top of page
Search

NANG MAGKITA ULI, WALA NANG KILALA.


ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 04, 2021



Blind item:


Minarkahan na ng maraming reporters ang isang aktor na feeling big star kung umasta. Pakiramdam ng aktor sa kanyang sarili ay napakagaling na niya kaya dapat bigyan ng malalaking projects.


Gusto niyang i-level-up ang kanyang sarili sa ilang multi-awarded actors. Kaya 'pag may bago siyang pelikula o serye ay ramdam ng mga tao sa kanyang paligid na sobrang bilib siya sa kanyang sarili.


Pero ang ugali niyang kinaiinisan ng maraming reporters ay 'yung kawalan niya ng sinseridad sa pakikitungo. Kapag may pa-presscon para sa kanyang pelikula ay super sweet siya sa mga nakakaharap na press people. Super-chika-chika at feeling close sa lahat. Okey lang sa kanya na mapagod sa kase-selfie sa mga reporters na nag-interview sa kanya. Kaya ang buong akala ng mga reporters ay matatandaan ng aktor ang kanilang mukha at mga pangalan.


Pero ilang araw lamang ang lumipas, nang ma-meet nilang muli ang aktor sa isang event ay dedma na ito, as in hindi na sila kilala ng feeling-sikat na aktor.


Biglang-bigla na itong nagkaroon ng amnesia at hindi na kilala ang mga reporters na ilang araw lang ay binebeso-beso pa niya.


Plastik ang aktor, Hari ng Tupperware at Orocan! Minus factor 'yun sa aktor na ngayon pa lamang ay sinasabi nang hindi sisikat nang husto.

 
 

NG NAOSPITAL NA BFF.


ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 14, 2021



Blind item:


Marami ang nagsasabing napaka-generous daw ng sikat na aktres-singer dahil bonggang-bongga kung siya ay magregalo sa kanyang mga kaibigan at sa mga taong mahal niya.


May mga charitable institutions din daw itong tinutulungan at may mga scholars na pinag-aaral.


Dati nang mayaman ang sikat na aktres bago pa pumasok sa showbiz. At nang mag-artista na ito ay hindi lang triple ang nadagdag sa kanyang kayamanan.


Maraming negosyo at real estate investments ang sikat na aktres, kaya kahit hindi na siya mag-artista ay hindi mauubos ang kanyang milyones. In fact, bilyonaryo na siya kung assets lang niya ang pagbabatayan.


Kaya naman, kapag may mga taong nagkakasakit o kailangan ng financial assistance, ang sikat at rich na aktres ang naaalalang lapitan ng mga humihingi ng tulong. Sigurado raw na hindi tatanggihan ng aktres na tulungan.


Pero sad to say, fake news lang pala ang balitang napaka-generous at matulungin ng sikat at rich na aktres. Nang magkasakit at maospital kasi ang taong matagal niyang naging kaibigan at nakasama sa trabaho, akala ng marami ay sasagutin ng aktres ang hospital bill ng kanyang BFF. Pero, hindi 'yun ang nangyari.


Nagbigay lang ng certain amount ang sikat at rich na actress. Katwiran niya ay marami raw siyang commitments na dapat bayaran. May malaki siyang project na pinagkakagastusan.


Kaya naman, naghanap pa rin ang pamilya ng naospital na kaibigan ng ibang mahihingan ng tulong.


Maraming netizens ang dismayado sa sikat at rich na aktres. May limit pala siya sa kanyang ibibigay na tulong sa mga kaibigan. Umaapaw na ang yaman niya pero hindi pa siya nakukuntento sa buhay. Ayaw pa niyang mag-share sa mga taong kapuspalad.


Kaya naman pala kahit literal na siyang nahihiga sa salapi, hindi pa rin siya lubos na masaya sa kanyang buhay. Lagi pa rin niyang idinadaing ang kanyang mga problema.

 
 

TV HOST-ACTRESS AT BAGUHANG AKTOR, COVID POSITIVE, NAKA-QUARANTINE

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | March 15, 2021



BLIND ITEM:


Nagulat kami sa tsikang TV host-actress at kasamang baguhang aktor ang kasalukuyang naka-quarantine dahil nagpositibo sa Covid-19. Paano nangyari?


Ang balita ay dumaan naman lahat sa swab test pero hindi hinintay ang resulta at itinuloy ang taping na isa pala sa mga na-swab ay nagpositibo.


Kaya, kuwentuhan daw ito sa buong production at bakit hinayaang mag-taping nang wala pang resulta?


Oo nga? Knowing na napakahigpit ng production ng network na ito, paano lumusot at ano ang gagawin ng management sa mga artistang lumabag sa health protocol?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page