top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 06, 2022



Blind item:


May kasabihang “Once an actor, always an actor,” dahil siyempre, mahirap naman talagang talikuran at kalimutan ang showbiz world, lalo na kung nasanay ka na sa kasikatan at luxurious lifestyle.


Pero ibang usapan kapag sa sugal naging sugapa, ‘yung tipong kahit huling sentimo na lang, eh, itataya mo pa sa kagustuhang makabawi.


Ito ang feeling naming nangyari sa sikat na aktor-pulitiko na ang buong akala namin ay nagbago na, pero halleeeer, nagbago lang pala ng pagkukunan ng funds, pero adik pa rin sa casino. Tsk, tsk, tsk!


Paaaak! Ganern na nga!


Noon pa itsini-chika ng aming source na sugapa talaga sa casino ang sikat na aktor-pulitiko. Nu’ng palarin siyang manalo sa mataas na posisyong inaasinta niya, akala namin ay nagbago na siya.


Pero ilang araw pa lang ang nakakaraan, nakarating na naman sa amin ang balitang nagpatalo pala ng P300 milyon sa loob lang ng isang gabi, ha, take note, itong si sikat na aktor-pulitiko.


Juskolooooord! Saan niya kaya hinugot ang P300 milyon at bakit ganu’n kalaki ang budget niya?


Eh, teka, kung ‘di kami nagkakamali, tumatakbo uli ngayon sa isang posisyon itong si sikat na aktor-pulitiko. Hindi kaya campaign funds na ang ginagamit niya?


Halaaaa! Pa’no na lang pala kapag nanalo siya uli, malamang pati kaban ng bayan, eh, itaya niya.


‘Kalokah! Ano’ng akala niya, pinupulot lang ang pera?


Tsk, tsk, tsk! Sayang si aktor-pulitiko, sayang na sayang!


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 19, 2021



Blind item:


Marami ang naaawa at nakikisimpatya sa isang sikat na not so young actress dahil hindi niya magawang mag-open up ng tungkol sa kanyang BF na aktor kapag ito na ang itinatanong sa kanya ng movie press.


Halatang nag-aalangan siya na magbigay ng komento lalo na kung tungkol sa kanilang relasyon ang topic.


Although alam ng lahat na may unawaan sila ng aktor, may mga nagdududa pa rin kung “for real” ba ang kanilang pagmamahalan. Marami kasi ang nakukulangan sa ipinakikitang atensiyon ng aktor sa GF na sikat na aktres.


Parang napipilitan lang daw ang aktor dahil kailangan niya ang sikat na aktres para sa kanyang career.


Masyadong malihim at may pagka-misteryoso ang aktor sa kanyang love life. Parang may gusto lang siyang pagtakpan kaya sumusunod na lang sa kagustuhan ng mga fans at supporters nila ng GF.


Pero, may malalapit na kaibigan ang aktres na nagsasabing may nararamdaman na rin siyang kakaiba sa ikinikilos ng kanyang BF na aktor. Ayaw lang niyang tanungin ito nang diretsahan.


Tiyak naman kasing hindi rin aamin ang aktor sa kanya. Kaya ngayon ay pareho na lang nilang sinasakyan ang mga kaganapan sa kanilang career.


Napag-iiwanan na nga ang sikat na aktres ng mga kasamahan niyang nagpakasal na at may sarili nang pamilya. Pangarap din naman ng sikat na aktres ang maikasal at maging bride. Kaso, wala yata sa bokabularyo ng kanyang BF ang salitang "KASAL". Hindi mangyayari ang hinihintay sa kanya na magpo-propose sa GF na aktres.

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 02, 2021



Blind item:


Naging open na sa publiko ang isang actress-TV host kung sino ang presidentiable na susuportahan niya sa 2022.


Siya na mismo kasi ang nagpahayag na magiging aktibo siya sa pag-iikot sa iba't ibang probinsiya para ikampanya ang kanyang presidentiable. At katuwang pa niyang mangampanya ang kanyang karelasyon ngayon.


Sa February, 2022 sila magsisimula sa pag-iikot para mangampanya. Ngayon pa lamang, nagpupustahan na ang mga political observers kung magagawa ba ng actress-TV host na maipanalo ang kanyang presidentiable.


Malakas pa ba ang kanyang karisma sa tao, eh, ang tagal niyang nawalan ng exposure sa telebisyon? May clout o hatak pa ba sa mga botante ang actress-TV host?


Malaking challenge ang haharapin niya dahil dehado sa laban ang kanyang napiling presidentiable. Hindi lang himala kundi maraming dasal ang kanyang kailangan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page