top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | September 11, 2024



Bistado ni Ka Ambo

Sumuko ba o naaresto si Pastor Quiboloy?

Alin ang fake news at alin ang totoo?

Parehong propaganda!


-----$$$---


HINDI malinaw ang relasyon o koordinasyon ng PNP at DILG sa AFP at Malacañang.

Eh, bakit?


-----$$$--


PINALULUTANG ang impeachment proceedings kontra kay VP Sara.

Magkaiba po sina Inday at CJ Corona.

Baka magkamali ang mga modernong propagandista.


----$$$--


ISANG teknokrat si CJ Corona na biktima ng pulitika.

Isang batikan sa pulitika ang mga Duterte.

Kwidaw!


----$$$--


NAGKALAT ang mga mumurahing appliances at iba pang gamit, saan galing ‘yan?

Dinudumog ang ‘gawang China’.


----$$$--


IMBES na humupa ang giyera, gumagrabe na ang sitwasyon.

Kasama r’yan ang away sa West Philippine Sea.


----$$$---


NAGPAPRAKTIS na sa digmaan ang China at Russia.

Kulang na lang ay sumanib sa ensayo ang Iran at North Korea.


----$$$--


LAHAT ng nagaganap ay aktuwal na buwelo sa hindi maiiwasang Ikatlong Digmaang Pandaigdig.

Ayon sa ilang nagmamasid, magaganap ito sa kasalukuyang dekada.


----$$$--


HANDA ba ang Pilipinas sa World War 3?

Sayang, hindi na nating maiinterbyu si Pastor Quiboloy sa kinatatakutang Doomsday.

Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | September 7, 2024



Bistado ni Ka Ambo

Nakabalik na si dating Mayor Alice Guo.

Pero, bakit tipong ‘hero’s welcome’?


-----$$$--


HINDI pa sinisibak ang mga taga-BI na sinasabing kakutsaba ni Guo sa pagtakas.

Panay press release lang.


-----$$$--


PINALITAN na ang Communications chief ni PBBM.

Natatalo kasi sa propaganda ang Malacañang.


-----$$$--


INOBASYON ang kailangan sa media.

Pero, walang nakakaunawa nito.


----$$$--


NAPAKABILIS ng modernisasyon sa komunikasyon.

Naiiwanan sa pansitan maging ang mga eksperto.


-----$$$---


SAAN kaya ititindig ng mga Duterte ang kanilang “Bataan”?

Preparado kaya sila sa isang ‘death march’?


-----$$$--


MARAMI nang makapili na lumalantad.

Malayo pa ang 2028, hindi kaya makahigop sila ng simpatiya?


-----$$$--


SA boxing, may tinatawag na “second wind” o “second win”?

Puwede pa silang makarekober.


----$$$--


SA pulitika, may tinatawag na “peaking”.

Ibig sabihin, nasa ibaba ng graph ang sitwasyon ng mga Duterte – sa ngayon.

Pero, buhay ang linya at lumulundo ito at pumapaimbulog nang salisihan.

‘Yan ang batas ng kalikasan.


------$$$--


HINDI naman kakandidato ng pagka-pangulo sa 2028 si PBBM.

Kung gayon, sino ang mortal na kalaban ng mga Duterte?


-----$$$---


MAGING ang giyera ng Russia at Ukraine ay nilalaro ng mga propaganda. Hindi matukoy kung sino ang magwawagi sa dulo ng laban.


----$$$--


PROPAGANDA rin ang may kontrol ng impormasyon sa laban nina ex-President Donald Trump at VP Kamala Harris.

Hindi matukoy ng mga botante kung alin ang tunay at alin ang pekeng balita.


-----$$$--


TALIWAS sa sinasabi ng mga nagdudunung-dunungan sa mainstream media, ang propaganda ang orihinal na tawag sa “fake news”.

Ang fake news ay kasingkahulugan ng propaganda.


----$$$--


ANG propaganda ay malayang nailalabas sa malalaking media network nang hindi ito napipigil kahit sa panahon pa ng La Solidaridad.

Ipinaghuhunos bilang lehitimong balita — ang mga fake news — nang hindi nahahalata ng pobreng mamamayan.

Tama o mali?


---$$$--

TANGING ang mga batikang editor lamang ang makatutukoy kung alin ang peke, alin ang propaganda at alin ang tunay na balita.


Kahit ang korte o huwes ay mahihirapang magdesisyon kung alin ang pekeng impormasyon kapag “wala ang orihinal” na siyang batayan ng palsipikado o hindi.


Kapag nilaro ng batikang editor ang teksto at konteksto, mahihirapan nang matukoy ang propaganda at pekeng impormasyon.


---$$$--


DAPAT nating maunawaan na hindi lamang teksto at konteksto ang lengguwahe lalo na sa panahon ng modernong teknolohiya ngayon.


Ang lengguwahe ay tulad ng isang karagatan — malawak at kayang ilubog ang pinakamalaki mang kontinente sa daigdig, ‘yan mismo ang komunikasyon noon, ngayon at magpakailanman!


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | September 4, 2024



Bistado ni Ka Ambo

KAAWA-AWA ang mga menor-de-edad na naiipit at namamatay sa giyera ng Russia at Ukraine.


Bigo ang lahat na proteksyunan ang mga musmos.


-----$$$---


SA isang isla sa Palawan, humihingi naman ng katarungan ang mga magulang at kaanak ng 2 menor-de-edad na binugbog umano ng mayor at ng kanyang dyowa.


Naganap umano ang eksena sa loob mismo ng presinto sa harap ng mga pulis.


----$$$---


ALAM ba ninyo ang ugat ng krimen? Opo, dahil lamang sa private chat group.

Ingat, ingat sa “messenger”, hindi kayo ligtas sa tsismisan.


He-he-he!


-----$$$--


SA totoo lang, noon pang 2018 ang eksena at hanggang ngayon ay wala pa ring resolusyon ang hukuman ukol sa criminal complaint laban sa mag-asawa.


Naka-docket na ang reklamo sa paglabag sa “Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.


Nakatengga pa rin sa RTC Coron.


-----$$$---


ILAN taon pa ang lumipas bago na-arraign ang mga akusado noong July 2023.


Masyadong nabalam, eh bakit kaya, hulaan ninyo.


----$$$---


PERO bago ito, kahit hindi pa raw nase-serve ang warrant of arrest, dumiretso na ang dalawa sa RTC para magpiyansa.


Tinangka nilang ipabasura ang kaso pero nagbigo sila.


Mainam naman.


----$$$---


MARAMI nang beses naikansela ang pagdinig.


Dagdag na kalbaryo ito sa mga biktima.


----$$$--


TUWING may hearing, kinakailangang magbiyahe ng mga biktima mula Culion hanggang Coron via ferry.


Dalawang beses lang sa isang araw ang biyahe ng ferry boat kaya may mga pagkakataon na dumarating ang biktima sa Coron isang araw bago ang pagdinig.


Pero, ‘yun pala ay ipagpapaliban lang.


Ngekk!

 

----$$$---


MAY ulat na kung sinu-sino ang nagsadya sa kanilang tahanan upang alukin sila ng pera, trabaho o ‘di kaya’y negosyo pero ayaw nila.


Siyempre, may banta rin pero nananatili silang matatag.


-----$$$--


NAGTATAKA naman tayo kung bakit walang binabanggit na reklamo sa Ombudsman o kaya ay sa DILG.


Mas mainam ay magbigay din ng panig at pahayag ang mga nasasangkot sa isyung ito para sa ikalilinaw ng lahat.


-----$$$--


NAPAG-UUSAPAN na rin lang ang Palawan, kung paano inaabuso ang mga paslit, tila ganyan ang nararanasan ng Philippine Coast Guard sa kamay ng mga Tsino sa West Philippine Sea.


Nagkakasya lang sila sa walang patid na reklamo.


-----$$$---


MAS mainam ay mga water drone ang magbantay sa Escoda at Ayungin Shoal.

Kahit banggain sila ng mga barko ng Tsino walang masasaktan.


Mas okey din na lagyan ng bari-bariles ng pulbura ng kwitis-Bocaue ang water craft upang sakaling bombahin ng tubig ng Tsino — ito ay unti-unting mag-iinit at sasabog!


Ha! Ha! Ha!

Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page