top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | May 10, 2023


Blind item:


Tila nauuso yata sa mga Kapamilya shows na kung sitahin o pagsabihan ang kanilang mga staff o production people ay parang wala nang bukas.


Kamakailan lang sa programang It's Showtime, wagas na wagas daw ang ginawang pagsita sa ilang staff ng show dahil sa pagkakabuking na umuulit ang ilang contestants sa segment nila na Isip Bata at nanalo pa ang mga ito ng big cash prize.


Pero, itong recent na pangyayari sa isa pang noontime musical show ay involved naman ang isang iconic female diva na may mga observers na nag-complain sa tila sinasadya umanong 'camera shots' na ipinapakita ang mga marka sa noo niya pati sa leeg, lalo na kapag siya ay bumibirit.


Sa isang prod number daw kasi ay talagang na-highlight ng ilaw at camera works ang hindi na maitatagong marks of aging ng nasabing diva singer.


At dahil isa na nga siyang icon singer at isa pa sa mga big leads ng show, super concern daw ang mga observers na ito sa ganu'ng aspeto.


Ang ending nga, ipinatawag at nag-meeting ang mga prod peeps na involved para pagsabihan na sundin ang mine-maintain na look at aura ni singing diva-host.


Ay, bakit sila lang ang ipinatawag para pagalitan? 'Di ba dapat, kasama rin ang direktor, pati na rin ang mga kasamahan nito sa director's booth, dahil kung tutuusin ay galing naman sa kanila ang directions for cameras and lighting.


Oh, baka naman kasi tama rin ang suggestion ng marami na kailangan na uli ni diva singer na magpa-botox para mawala na ang mga 'signs of aging' sa face niya?!


Ganern na nga!


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | May 1, 2023



Blind item:


Kahit hindi raw tayo mag-wan-plus-wan sa mga ganap, hindi nga raw kapani-paniwala na ang magdyowang madalas mag-abroad ay "clean fun" o nag-e-enjoy lang together minus the sex part.


Ito ang naging sentro ng tsikahan sa isang taping patungkol sa pagtatanggol ng beteranang aktres sa anak niyang female celebrity na may dyowang hunk actor.


Nakakairita raw kasi ang pronouncement o pahayag ni beteranang aktres na disiplinado at well-bred ang celebrity daughter niya pagdating sa isyu ng intimacy at experience sa sex.


"Kairita lang 'yung pa-virgin description sa anak niya," sey ng isang mahadera.


Sa dalas daw kasi ng pagsama ni celebrity daughter sa mga trips abroad ni hunk actor at sa "tulis-image" daw ng BF niya na nagbilang na rin ng mga nakarelasyong artista ("both sexes" pa raw, tili ng isa pang mahadera), super-imposible raw na hindi pa nakaiskor kay celebrity daughter ang guy.


"Kaya magtigil ka... (beteranang aktres) sa pagmamalaki sa anak mo. Santa-santita kaya 'yan," dagdag pa ng mga Marites sa nabanggit na tsismisan sa isang taping.


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | April 26, 2023



BLIND ITEM:


"Ano'ng meron?" ang tanong daw ng mga netizens na laging nakikita ang isang "very good looking" hunk na foreigner na madalas bumibisita sa isang hunk actor sa kanyang lugar.


Madalas nga raw na tumatambay ang nasabing hunk foreigner sa farm resort ni hunk actor na lumuluwas lang ng siyudad kapag may mga showbiz engagements.


Halos semi-retired na nga ang peg ni hunk actor, dahil tunay namang super-yaman na nito at marami na ring naipundar.


Hanggang ngayon ay single pa rin si hunk actor at sa pagkakaalam natin, never itong nagkaroon ng isang seryosong relasyon.


Kaya naman, nagtatanong at nagtataka ang mga nakakakita sa naturang "good looking" hunk na foreigner kung ano ba talaga ang business nito kay hunk actor at palagi itong spotted sa kanyang farm resort.


Nakakaloka! Ano nga ba talaga ang meron sa kanila?!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page