top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | July 3, 2024



Bistado ni Ka Ambo

Hindi na aatras ang China sa pagsakop sa West Philippine Sea.

Iyan ay isang mapait na katotohanan.


----$$$--


ALAM ng lahat na hindi sapat ang diplomasya upang mabawi ng Pilipinas ang sinakop ng China na malawak na karagatan sa EEZ.


Dakdak lang ang “iron clad” support ng US.

Kumbaga, pautot lang.


-----$$$--


HINDI ba ninyo napapansin, nagkakapareho na ang posisyon ni dating PRRD sa disposisyon ni PBBM?


Pareho silang umiiwas sa komprontasyon versus China.


----$$$--


SA panahon ni Digong, umiwas ang ‘Pinas sa komprontasyon sa Beijing pero nakipagkaibigan siya kay Xi Jin Ping.


Sa panahon ni PBBM, umiiwas din naman sa komprontasyon ang ‘Pinas, pero sa US nakikipagkaibigan ang Malacañang.


Mas lumala pa, nasasaktan ang mga mangingisda at maging ang miyembro ng AFP.


-----$$$---


KUNG yinayakap ng Malacañang na may soberanya ang ‘Pinas sa WPS, malaya dapat tayong magdesisyon na direktang magpasaklolo sa US.

Wala ring silbi ang MDT kung dakdak lang ang suporta.


-----$$$--


KUNG pinasok ng aroganteng kapitbahay ang sarili mong bakuran, hindi ba’t puwede ka namang magpatulong sa kamag-anak o kaibigan upang idepensa ang iyong ari-arian?


Kung totoong pag-aari mo ang bakuran, ‘yan ang dapat mong gawin kung naduduwag o natatakot sa bruskong kapitbahay.


----$$$--


KUMBAGA sa barangay, imbes na magpatulong sa kamag-anak o kaibigan — ang ‘Pinas ay nagsumbong na lang sa “Lupon”.


Pero, mas epektibo ang “Lupon” kaysa sa United Nations dahil may kapangyarihan maglabas ng subpoena ang “barangay”.

He-he-he!


-----$$$---


NAGMAMANIOBRA para sa 2025 at 2028 elections.

Ipagdasal nating hindi sana madugo.


----$$$--


ITINATWA ni Digong na kakandidato siya bilang senador tulad sa tsismis ni VP Sara.

Dati-rati na silang magkasalungat.

Marami ang nakuryente!


-----$$$---


RERESBAK daw si ex-Sen. Leila de Lima sa mga nagpakalaboso sa kanya.

Paano? Antayin natin!


-----$$$--


KAKANDIDATONG mayor imbes na senador si Ex-VP Leni.

Praktikal na siya ngayon.


-----$$$--


PUWEDENG kumandidatong vice president si ex-Sen. De Lima sa 2028.

Huh, baka makabangga niya ang kapwa Bikolnon na si Senate President Chiz.

Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | June 26, 2024



Bistado ni Ka Ambo

Gumigire na ang 2025 election.

Kailangan ang POGO para badyet sa kampanya.


He-he-he.


----$$$--


TULAD sa jueteng ang POGO ay isang iskema.

Hindi lang ito pinatatakbo ng mga gambling lords.


Bagkus, gaya ng jueteng, nakabaon ito sa sistema at iskema.


----$$$--


HINDI indibidwal, hindi personalidad at hindi tao ang nagbibigay buhay sa gambling at iba pang ilegalidad.


Isang iskema ito at kahit sino ang maupo sa Malacañang, hindi iyan masasawata.


-----$$$--


MGA piyon o tauhan lang sa isang malaking eksena ang mga protector kuno.

Kahit ipakulong mo ‘yan, gaya sa illegal drugs — kahit imasaker mo ‘yan — mananatili ang operasyon.


Kumbaga, ang mga bagong may hawak sa poder — ay hindi makakaiwas sa iisang bulong: May tuhandred ka r’yan!


-----$$$--


KUNG totoo ang binabanggit ng isang senador at ngayon ay sinisiyasat ng Korte Suprema, kasabwat sa scam — ang ilang huwes o prosekyutor — paano mo mareresolba ‘yan?


Parang istorya ng aswang ‘yan, matapos sunugin sa huling bahagi ng pelikula ang bangkay, biglang may lulundag na pusang itim!


-----$$$---


HINDI lang ito problema sa Pilipinas o hindi kahinaan ng lider ng bansa ang problema sa ilegalidad — buong mundo ‘yan.


Ang mithiin lamang talaga — bawasan ang masamang epekto ng ilegalidad.


-----$$$--


KAPAG gumagrabe ang ilegalidad, babagsak ang moralidad ng lipunan o mismong populasyon.


Sa isang low intensity warfare, lihim na binababoy o winawasak ang moralidad ng isang lipunan.


Kapag wasak ang moralidad ng isang nasyon, kusang guguho ang gobyerno — didiktahan ito ng malalaking bansa.


-----$$$--


ISANG paham o mala-Haring Solomon ang kailangan ng isang lipunan at gobyerno.

Tinatangka ito madalas, pero ang Haring Solomon na naihahalal nila ay iisa ang karakter na nakopya sa kanya: Hindi ang talino, bagkus ay ang pagiging maraming asawa.


Ha-ha-ha!


-----$$$--


PAGKAKAROON ng ganap at malinaw na ideolohiya ang susi sa pagbabago.

Ang problema, ang ideolohiya ay hindi nauunawaan ng mismong nagbubunsod nito.

Gaya sa artificial intelligence, walang orihinal ang nagsusulong ng ideolohiya, bagkus ay teknikal na kinokopya nila ang ideolohiya na ginamit sa ibang bansa.


----$$$--


KAHIT ang sistema o iskema ng edukasyon — ay alam na nating kinopya lang sa sinaunang Europe — at higit nang 2,000 taon itong ginagamit.

Nalipasan na ito ng panahon dahil sa modernism, pero ‘yan pa rin ang niyayakap sa buong mundo.


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | June 22, 2024


Bistado ni Ka Ambo

Masarap makisawsaw ngayon sa mga isyu.


Nagbitiw sa gabinete si VP Sara.


Kumbaga, pagkahaba-haba man daw ng prusisyon… kung matinik ay malalim.

He-he-he!


-----$$$--


Nagsintir na si Inday.


Bulalas niya kaharap ng palanggana: Hiwalay ang puti sa dekolor, hiwalay kung hiwalay.

Matindi ang lamukot niya sa “maong”, pero hindi sapat ito upang matanggal ang tubig.


Excuse po, spinner ang kailangan ninyo madam, isang American Home!


-----$$$---


Dakdak pa rin ang panangga ng mga Pinoy kahit ginamitan na ng China ng “armas” ang mga Navy kung saan naputol ang daliri ng isang sundalo.


Hindi nilinaw kung hinlalaki, hinlalato o hintuturo ang naputol.


Huwag kayong mang-intriga — aktuwal pong daliri ang naputol— mala-MARWAN.


-----$$$---


Muntik nang mag-away sa isang barbershop ang mga tsismosong barbero.


Bakit daw nagpapaapi ang Pinoy gayong matagal nang patay si Da King?


Kung si Tanggol ang nakalaban ng mga Tsekwa, tiyak na ubos ang mga kaaway — nang hindi man lang nagugusot ang buhok ng anak ni Marites.


 -----$$$---


Hindi na si PBBM o FL Liza ang kalaban ni VP Sara.


Ngayon ay Inday vs. De Lima na — sa liderato ng oposisyon.


‘Ika nga ng yumaong Macoy sa oposisyon: The more the merrier.


-----$$$--


Malaki na ang palitan ng piso kontra dolyar.


Tataas pa ‘yan kapag giniyera ng Israel ang Lebanon.


-----$$$--


Opo, malaki ang tama ninyo, inamin ng Israel na aprubado na ang “all-out-war” kontra Hezbollah.


Inaamin ng mga eksperto na 10 ibayo ng puwersa ng Hamas ang kapasidad ng Hezbollah.


Madadamay na sa digmaan ang buong Israel.


 ----$$$--

Nag face 2 face na sina Vladimir Putin at Kim Jong Un para sa mutual defense pact ng Russia at North Korea.


Walang duda, aktuwal na buwelo ito sa Ikatlong Digmaang Pandaigdig.


----$$$--


Kapag nag-export ng armas ang South Korea sa Ukraine tulad sa iniuulat ng international press, ipagagamit ni Putin kay Kim ang armas nuclear ng Moscow.


Yare ang buto-buto.


-----$$$--

Nilinaw ng Malacanang na hindi ang Pilipinas, ang unang magpapaputok sa away sa West Philippine Sea.


Okey lang sa kanila, kahit pumutok ang kilay ng mga sundalong Pinoy kapag binubugbog ng Tsekwa.


Idol talaga nila si FPJ.


-----$$$---


Ang unang putok sa WPS ay posibleng maging mitsa sa paglusob ng China sa Northern Luzon at pagkubkob mismo sa Taiwan.


Iyan ang hula ng mga nagdudunung-dunungan tulad natin.


-----$$$---


Ang giyera sa WPS ay magsisilbing hudyat sa Ikatlong Digmaang Pandaigdig.


Magdasal tayo ng walang patid!


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page