top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Melba Llanera - @ Insider | July 6, 2023



BLIND ITEM:


Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na laman daw ng casino ang isang sikat na male TV host?


Heto nga raw ang dahilan kung bakit balitang nabaon siya sa utang at naging dahilan kaya nagkaroon sila ng tampuhan ng kaibigan niya na isa ring sikat na TV host.


Nakakalungkot lang kung iisipin dahil ‘di matatawaran ang galing nito, hindi lang sa pagho-host, kundi pati sa pagkanta at pagsasayaw.


Mabait, approachable at magaling ding makisama ang naturang male TV host sa lahat, lalo na sa press.


Iniisip namin na baka ito ang naging outlet niya dahil may mabigat siyang pinagdaanan kamakailan, pero sana ay makontrol nito ang sarili na iwasan na ang pagsusugal, na baka hindi lang niya ikasira kundi maging ng kanyang pamilya.


Naalala namin ang isang yumaong kapwa manunulat na nakasama ng isa ring yumaong manager-columnist sa casino at namamalagi sila rito sa loob nang ilang araw dahil may libre kang hotel accommodation ‘pag regular ka nang nagsusugal sa kanila.


Ayon sa kapwa namin manunulat, ‘pag nasa loob ka raw kasi ng casino ay malilimutan mo ang paglipas ng oras at ‘di mo namamalayan na ilang araw ka na palang ‘di umuuwi at nakababad ka na rito.


Pagkukumpara pa nga sa amin ng manunulat na ito ay para kang nasa isang fantasy world na limot mo na may buhay kang dapat harapin at mga responsibilidad sa buhay na dapat isipin.


Hiling namin, hangga’t kaya pa ay matauhan na sana ang naturang male TV host na walang kapupuntahan ang lahat ng pagsisikap niya sa mga proyektong ipinagkakatiwala sa kanya kung ‘di niya maiiwasan ang pagsusugal.


At kung lumala pa ito ay maaaring mauwi na nga sa addiction tulad ng droga at alak.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 3, 2023



BLIND ITEM:


Kaya naman pala bilang lang ang proyekto ng young actress dahil sa kanyang diva attitude, tapos sasabayan pa ng handler nitong feeling diva rin.


Mismong direktor at producer na ang nagsalitang ‘first and last’ na nilang katrabaho ang aktres dahil sa ipinakita nitong kagaspangan ng ugali sa isang isinu-shoot na series.

Nu’ng una raw ay okay lang sa producer ang demands ng aktres, pero habang tumatagal ay dumarami na at nararamdaman na ito sa set. Bukod dito ay ayaw nitong pinaghihintay siya. Sana raw ay tawagan siya kapag isasalang na.


Naalala tuloy namin ang sinabi ng mga senior stars, lalo na sina Maricel Soriano, Konsehala Aiko Melendez, Rosanna Roces at iba pang premyadong aktres, na binabayaran ang artista sa mahabang paghihintay nila.


Itong aktres na may diva attitude ay ni sa dulo ng daliri ng mga nabanggit na pangalan ay wala pang naaabot, susme!


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | June 25, 2023



BLIND ITEM:


Noon pa pala may negosasyon para sa isang major project ni dating matinee hunk actor, pero naunsiyami nga dahil sa ilang detalyeng may kinalaman umano sa talent fee, sistema ng shoot at promo, at mga demands na talo pa raw ang demands ng mas sikat na leading lady nito.


'Yun din sana ang magsisilbing hudyat ng kanyang pagiging bagong “artista” ng network.


Nangamba kasi itong tuluyan nang mawawala o mabubura sa sirkulasyon ang nakagisnan niyang network dahil sa pinagdaanan nitong mabigat na isyu.


Nasa pandemic pa nu'ng huling makagawa ng project si aktor na hindi naman gaanong napag-usapan, more so nag-rate sa mga advertisers.


Kung hindi pa raw ito na-involve sa isang kilalang celebrity ay baka nawala na rin sa kamalayan ng showbiz ang kanyang existence.


Kaya naman sa kanyang tila pagbabalik-trabaho ay gustong siguraduhin at palabasin ng produksiyon na most sought-after leading man pa rin siya.


Hmmmm… nakakatakot nga namang ma-the who kapag wala nang interesado sa 'yo, 'noh!


Pero gaano kaya ka-true ang tsikang tila nakalimutan na nito ang opisyal na “dila” o lengguwahe ng mga series para mahalin at suportahan ka ng mga fans?


Tila mas tumindi pa raw ang “twang” nito sa pagsasalita gawa nga ng involvement nito sa sikat na female celeb na bonggang-bonggang kumuda sa foreign tongue?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page