top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 16, 2022



BLIND ITEM:


Dahil sa sobrang nipis ng built ng katawan ng kilalang aktor ay pinagtatawanan siya ng mga co-actors niya sa TV series na isinu-shoot nila dahil may pagka-action ito.


May mga action series nang nagawa ang kilalang aktor at kasama nga niya noon ang mga sikat na aktor din na humataw sa ratings game, pero kasi noon ay malaman pa siya kumpara ngayon na sobrang nipis, pero may abs kaya nga proud siyang i-post ang mga larawan niya sa kanyang social media accounts na dahilan din kaya siya nakuhang endorser ng kilalang underwear brand.


Pinagtatawanan ang kilalang aktor dahil may eksenang babaril at tatakbo siya pero bigla siyang nasagi ng batang aktor na ikinatumba niya na hindi dapat. Sabi, nawalan siya ng balanse.


Pero imbes na mapahiya o magalit ang kilalang aktor ay tawang-tawa rin siya sa nangyari sa kanya kaya gusto siya ng mga co-actors niya dahil hindi siya pikon.


In fairness, ilang beses na naming nakapanayam ang kilalang aktor at lagi lang siyang nakangiti at hindi napipikon sa mga tanong sa kanya. Higit sa lahat, wala kaming naramdamang ere kumpara sa kapatid niyang pikon.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 29, 2022



BLIND ITEM:


Tatanggap pa kaya ng project ang kilalang mabait na direktor na pagbibidahan ng aktor na hindi niya nakasundo sa latest show nila?


Ilang beses na rin naming nakapanayam ang direktor na hindi showbiz, may pagka-taklesa, very humble at marami siyang shows na nag-hit sa TV kaya talagang umingay nang husto ang pangalan niya.


Bukod dito ay ang kilala at mabait na direktor ang malaking parte sa pagsikat ng magka-love team na kahit walang masyadong ginagawa ay maingay ang kanilang mga pangalan kahit sa ibang bansa.


Nang binanggit sa kilala at mabait na direktor kung sino ang mga bida sa show niya ay na-excite siya kasi nga sikat din naman ang mga ito.


Pero naloka kaagad ang direktor dahil unang taping day pa lang ay may napansin na siyang ugali ng bidang aktor na dinedma na lang dahil nga pareho silang nangangapa sa isa’t isa lalo’t first project nila itong dalawa.


Habang dumadaan ang mga araw ay tila hindi na kinakaya ng kilala at mabait na direktor ang bidang aktor, dagdag pa ang sumbong sa kanya ng kanyang production staff.


Sabi ng aming source, “Nairita si direk kasi nakikialam sa mga eksenang gagawin, ayaw sundin ‘yung iba, tapos ang bagal niya. Naghahabol ng oras, pero hindi naman nagmamadali. Feeling ni direk, gusto ni (aktor), siya ang masusunod kung ano ang gusto nitong pag-arte, o siya ang magdidirek ng sarili niya.”


Marami raw aberyang nangyari sa tapings kaya natagalan itong matapos at nasira rin ang schedule ng kilala at mabait na direktor dahil may nakalinya pa siyang show na isu-shoot na kamakailan lang nagkaroon ng mediacon.


Dagdag pa ng aming source, “Ang daming bawal ni (aktor), eh, paano kakagatin ng manonood ang show niya kung walang pakilig o kissing scene? Hindi naman na siya bagets, susme, marrying age na siya, ‘no?”


Feeling namin ay ginagaya ng aktor ang imahe ng sikat na aktor na kahit walang kissing scene sa ka-love team niya ay grabe ang ratings at sandamakmak ang TVC.


Ang pagkakaiba kasi, ang sikat na aktor, mata pa lang ay umaarte na. Itong aktor na bida sa blind item namin ay sumasakit ang ulo ng mga direktor na naka-work niya.


Anyway, malapit nang mapanood ang show at abangan natin kung magre-rate ito o mapag-uusapan man lang ng mga Marites.


 
 

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | September 28, 2022


BLIND ITEM:


Shocked galore talaga kami sa chika ng reporter friend na nakausap namin kahapon sa isang presscon na aming pinuntahan.


Naikuwento niya kasi sa amin na hindi lang ang guwapong aktor na ayaw umaming member ng LGBTQIA+ ang gay kundi pati ang anak nitong singer.


Umamin daw si dyunakis na gay siya hindi sa guwapong aktor kundi sa isang kaibigan ng daddy niya.


Ang siste pa at muntik magpa-tumbling sa amin ay ang sinabi ng reporter friend namin na pagkatapos maging 'papa' o jowa ng guwapong aktor ang isang tisoy na aktor-singer, sinalo naman ito ng kanyang anak na singer din.


Luhhh! In short, tinuhog ni tisoy na aktor-singer ang mag-amang vaklush!


Grabe naman ang tinik at karisma ng tisoy na aktor-singer na ito na minsan ding na-link sa isang aktor-businessman, ha?


At ang mag-ama, ito kaya ang motto nila: "Minsan lang tayo mabubuhay" kaya gora na lang nang gora?


'Kalokah!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page