top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 01, 2021



Blind item:


Dismayado ang marami sa singer-TV host na unti-unti nang kinakikitaan ng angas at paglaki ng ulo ngayon.


Feeling kasi niya ay sikat na sikat na siya dahil nabigyan ng mga shows na siya ang host.


Hindi na niya inisip 'yung panahon na isa lang din siyang baguhan at wala pang experience sa pagiging host.


Pasayaw-sayaw pa lang siya noon at kasama lang sa mga sikat na hosts.


Pero nang mabigyan ng chance na mag-host ang singer-host kasama ang ilang baguhan, nagbago na siya ng pag-uugali. Akala niya ay siya lang ang solong nagdadala ng show.


Pinaglalaruan at binu-bully na niya ang mga kasamahan sa show. Nagkakasakitan na at naaksidente sa mismong show nila ang isa sa mga co-hosts niya.


Biro lang para sa maangas na host ang kanyang ginawa, pero grabe ang nangyari dahil malaki ang naging damage at injury na ininda ng co-host nang ilang araw dahil sa nasabing freak accident.


Bina-bash ngayon ang singer-TV host dahil sa kanyang ginawa sa co-host sa show.


Pero, sabi nga, umiikot ang mundo. Hindi sa habampanahon ay sikat si singer-TV host. May katapat naman na karma ang lahat.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 20, 2021



Blind item:


Tahimik na dapat ngayon ang buhay ng isang sikat na aktor. Kahit nag-pandemic ay hindi naman gaanong naapektuhan ang kanyang kabuhayan dahil nakapag-ipon siya at may naipundar para sa kanyang pamilya.


Hindi naman sila nagigipit nang husto kahit lie-low ang mga raket sa showbiz dahil sa COVID pandemic. Masaya rin ang love life ng sikat na aktor dahil matatag ang relasyon nila ng nobyang aktres.


Ang tanging malaking pasanin lang ngayon sa balikat ng aktor ay ang pagpasok sa pulitika ng ilan sa kanyang mga kamag-anak. Malaking challenge para sa aktor kung ano ang kanyang gagawin upang maipanalo ang mga kamag-anak na tatakbo sa 2022 elections.


Ang laki-laki ng expectation sa kanya ng lahat dahil sikat nga siyang artista. Dapat daw ay mailusot niya ang kanyang mga kamag-anak kaya dapat ay tumulong siya sa pangangampanya.


Pero, sey ng mga netizens, hindi garantiya na kapag in-endorse ng sikat na artista ay sure win na ang isang kandidato. Papaano na kung hindi palarin na manalo ang mga kamag-anak niyang kandidato? Tiyak na ibabagsak ang sisi sa sikat na aktor. Baka pagtawanan pa siya at lait-laitin.


Hindi naman kasi niya maawat at hindi mapigilan ang mga kamag-anak na nagnanais sumabak sa pulitika, kaya ngayon ay problemado ang sikat na aktor. Pero, may choice ba siya?


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 6, 2021



Blind item:


Labis kaming nanghihinayang sa isang female personality na smart at multi-talented.

Dati siyang singer-actress-host at isa ring broadcast journalist. Ilang taon siyang naka-tandem sa radio program ng sikat na male broadcaster.


Palibhasa'y matalino at maboka, hindi siya basta nagpapatalo sa kanyang mga kasamahan sa radio. Lagi siyang bida-bida kahit saan siya pumunta.


Pero, nakatagpo siya ng katapat. May female newscaster na malakas din ang personalidad na kanyang nakabangga. At ang masakit, hindi siya ang kinampihan ng big boss ng radio station.


Dahil mataas ang pride ng female personality, nag-resign na lang siya sa radio program kung saan kasama siya. Hindi inakala ng mga dati niyang kasamahan sa radyo na may makakatapat din ang matalinong singer-actress-host na sobrang bilib sa sarili.


Sinayang niya ang mga taon na ginugol niya sa radio station. Hindi kasi siya umubra sa nakatapat niyang broadcast journalist.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page