top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 15, 2023



BLIND ITEM:


Sa kawalan ng mga regular projects ay rumaraket bilang events coordinator ang sikat at mabait na aktres na kilala rin sa larangang ito.


Ito ang press release niya na kapag wala siya sa harap ng kamera ay kailangan niya ng ibang sideline dahil siya ang breadwinner ng kanyang pamilya.


Heto na ang kuwento, itong si so-so actor ay may ipinakitang listahan ng mga female stars na puwedeng maging tourist guide ng mga kilalang negosyante na gustong mamasyal sa ibang bansa.


Nagulat ang katsika naming aktor dahil nasa listahan ang sikat at mabait na aktres na ang drama ay events coordinator siya, na puwede nga naman dahil sinasamahan niya ang kanyang mga clients sa pamamasyal which makes sense, pero may kakaibang raket palang escort service.


Doon lang nagbalik-tanaw ang katsika naming aktor na kaya pala kahit walang regular projects ang kilala at mabait na aktres ay well-provided nito ang kanyang pamilya at may sarili silang magandang bahay.


Well, saludo pa rin kami sa sikat at mabait na aktres dahil pinaghihirapan naman niya kung anuman ang kanyang kinikita at wala siyang tinatapakang tao.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 12, 2022



BLIND ITEM:


Tawang-tawa kami habang ikinukuwento sa amin ng friend naming gay manager kung paano nairita at nabuwisit sa kanya ang super-selosang beauty queen-actress na girlfriend ng guwapong aktor.


Kuwento ni gay manager, grabe kung hawakan sa leeg ni beauty queen ang dyowa. Pati ang cellphone ng guy, 'di nakakaligtas sa kanya at binabasa niya talaga ang mga nagte-text dito.


One time, nabasa ni beauty queen-actress ang mga mensahe ni gay manager sa kanyang alagang guwapong aktor.


Du'n nabuking ng beauty queen na may relasyon si gay manager at ang BF niya kaya tinext niya ang manager gamit ang cellphone ng BF para sabihing siya ang mahal na mahal ng aktor at hindi ang gay manager.


Sa galit naman ni gay manager, tinawag niyang negra at retokada ang beauty queen.


Bagama't totoo naman, ikinagalit din ito nang bongga ng beauty queen nang marinig niya ang sinabi ng gay manager kaya nag-away sila.


Hahaha! 'Kalokah!


Dahil love na love ni gay manager ang kanyang guwapong alaga, siya na ang nag-give way. After all, there are many fishes in the ocean!


Ipinaubaya na niya sa tinawag niyang 'negra at retokadang' beauty queen ang kanyang favorite na guwapong aktor.


 
 

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | May 10, 2022


BLIND ITEM:


Nakakaloka ang mga kuwento ng kalokahan ng tisay na sexy actress.


Isang reliable source ang nagparating sa amin ng tunay na dahilan kung bakit siya hiniwalayan ng kanyang dyowang guwapong aktor.


Actually daw, marami nang nagsusumbong kay guwapong aktor na rumaraket ang GF niyang tisay na sexy actress bilang escort girl pero ayaw niyang maniwala.


One time, isang famous vlogger-actor ang nag-book kay tisay na sexy actress at nagkasundo silang mag-check-in sa isang sosyal na hotel.


Ang siste, nag-notify sa iPad ng GF na social media influencer ng famous vlogger ang pag-book niya kay tisay na sexy actress kaya nasundan sila sa hotel.


May access daw ang social media influencer sa room na kinuha ng BF niyang famous vlogger kaya ayun, caught in the act ang dalawa habang paakyat na sa langit ng kaligayahan.


Maitatago ba sa guwapong BF ng tisay na sexy actress ang iskandalong ito lalo't palaban din ang social media influencer?


Kaya ayun, ang ending, 'di na sila nakarating sa 'dulo' at hiwalayan na nga ang kasunod.


At pati tuloy sina vlogger at social media influencer na matagal na ring magdyowa, naghiwalay din!


'Yun na!



 
 
RECOMMENDED
bottom of page