top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | September 2, 2024



Bistado ni Ka Ambo

Napapagod na tayo sa kababasa ng ulat sa sigalutan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea.


Laging ikinakatwiran ay diplomasya.


----$$$--


DIPLOMASYA raw ang ginagamit ng ‘Pinas.

Understood naman ‘yan.


Lahat naman ng relasyon ng mga bansa ay gamit ang diplomasya.


----$$$--


ANO ba ang diplomasya?


Sa usapang kalye, ang diplomasya ay simpleng plastikan.


Sa aktuwal, ito ay pagkukunwari, balatkayo at pagtarak ng punyal sa likuran ng kalaban.


Pero, ang isyu sa WPS ay hindi naman isolated.


-----$$$--


IYAN din ang larawan ng sitwasyon sa ibang bansa.

Diplomasya ang ginagamit.


-----$$$--


KUNG diplomasya ang ginagamit ng ‘Pinas, nangangahulugan na “walang ibang diskarte” ang ating pamahalaan.



Kumbaga sa labada, dapat ay hiwalay ang decolor-sa-puti.

Hiwalay-kung-hiwalay, ‘ika nga ni Kardong Anderdesaya.


 -----$$$---


SA aktuwal, ang sigalot sa WPS ay naiko-convert ng ‘Pinas mula sa problema tungo sa oportunidad.


Ibig sabihin, dahil sa sigalot, nagpupundar ng armas-de-giyera ang ‘Pinas.

Napakalaking tama.


-----$$$--


HABANG nanggugulo ang China, tama si Defense Secretary Gibo Teodoro, magpupundar ang Maynila ng isang squadron ng F-16 jet fighters.


Sa giyera rin kasi mauuwi ang sitwasyon.


Petsa lang ang inaantay.


-----$$$--


PINAKAMAGANDANG balita ay ang pagdating sa ‘Pinas ng tinatawag na unscrewed surface vessel (USV).


Ito ang tinatawag na “water drone” o sea drone.


-----$$$--


MAS mainam ay magpundar o umimbento rin ang Pilipinas ng “water drone” tulad sa ginagamit ng Ukraine kontra Russia.


Ikinukumpara ang Pilipinas bilang “Ukraine in Asia”.


----$$$--

KAPAG sinalakay ng China ang Taiwan, walang duda, isasabay sa pagbomba ang Northern Luzon dahil iyan ang pandepensa ng US kontra sa Taiwan.


Mahirap tanggapin ang mapait na katotohanan.


Aktuwal na madadamay ang Pilipinas sa away ng Taiwan-US at China.


-----$$$---


KAILANGAN din ng Pilipinas ang Robot Attack Dogs ng Britain, ito ay machine gun na nakakabit sa robotdog.


Ito ay para mailigtas ang buhay ng mga sundalo.


‘Yan na mismo ang larawan ng World War III.


 -----$$$--


TALIWAS sa paniniwala ng marami, hindi armas nuclear ang gagamitin sa Ikatlong Digmaang Pandaigdig.


Ang gagamitin ay mga robot at war drones — aircraft drone sa ere; seacraft drone sa tubig; at robot attack dogs sa lupa.


------$$$---


MAGAGAMIT ang mga bagong recruit ng AFP sa pagmamaniobra ng mga modernong drones.


Hindi kailangang nasa aktuwal na frontlines ang mga batambatang sundalo, bagkus sila

ay nasa ligtas na underground tunnel.


Sana maunawaan ito ng lahat.


------$$$--


WALANG record na matatapang ang sundalong Tsino, pero ang ‘Pinas ay kilala sa tapang sa panahon ng digmaan.


Likas din sa Pilipino na mahusay sa diskarte.


Iyan ang magiging capital ng ating bansa sa panahon ng digmaan na aktuwal na nararanasan sa daigdig.


-----$$$--


LUMALAKAD na ang kasaysayan ng daigdig sa tinatawag na “pre-world war 3”.


Iyan ang sitwasyon — maniwala kayo o hindi.


Maghanda ng contingencies anumang araw!


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | August 16, 2024



Bistado ni Ka Ambo

BONGGA ang pagsalubong sa grupo ni Caloy Yulo.

Biglang milyonaryo ang mga Olympian.


Congrats!


----$$$--


HINDI na dapat makisawsaw ang mga miron sa anumang isyu sa pamilya.


Ang nasasaksihan natin ay side effects ng modernong social media.


----$$$--


NATUTUWA tayo sa pinalawak na mga benepisyo ng PhilHealth para sa mga Pilipino.

Nagtataka naman tayo kung bakit binabatikos ng isang Dr. Tony Leachon, ang excess funds transfer.


Mas mainam ang excess kaysa sa kapos sa pondo, hindi ba?


 -----$$$---


MALABNAW ang kanyang mga argumento laban sa paggamit ng pamahalaan sa idle funds ng government-owned and controlled corporations tulad ng PhilHealth.


Ang halos P90 bilyon mula sa PhilHealth ay sobrang pondo o hindi nagalaw na alokasyon mula sa national government.


----$$$--


MALINAW na hindi ito kontribusyon ng mga miyembro.


Sa totoo lang, may P500 bilyong reserba ang PhilHealth para sa mga benepisyo ng kanilang mga miyembro sa mga susunod na taon.


---$$$-


KABILANG sa mga bagong benepisyo ay ang generic drugs para sa outpatient treatments ay magiging 53 na mula sa 21 items lang.


Kasama rito ang gamot kontra mga sakit na hypertension, nerve pain, at epileptic seizures.


----$$$--


DODOBLEHIN na rin ang benepisyo para sa mga pasyenteng may stroke at pneumonia kung saan makakakuha na sila ng hanggang P76,000. 


Magiging P1.4 milyon na rin ang coverage limit para sa paggamot sa breast cancer mula sa dating P100,000 lang o 1,000% na pagtaas.


----$$$--


ISASAMA na rin sa coverage ang chemotherapy para sa lung, liver, ovarian, at prostate cancers bago magtapos ang 2024.


Sa totoo lang, sobra-sobra ang pondo ng PhilHealth na maiaayuda sa mga miyembro bawiin man ang pondo na inilaan dito.


-----$$$--


NAKAPAGTATAKANG imbes na suportahan o purihin, binabatikos pa ng mga kritiko ang PhilHealth na direktang nakakatulong sa ordinaryong mamamayan.

Tsk, tsk, tsk.


----$$$---


MAHALAGA ang papel ng PhilHealth lalo pa’t may ulat na nagbabalik ang banta ng COVID at ng monkey pox.


Taliwas dati, may sapat-sapat nang pondo para maayudahan ang mga miyembro sa panahon ng anumang pandemic sa hinaharap.

Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | July 4, 2024



Bistado ni Ka Ambo

Bagong kalihim ng DepEd si Sen. Sonny Angara.

Isang pangarap na lubos na natupad.


-----$$$--


HINDI pangungunahan ni VP Sara ang oposisyon.

Nakahinga nang maluwag si ex-Sen. Leila.


----$$$--


BINAKURAN na ng Philippine Navy ang Escoda Shoal.

Umiiyak ang China, naunahan sila.


-----$$$--


NAGPAPATINTERO ang warships ng US at China sa West Philippine Sea.

Pinakikintab naman sa Ilocos Norte ang patriot missile launcher araw-araw.


----$$$--


NAGDIWANG ng ika-95 taon si ex-FL Meldy.

Ipinaaabot ng higit sa 200 Imelda Scholars ang “Happy Birthday”, madame.

Huli man daw at magaling, huli pa rin!


-----$$$---


KINUMPIRMA ng US Supreme Court na may presidential immunity si ex-President Donald Trump.

‘Yun nga lang, para sa mga official acts lamang.

Siyempre!


----$$$--


SA totoo lang, ang pangulo sa mga demokratikong gobyerno ay mistulang hari sa sinaunang panahon.

Ang pagkakaiba lang ay ang pagkakaroon ng karibal o kakutsaba na lehislatura at hudikatura.

Pero, mistulang hari pa rin batay sa “sustansya ng batas”.

----$$$--

KUNG aalisan ng immunity ang mga pangulo, tiyak na magiging biktima sila ng “paghihiganti” ng mga kalaban sa pulitika.

Iyan mismo ang nararanasan sa Pilipinas.

-----$$$---

IKINAGALIT ni US President Joe Biden ang desisyon ng US Supreme Court na ideklara na may immunity pa rin ang mga nauupo sa White House.

Ang galit ni Biden ay pag-amin o pagkumpirmang liyamado si Trump na magwagi sa Nobyembre.

----$$$--

NALIMUTAN ni Biden na ang desisyon ng Korte Suprema ay hindi personal para lang kay Trump, bagkus ay kasama siyang mabibiyayaan, at iba pang naupo at mauupo sa White House.

Kumpirmasyon ito ng pag-uulyanin!

----$$$---

IBINABALA na ang malaking deficit sa mga susunod na taon sa national budget.

Meaning, lalaki ang katumbas na piso kontra dolyar.

----$$$--

ANG presyo ng bigas ay P29 kada kilo.

Ito ay mabibili sa mga Kadiwa Center.

Hanapin na lang ninyo kung saan mayroon nito.

----$$$---

MAY nakareserbang slot sa senatorial ticket ng administrasyon si Sen. Imee.

May inireserba rin kaya si VP Sara para sa kanyang BFF kapag nabuo ang Hugpong ticket?

-----$$$---

ALAM daw ni Digong ang pinagtataguan ni Quiboloy.

Alam din daw ng mga otoridad ang pinagtataguan ni Gen. Bantag.

Huhh, hindi kaya magkasama sila sa taguan-pung?

-----$$$---


MAY kutob ang ilan na hindi si Mayor Alice Guo ang mastermind ng illegal POGO.

Itanong ninyo kay Digong, baka alam din niya kung sino.

----$$$--

ILAN kaya ang katulad ni Mayor Guo na kahit alien ay nagiging elected official?

Delikado, baka may naging pangulo pa?


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page