top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | October 27, 2023



Dapat nang tigilan ang importasyon ng sibuyas.


Isang iskam lang ‘yan.

----$$$--


HINIHILING din mismo ng mga magsasaka ng sibuyas na itigil na ang importasyon.


Pero, nagtetengang-kawali ang gobyerno.


----$$$--


NABABANGKAROTE ang mga magsasaka ng sibuyas dahil ibinabagsak ang presyo ng imported.


Kapag nalugi na ang mga magsasaka at hindi na nagtanim ng sibuyas, biglang itataas ang presyo ng suplay.


Hindi ba’t isang modus ‘yan?


----$$$--


HANGGANG ngayon, kahit ibinunyag mismo ni P-BBM na may ismagler ng sibuyas at may cartel, pero wala namang inaaresto at kinakasuhan.

Propaganda lang talaga.


-----$$$--


NASAAN ang resulta ng imbestigasyon sa isyu ng sibuyas?

Bakit hindi ibinubunyag ang mga nasa likod ng modus?


----$$$--


MAY sapat na sapat pang suplay ng sibuyas ngayong Nobyembre at Disyembre, pero bakit mag-i-import pa ng suplay?


Gusto nilang malugi ang mga lehitimong magsasaka at magkamal ang mga ismagler.

----$$$--


ANG import quota ay 6400 tons lamang na sapat sa 15 days.

Pero, bakit may imported sibuyas araw-araw sa mga palengke at retail outlets.


Natutulog ang mga awtoridad o nakikipagkutsaba?


----$$$--


IMBES na ayudahan ang mga magsasaka ng sibuyas, pero hinayaan nilang malugi ang mga ito?


Mas masarap, malasa at tumatalab ang katutubong sibuyas, pero bakit nila pinapatay ang industriya?


----$$$---


HINDI mapipigil ang importasyon ng sibuyas.

Pero, sumisingaw ang mabaho at malansang amoy ng katiwalian.


Naka-face mask ang mga kinauukulan kaya’t nagkukunwaring hindi ito nasasamyo.


----$$$--


GUMAGRABE na ang sitwasyon sa Middle East.


Kasali na ang Syria at Lebanon sa Palestine-Israel war.


Madadamay na rin dito ang Yemen, Saudi Arabia, Iran, Egypt at Qatar.


-----$$$--


SUMASABAY sa gulo ang away ng China at Pilipinas.


Hindi magandang pangitain ito.

-----$$$---


KAYRAMING ulat ng patayan dahil sa barangay election.


Hindi nagbabago ang Pinoy.



 
 

ni Ka Ambo @Bistado | October 21, 2023


ITINETENGGA ng Israel ang banta ng paglusob ng ground troops sa Gaza City.

Pumapalag kasi ang mga Arab nations na sumusuporta sa Hamas.


---$$$---


MALI ang opinyon at propaganda ng ilan na hindi gaanong apektado ang Pilipinas ng naturang digmaan ng Israel at Hamas.

Mali rin ang ginagamit na terminong “terorismo o terorista” sa paglalarawan sa Hamas na isang paksyon ng Palestine.


---$$$---


ANG maling gamit ng mga termino na kinopya sa international press -- nagpapalabo ng larawan sa naturang digmaan.

Ibig sabihin, ang media ay dapat na patas na naglalarawan ng sitwasyon imbes na magpagamit o mangopya ng propaganda ng isang panig.


---$$$---


MAHALAGANG maunawaan ng ordinaryong mamamayan ang tunay na sitwasyon upang sila ay magkaroon ng epektibong desisyon pabor sa kanilang sarili o pamilya.

Tulad sa Ukraine-Russia war, inilalabas sa international press na natatalo ang Russia sa naturang digmaan, gayong nasakop nila ang malaking bahagi ng Ukraine at hindi pa rin sila nababakbak doon.


---$$$---


MAHABA pa ang Ukraine-Russia at marami ang naniniwala na tatagal din ang Israel-Palestine war.

Apektado ang Pilipinas ng Israel-Palestine war dahil ang international headquarter ng Hamas ay nasa Qatar.


---$$$---


KAPWA ang Qatar at Iran ay lantarang sumusuporta sa Hamas.

Kapag nilusob ng Israel ang Gaza, maaaring sumalakay na rin ang Hezbollah kung saan panibagong front ang Lebanon-Israel war.


---$$$---


SENTRO rin ng merkado ng langis ang Qatar kaya’t apektado ang suplay ng petrolyo at LNG sa buong daigdig.

Hindi dapat maglihim ang mga awtoridad sa tunay na sitwasyon — ang kredibilidad ng gobyerno ang nakataya rito.


---$$$---

PINAKAGRABE ay kapag sumawsaw ang Iran at Saudi Arabia kasama ang Syria at Russia.

Marami ang nagdarasal na hindi sana ito maging mitsa ng Ikatlong Digmaang Pandaigdig.

Hindi ba madadamay dito ang Pilipinas?


---$$$---


WALANG mahusay o epektibong tagapagsalita ang Malacañang para maipaunawa sa taumbayan ang tunay na sitwasyon sa Middle East at Europe.

Pinalalala ito ng mala-Marites na pag-eksena ng away ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.


Lumang isyu na iyan pero bakit ikinokrus pa sa digmaang nagaganap sa Israel at Ukraine?


---$$$---


IMBES na pahupain ang gulo at ingay, delikadong nerbiyos at espekulasyon ang naghahari sa social media dahil sa lihis at walang patumanggang paglalabas ng walang kabuluhang ulat.

Tsk, tsk, tsk.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | October 20, 2023


SINUSPINDE muna ni P-BBM ang implementasyon ng Maharlika Fund.

Malaki ang tama niya.

---$$$---

KAPAG kasi pabalugbog ang pag-iral ng Maharlika Fund, mabubunton ang sisi kay P-BBM.

Karaniwan kasi, hindi ang mismong pangulo ang corrupt, bagkus ay ang mga ayudante.

Tama o mali?

---$$$---


GUMAGRABE na ang sitwasyon sa Israel at Gaza.

Pinasabog ang isang ospital sa Gaza at may 500 katao ang patay.

Nagtuturuan kung sino ang suspek.

---$$$---


KUMPARA sa Ukraine-Russia war, kakaiba ang Israel-Palestine war.

Panahon pa ito nina David at Goliath.

---$$$---

IDEOLOHIYA ang tunggalian dito.

Pero ayon sa international press, ito ay laban sa mga terorista.

Iyan mismo ang dahilan kung bakit — hindi matatapos ang digmaan.


---$$$---


MASELAN ang isyu dahil nakaugat ang problema sa panahon pa ng istorya sa Bibliya.

Meaning, isang Haring Solomon lamang ang makakalutas.

Dahil malabong magkaroon ng bagong “Haring Solomon”, masyadong malabo rin ang solusyon.

---$$$---

DAPAT ay nakapokus ang Pilipinas sa negatibong epekto ng giyera ng Israel at Palestine, imbes na ipropaganda na “walang gaanong epekto” ito sa bansa.

Siyempre, walang gaanong epekto ito sa Pilipinas, sa NGAYON.

Pero, sa mga susunod na buwan, paano nila sasabihin na walang gaanong epekto?


---$$$---

IMBES na Haring Solomon ang makaapekto ng desisyon ng gobyerno, tipong mga “pinabili lang ng suka” ang naglalabas ng dispalinghadong propaganda.

Nakakaawa ang bansa.

---$$$---

TUMATAAS na ang presyo ng mga pagkaing pamasko at iba pang bilihin.

Normal ba o abnormal?

Ang sagot ay malinaw na NORMAL.

---$$$---


MAHINA ang kukote ng mga nagkokomentaryo at maging ng media.

Ibinabalita nila na tipong hindi normal ang pagtaas ng presyo kapag magpapasko.

Ipinaaalala natin: Iyan ay epekto ng Law of Supply and Demand.

---$$$---


NORMAL ang sitwasyon sa Pilipinas, hindi dapat maglabas ng cash incentives ang gobyerno — dadambungin lang ‘yan.

Dapat ay maging kalmante ang lahat — at maging ang pamahalaan.

---$$$---

ANG tunay na abnormal na sitwasyon at may krisis — ay ang Ukraine at Gaza Strip.

Iyan ang dapat ninyong pag-isipan.

Iwasan nating maging Ukraine o maging Gaza.

Wala sanang bansa na sasalakay o mambobomba sa ating bansa.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page