayari sa isang guwapong aktor na ang tagal-tagal nang naging bahagi ng long-running show. Pumakabilang-bakod din siya dahil gustong magbida sa serye, pero halos wala pang tatlong taon, nawala na ang mga shows ng guwapong aktor sa bago niyang network. At masuwerte pa rin siya na muli siyang tinanggap at nakabalik sa nilayasang network.


Isang sikat na singer-actress din ang nabawasan ang ningning ng career ngayon bago pa nagkaroon ng Covid pandemic. Dahil feeling niya ay super-sikat na sikat na siya, tinalikuran niya ang network kung saan siya unang nakilala at nabigyan ng mga shows. Gusto niya kasing makasama ang iba pang sikat na singers sa isang musical-variety show.


Pero sadyang bilog ang mundo. Maraming binago ang Covid-19. Maraming binawing oportunidad sa mga taong nakakalimot sa kanilang pinanggalingan.


Hindi man psychic ang kilala naming veteran director at wala pa ang Covid sa 'Pinas, naramdaman na niya ang mangyayari sa ilang showbiz personalities.


Sabi nga niya, "It pays to be loyal.” At maraming artista ngayon ang tiyak na makaka-relate rito.


Hindi naman masama ang maghangad na umangat at mag-level-up ang career. Pero hindi rin dapat na magmalaki at kalimutan ang tumanaw ng utang na loob sa nagbigay sa atin ng break na makilala.

 
 

SEXY ACTRESS, IKAKASAL NA LANG, BF NA TV CELEB, BIGLANG NAG-DISAPPEAR, NA-TRAUMA, NAGING OLD MAID

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 4, 2020



Blind item:


Sobrang ininda ng maganda at sexy actress-comedienne ang paghihiwalay nila ng kanyang karelasyong sikat na TV personality.


Ilang taon din silang naging BF-GF at itinakda na nga ang kanilang kasal. Masayang-masaya noon ang sexy actress dahil pangarap din niyang makasal at magkaroon ng sariling pamilya.


Alam ng buong showbiz at ng kanilang mga kaibigan ang kanilang planong pagpapakasal, pero shocked ang lahat nang hindi ito natuloy.


Biglang-bigla na lang nag-disappear ang groom-to-be. Nagpunta raw ito sa USA at doon na namalagi nang matagal.


Malaking palaisipan sa lahat kung bakit umatras ang TV personality sa kanilang kasal ng sexy actress. Wala ring maisagot ang aktres sa mga nagtatanong kung bakit hindi natuloy ang kanilang kasal. Clueless siya sa rason ng pagba-backout ng kanyang groom.

Pero ang bulung-bulungan, may gender issue ang TV personality kaya kesa lokohin ang sarili ay umalis na lang ng bansa.


Matagal-tagal ding ininda ng sexy actress ang nangyari at mula noon, hindi na siya nakipagrelasyong muli. Single na single pa rin siya hanggang ngayon. Hindi lang niya alam kung nakarma na ang lalaking nangako sa kanya ng kasal pero hindi tumupad. Ni hindi na nga raw sila nakapag-usap at wala rin itong paliwanag sa nangyari.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page