top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Mercy Lejarde @Talkies | May 13, 2022



BLIND ITEM:


'Kaaliw ang mga blind items ni friendship Joey Sarmiento a.k.a. Kuya Jay Machete of 91.5 Win Radio FM.


Pinahuhulaan niya sa kanyang mga listeners ang kanyang BI at ang makahula ay binibigyan niya ng P500 cash.


Tulad na lang nitong katatapos na Halalan 2022, ang kanyang mga blind item goes like this…


“Wow! Ngayong tapos na ang kampanyahan… si Singer, nakabili agad ng dalawang sports car… worth P5 million at P6.2 million… Huwowww, katas ng tatlong linggong kampanyahan. Paano ba naman, ang kontrata pala for one month ay 20 million plus allowance. Sana all. Basta si Kuya Jay, laging mag-iingay.”


Pinilit ni yours truly ang damungkang na kahit initials lang ni singer ay gibsung niya.

“'E' ang initial ng last name niya,” sey niya.


E, as in… edi, wow!



 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 10, 2022



BLIND ITEM:


How true na iiklian na ang exposure ng kilalang singer-actor sa TV series na kinabibilangan niya dahil sobrang pasaway?


Nu’ng nagreklamo ang singer-actor tungkol sa call time niya ay in-adjust ito. Ang dami rin niyang hinahanap sa set, bagay na alam naman niyang limitado ang galawan dahil nga locked-in shoot dahil sa pandemya.


Malapit na ang airing ng TV series at lahat ng cast ay hiningan ng video promo, pero tumanggi ang singer-actor dahil nagmamadali na siyang umuwi, hindi na raw niya ito magagawa pa.


Naloka ang bossing ng show dahil halos lahat ng cast ay naglaan ng ilang minuto para sa video promo lalo na ang mga bida ng show, considering na support role lang itong si singer-actor at it turned out na siya pa ang nagmamaldito.


Hindi na nahilot ang singer-actor at umalis na nang tuluyan na dedma sa pakiusap ng staff ng TV series.


Kaya para mabawasan ng sakit ng ulo ang buong production kasama pa ang ilang cast na hindi na rin siya gusto ay super-binawasan ang araw na magsu-shoot siya. Hindi lang niliwanag sa amin kung alam na niya ito.


Anyway, magaling naman talagang umarte si singer-actor pero kung sasakit naman ang ulo ng buong production dahil sa pagiging ‘diva’ niya, eh, mas maganda ngang bawasan siya ng trabaho.


“Sa panahon ng pandemya at maraming walang trabaho, magpasalamat siya at nabigyan siya, sana pala, nakinig na lang kami sa tsika na mahirap siyang ka-work,” sabi mismo ng bossing ng network.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 3, 2022



BLIND ITEM:


Markadong chickboy ang isang hindi naman kasikatang aktor. Ilang artista na rin ang kanyang nakarelasyon, pero it seems wala siyang sineseryoso.


Naging GF niya ang young singer-actress nang magtambal sila sa isang serye. Sinamantala ng aktor ang kainosentehan ng singer-actress sa larangan ng pag-ibig. Hindi rin nagtagal at siya ay nakipag-break. Isang bagay na labis na dinamdam ng young singer-actress.


Ang sumunod na diniskartehan ng aktor ay ang maganda at sikat na sikat na aktres. Tutol ang partidos ng aktres sa aktor dahil bukod sa walang ambisyon sa buhay, super-tamad at walang gustong gawin kundi matulog maghapon.


Mabuti na lang at maagang nauntog at nagising sa katotohanan ang sikat na aktres at humiwalay sa tamad na aktor.


Ngayon, isang actress-beauty queen naman ang bagong target ng chickboy na aktor. Kabe-break lang ng beauty queen-actress sa kanyang boyfriend na aktor, kaya tiyak na madaling mapapaibig ng chickboy at tamad na aktor.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page