top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | April 14, 2023



PUWEDE na raw ang second booster sa COVID-19 vaccine.


Walang nakikinig.

◘◘◘


HIGIT tatlong taon nang ginagamit ang “experimental vaccine”, dapat ay “commercial grade” na ang iturok sa mga tao. Ibig sabihin, dapat ay tapos na ang experimental stage sa COVID-19 vaccine upang mabawasan ang side effects.


Dapat ipaliwanag ito nang malinaw ng World Health Organization (WHO) at Department of (DOH).

◘◘◘


DAPAT linawin ng WHO at DOH na “commercial grade” o genuine na ang COVID-19 vaccine na itinuturok sa taumbayan.


‘Yan naman ang sinabi ng mga eksperto noong 2020 – dalawa hanggang tatlong taon bago makabuo ng totohanang COVID-19 vaccines.

◘◘◘


ANO’NG klase ng COVID-19 vaccine ang ituturok, ‘yan ba ay natira o naiwan sa mga nagdaang stocks? Ipaliwanag dapat ‘yan upang magtiwala ang taumbayan na hindi ginagamit ang bakuna upang magkamal ng salapi ang mga multi-national drug companies na kakuntsaba ang ilang tiwaling ehekutibo ng gobyerno.


Ganu’n lang po.

◘◘◘


NA-EXPIRE at nasayang ang mga bakuna na binili ng gobyerno gamit ang salapi ng taumbayan.

Marami ang “tumabo” sa kontrata.


‘Yan ay tipikal na graft and corruption na mahirap masugpo.

◘◘◘


KUNG bibili ng COVID-19 vaccine ang gobyerno, dapat ay commercial grade na o ‘yung tapos na ang experimental period o serye ng testing sa mga pasyente.


Napakahaba na ng panahon, dapat na ring ibigay sa pribadong grupo ang pagbebenta ng genuine COVID-19 vaccine at hayaan ang publiko na magdesisyon kung magpapabakuna o hindi.


Kwidaw, normal na ang sitwasyon, huwag kayong manakot!

◘◘◘


INAAMIN ng gobyerno na may krisis sa water supply.


Ano’ng solusyon ang ginagawa? Kinukunsinte ang mga water distributor sa talamak na water interruption.


◘◘◘


KAKAMBAL ng kasaysayan ang pagbaba ng water level sa mga dam tuwing tag-araw. ‘Yan pa rin ang katwiran ng mga bopol.


Nakapagtatakang kinukunsinte ito ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Magkakakuntsaba sila sa pagpapalala ng krisis, imbes na iresolba.

◘◘◘


KUNG si Digong ang nasa Malacañang, tiyak na matutulad sa nagsaradong TV network ang dalawang water distributor sa Metro Manila.


Bakit hindi kinakastigo ang utak ng talamak na water interruption?


Korupsyon ang ugat ng karaniwang krisis sa ating lipunan. Hindi na ito malulunasan pa.

◘◘◘


LUMALALA na ang sitwasyon sa Taiwan at China.


Dahil sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA, sa ayaw o sa gusto mo, damay ang Maynila at buong bansa.


Balik ang sitwasyon sa World War II— magiging ala-Ukraine ang Taiwan at ‘Pinas kapag nagkataon.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | April 12, 2023



MAG-IISANG taon na si Pangulong ‘Bongbong’ Marcos (P-BBM) sa Malacañang, pero pinepeste pa rin siya ng mga dispalinghadong tao na kaduda-dudang naitalaga sa puwesto.


Sabagay, ganyan din naman kay Digong, parang “sakit” talaga sa first 12 months ng termino at siyempre, puwede na siyang magbalasa epektibo next month.

◘◘◘


LAMAN ng patutsada ngayon ang hepe ng isang pangunahing ahensya ng gobyerno dahil pumupostura ito na tila sanggano at bastos.


Ngek, bakit kaya?

◘◘◘

BINANSAGANG itong si ‘Boy Turo’.


Ang masama, nabibiktima ng kolokoy ay ang mga foreigner at investors.


Sino kaya ang kanyang padrino o padrina? He-he-he!

◘◘◘


BINASTED kasi siya ng mga foreign investor sa kanyang request.


Nag-iskandalo raw si ‘Boy Turo’ sa opisina niya at binulyawan ang mga dayuhan ng malalaswang salita. Nakakasuka.

◘◘◘


ININGLES pa niya ang kataga mula sa malaimburnal niyang bunganga.


Pakay ng mga mamumuhunan na magdala ng mga imported na sasakyan sa Pilipinas upang lalong sumigla ang transportasyon at ekonomiya ng bansa.

◘◘◘


KUNG ganyan ang magiging mga ehekutibo ng gobyerno, paano maibabangon ni P-BBM ang ekonomiya ng bansa?


Napapaligiran siya ng mga “pahamak”.

◘◘◘


HUWAG ka, may parting words pa ang kumag sa mga dayuhan na,“Do you know why I was appointed as asec? Because I’m an asshole!”


Ha-ha-ha!


◘◘◘


ANO sa tingin n’yo, kung totoo ang tsismis, tama ba ang pagkakatalaga sa kumag na ito?

Isa siyang malaking kahihiyan sa mahal nating Pangulo.

◘◘◘


TEKA, eh, sino ba talaga itong si ‘Boy Turo’? Ipinagyayabang nito na “espesyal” ang kanyang backer na mahirap mabuwag.


Anak pala ito ng dating gabinete ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pinalad na makaupo sa Marcos administration.

◘◘◘


NABABAHALA ang ilang nagmamahal kay P-BBM, maaaring may secret agenda ito na sirain talaga ang administrasyong Marcos.


Pero, naramdaman ito ng mga nakapaligid sa kanya na may malasakit sa pamilya Marcos.

◘◘◘


DAHIL buo ang loob, wala raw iginagalang kahit pa ang mismong cabinet secretary na nakakasakop ng kanyang ahensya.


Sa isang pulong na dinadaluhan ng kalihim, walang habas daw na kinokontra ni ‘Boy Turo’ ang mga plano mismo ng kanyang superior.

◘◘◘


TINALAKAY daw ng kalihim ang kanyang plano na hawakan ng kanyang tanggapan ang pagproseso sa transaksyon upang mawala ang korupsyon sa usaping ito.


Agad na umalma si ‘Boy Turo’ dahil ang kanyang ahensya ang matagal nang nakatoka sa trabahong binabanggit.

◘◘◘


PUMALAG ang kolokoy, “Kung gusto n’yo, kunin n’yo na lahat ng trabaho ng ahensya ko!'', pasigaw na sumbat ng bida.


Pinagpasensyahan siya ni bossing at mga nakarinig.

◘◘◘


TULAD ng problema ng mga nauupo sa Malacañang, sinasabing campaign donor ang ama ng ating bida.


Siyempre, kinakalong siya ng kanyang “backer”.


Kaawa-awa naman ang ating Pangulo, delikado na masuwag nang walang kalaban-laban.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | April 6, 2023



NAG-EXODUS na ang mga taga-Metro Manila patungo sa mga probinsya.


Ang walang trapik, paktay ang negosyo.

◘◘◘


SEMANA Santa ngayon, panahon ng pag-unawa at pagpapatawad sa kapwa.

Dapat walang puwang ang iringan.

◘◘◘


TALIWAS dito, tila may iringan o patutsadahan ang relasyon ng Palasyo at Hudikatura.


Nagmamatigas kasi ang Court of Appeals (CA) sa pag-uutos sa National Telecommunications Commission (NTC) na bigyan ng automatic approval ang aplikasyon ng News and Entertainment Network Corporation (Newsnet).

◘◘◘


MAY kaugnayan ito sa pag-install, pag-o-operate at pag-maintain ng isang Local Multi-point Distribution System (LMDS) na pinaboran ng CA noong July 2022 order.


Taliwas dito, ibinasura naman ng Office of the President ang apela ng Newsnet na magkaroon ng LMDS.

◘◘◘


Ang LMDS ay ginagamit para makapaghatid sa bansa ng interactive pay television at iba pang multimedia services.


Ayon sa Palasyo, hindi saklaw ng Republic Act No. 11032 o The Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 ang mga aplikasyon sa mga radio frequency assignments dahil ito ay sakop ng NTC.

◘◘◘


NAG-UGAT ang problema sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) noong panahon ni ex-Director General Jeremiah Belgica dahil ang RA 11032 ang ipinambala nito pabor sa Newsnet.


Pero binawi rin ito ng ahensya nang sabihin ng Department of Justice (DOJ) na nagmalabis sa kapangyarihan ang ARTA nang paboran nito ang reklamo ng Newsnet at mag-utos sa NTC na magbigay ng radio frequency.

◘◘◘


AYON naman sa DOJ, hindi magkakabisa kailanman ang kautusan dahil “null and void” ito mula sa simula dahil wala ito sa hurisdiksyon ng ARTA.


Dahil dito, tuluyan nang umatras ang ARTA at naglabas pa ito ng isang resolusyon, pero nakakapagtaka na humatol pa rin ang CA pabor sa Newsnet makalipas ang mahigit isang buwan.

◘◘◘


NOONG Lunes, mismong si Solicitor General Menardo Guevarra ang nagpaalala kay Associate Justice Atal-Paño sa matibay na desisyon ni P-BBM laban sa Newsnet na pag-aari ni businessman Mel Velarde.


Dapat bawiin na raw ng CA ang July 2022 Order nito para maisara nang tuluyan ang isyu.

Sana ay maareglo ang isyung ito, lalo pa’t kailangan ang pagkakaisa ng bansa sa gitna ng krisis.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page