top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | January 23, 2022



Blind item:



Naalala tuloy ni yours truly 'yung confession ng isang maganda, sexy at kilalang aktres noong latter part ng dekada '70 or early '80s na nakipag-sex daw siya sa may parking lot ng isang music bar noon sa bandang Roxas Blvd.


Dahil nga sobra raw silang nadala sa lovemaking nila inside the car ng kanyang partner ay hindi nila napansin na ang mga salaming bintana ay nagpapawis na, kasi raw ay saradung-sarado ang tsekot with no aircon.


Mabuti na lamang daw at isang movie director na kasama nila sa music bar ang pumunta sa kanila at kinatok sila at sinabihang… "Ano ba kayo, nagpapakamatay? Ni walang pumapasok na hangin sa kotseng ito at puro hininga n'yo lang,” at saka lang daw sila natauhan at tumigil sa eng-engan lalo pa nga’t bisperas pa 'yun ng Araw ng mga Patay, nnngggiii!


Kung nagkataon pala ay natigok sila sa sarap ng kanilang eng-engan blues, ha!


Oh, wowww, whatta sex life inside the car with no air. Ibang klase, devah naman? Pero hindi na naulit 'yun kasi after that ay nagkaroon na sila ng mga bagong dyowa.


'Yun na!


Kung sinex sila…. ay, secret, walang clue! Pak, ganern!


'Yun lang and I thank you.


 
 

ni Reggee Bonoan - @Teka Nga! | January 22, 2022



Blind item:


Narinig namin ang tsikahan nina ‘Nay Cristy Fermin at Romel Chika sa online show nilang Cristy Ferminute na pinag-uusapan nila ang kilalang aktor na may mabahong paa kapag naghubad na ng sapatos.


Nanghihinayang sila dahil mabait, magaling at guwapo ang aktor na almost perfect na dahil mahusay ding makisama sa lahat, kaya naman puring-puri siya ng mga ka-work niya. Pero ‘yun nga, may kapintasan din palang taglay.


Medyo maingat na ngayon ang aktor dahil kapag may mga kasama siya sa set o sa kuwarto since locked-in taping sila ay hindi siya basta naghuhubad ng sapatos kapag tapos na ang trabaho dahil nga sisingaw ang amoy ng paa niya.


Kahit pa raw naka-medyas ito ay naaamoy pa rin dahil sobrang magpawis ang kanyang mga paa.


Hindi lang alam kung naimungkahi na ito ng aktor sa doktor dahil tiyak na may lunas ito tulad din ng mga may mababahong hininga na kahit na anong mouthwash at mamahaling toothpaste pa ang gamit ay hindi nawawala dahil nanggagaling ito sa sikmura. Halitosis ang tawag sa ganitong uri ng mabahong hininga.


Going back sa aktor na super-bango naman na amoy laging bagong paligo, ‘yun nga lang, huwag na huwag aalisan ng medyas at sapatos once napagpawisan na siya dahil parang may amoy patay na daga.


Hmmm, nakasama namin ang aktor at baka magaling na ang kanyang sakit na namamaho ang paa dahil nakita namin siyang naka-slides at naka-medyas.


 
 

ni Reggee Bonoan - @Teka Nga! | January 21, 2022



Blind item:


Sa panahon ng pandemya na walang masyadong project ay may mga kakilala kaming artista na nangangatok sa mga kakilalang producer at direktor na sana ay maisama sila kapag may bagong show o project na gagawin.


Maliban na lang sa mga superstar o super-sikat na talaga dahil ang trabaho na ang mismong lumalapit sa kanila, kahit pa katatapos lang nila ng isang proyekto.


Perfect example rito si Jodi Santamaria na pagkatapos ng seryeng Ang Sa Iyo ay Akin ay siya ang napiling gumanap na Dra. Jill Ilustre sa The Broken Marriage Vow na mapapanood na sa Lunes, Enero 24.


Ang bida sa aming blind item ay isang aktor na bilang na nga lang ang proyektong dumarating sa kanya ay namimili pa dahil hindi niya type ang maging suporta lang.


Inalok ang aktor na maging second lead sa bida pero tumanggi siya dahil ang katwiran niya ay nagbida na siya at hindi na puwedeng bumaba sa level na lead role.


Naloka ang producer at direktor na ang tanging sagot lang ay, “NOTED!”


Ito naman kasing si aktor, wala na ngang regular na trabaho at wala rin kaming alam na may negosyo siya para sana may pagkunan ng gastusin sa araw-araw, eh, namimili pa.


Ilang beses na nga siyang naba-blind item na kailangan daw niya ng trabaho base sa mga kaibigan niya, pero namimili naman ng role. Dapat daw ay bida siya.


“Bida pala lagi ang gusto niya, sana, inaayos niya ang pag-arte niya para hindi siya nawawalan ng project. Minsan lang naman siya nakatikim ng lead role, ah?” sabi ng nakatsikahan naming artista rin na naka-work niya.


Oh, well, may ganu’n talaga, para sa profile na 'pag tiningnan, eh, pang-leading man siya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page