top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | Sep. 22, 2024



Bistado ni Ka Ambo

Bumalik na si Mayor Jed Mabilog.

Umaasa siya na “ang mundo ay nananatiling bilog”

Bakit, kuwadrado ba?


----$$$--


TULAD sa kapalaran ni dating Pangulong Marcos Sr., tinatabunan na ang mga magagandang nagawa ni Digong.

‘Ika nga ni Erap, weder-weder lang.


----$$$--


DINALAW ni VP Sara si ex-VP Leni.

Nararamdaman na ang 2028.


----$$$---


AYON kay Inday, si Speaker FM Romualdez ang kandidatong pangulo.

Huh, buti alam niya ‘no?!


-----$$$--


ANG 2028 political derby ay Bisay versus Bisoy.

Buwenas ang kandidato mula sa Luzon.

Anong sey mo, Bosya Imee?

Simulan na natin?


----$$$---


ISA sanang presidentiable si SND Gibo.

Pero, kailangan niyang mag-ala-Tulfo.

Itsismis niya hindi lang ang away ng Tsekwa at Pinoy, bagkus maging ang iskandalo ng kanyang mga tagahanga.


----$$$--


OPO, kailangan maipakete si Gibo tulad ng diskarte ni ex-President Ramon Magsaysay.

Ipakita niya sa vlog kung paano magmekaniko ng mga missile launchers ng US.


-----$$$--


PATUNGO ang lahat ng sitwasyon sa Ikatlong Digmaang Pandaigdig.

Sa panahon ng digmaan, walang neutral-neutral d’yan.

Ang maliliit na bansa ay gagamiting piyon at chessboard ng mga superpower.


-----$$$--


ANG Pilipinas ay hindi kailanman, nakakaligtas sa alinmang digmaan.

Bahagi ng dugo ng sinaunang Pinoy ang pagiging mandirigma at alipin.


----$$$--


KAHIT ang mga sinaunang Pinoy ay ginamit na mersenaryo upang makadepensa ang Kaharian ng Brunei.

Bilang bayad, iniregalo ang Sabah sa North Borneo.


-----$$$--


KAHIT malinaw ang mga dokumento na ito ay sakop ng Pilipinas, inagaw ito ng Malaysia.

Tandaan natin: Hindi nakatulong ang Britain at US sa agawang ito ng teritoryo.


-----$$$--


PARA maunawaan natin ang isyu sa West Philippine Sea, pag-aralan muna natin ang mapait na karanasan sa Sabah.

Matapos suriin, sagutin natin ang tanong: Makakatulong ba ang mga dokumento, argumento at pambobola ng suporta ng malalaking bansa?


Isang malalim na palaisipan ‘yan na ipapamana natin hanggang sa ating mga kaapu-apuhan sa tuhod!

Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | Sep. 21, 2024



Bistado ni Ka Ambo

High tech ang giyera ngayon.

Pinasabog ng mga “pager” at “walkie-talkie” ng mga tao sa Lebanon at Syria.

Marami ang namatay at hindi mabilang ang sugatan.


----$$$--


KABILANG sa biktima ang mga inosenteng sibilyan kasama ang mga paslit.

Isang klase ito ng war crime.


----$$$--


DAPAT sigurong buwagin na ang United Nations dahil tila wala itong silbi at binabastos ng bloke ng mga bansa.


Maging ang China ay binabastos din ang UN dahil hindi nito kinikilala ang desisyon sa West Philippine Sea.


----$$$--


KAAWA-AWA ang mga maliliit at walang malakas na armas na mga bansa.

Dapat palitan ang UN ng isang bagong alyansa ng mga bansa na may kakayahang magpatupad ng regulasyong pandaigdigan.


----$$$---


NAIIPIT ngayon ang Philippine National Police dahil sa isang “tsismis” na ex-PNP chief

ang kasabwat ni Alice Guo.

Nakapagtatakang pinatulan ng Senado ang tsismis.

Diyuskupo, hindi nila alam ang kanilang ginagawa!


----$$$--


HINDI ba’t mas tumpak na pinabura o na-scratch sa record ang naturang tsismis, hangga’t walang ebidensya?


Dapat ay mga balido lang na impormasyon ang tinatanggap ng komite.

Pordarekord, kumbaga.


----$$$--


TAMA si VP Sara, puwedeng gamitin ang mga pandinig para “atakehin” ang sinuman — kahit alegasyon o tsismis lang.


Malinaw na hindi lang ang No. 2 leader ng bansa ang biktima ng in-aid-of-legislation, bagkus maging ang institusyon ng gobyerno tulad ng PNP.


----$$$--


HINDI absolute dapat ang kapangyarihan ng Kongreso sa mga pagdinig.

Dapat ay makahingi ng maayos na opinion o interpretasyon sa Korte Suprema hinggil sa isyung ito.


Wala dapat umaabuso sa Konstitusyon — ehekutibo, lehislatura o hudikatura man.

Tama o mali?


-----$$$--


KAPANSIN-PANSIN ang pagdami ng holdapan at nakawan.

Marami ay hindi na nauulat pa.

Sintomas ito ng isang krisis.


-----$$$--


NAAAWA tayo kay Doctor Willie Ong.

Sinisisi niya ang “bashers” sa pagkakaroon niya ng stress dahil sa pulitika.


----$$$--


MATAGAL na nating ipinapayo, kapag hindi kabisado ang pasikut-sikot sa pulitika, huwag na huwag kang sasali.

Iyan ang mismong mensahe ni Tito Dolphy kaya’t hindi siya kumakandidato.


----$$$--


HINDI po ako doktor, pero ang stress ay hindi nagmumula sa “labas” o kapaligiran.

Ang stress ay lumilitaw, kapag hindi maayos ang trato mo sa sitwasyon na nararanasan --partikular ang bashers.


Normal ang bashers ngayon, ang hindi normal ay ang dibdibin ang mga upak ng mga loko.


----$$$---


ISANG brotherly advice kay Doc Ong, patawarin ang mga nagkakasala sa iyo.

Hindi dapat i-guilty ang sinuman — sa negatibong sitwasyon na nararanasan natin.


----$$$--


MAWAWALA ang stress kapag ikaw ay nagpatawad sa kapwa at makalmante ka habang nabubuhay.


Kapayapaan ng puso at pag-ibig sa kapwa — upang maramdaman natin ang “Langit sa Lupa”. Amen!

Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 

ni Ka Ambo @Bistado | Sep. 20, 2024



Bistado ni Ka Ambo

High tech ang giyera ngayon.

Pinasabog ng mga “pager” at “walkie-talkie” ng mga tao sa Lebanon at Syria.

Marami ang namatay at hindi mabilang ang sugatan.


----$$$--


KABILANG sa biktima ang mga inosenteng sibilyan kasama ang mga paslit.

Isang klase ito ng war crime.


----$$$--


DAPAT sigurong buwagin na ang United Nations dahil tila wala itong silbi at binabastos ng bloke ng mga bansa.


Maging ang China ay binabastos din ang UN dahil hindi nito kinikilala ang desisyon sa West Philippine Sea.


----$$$--


KAAWA-AWA ang mga maliliit at walang malakas na armas na mga bansa.

Dapat palitan ang UN ng isang bagong alyansa ng mga bansa na may kakayahang magpatupad ng regulasyong pandaigdigan.


----$$$---


NAIIPIT ngayon ang Philippine National Police dahil sa isang “tsismis” na ex-PNP chief ang kasabwat ni Alice Guo.


Nakapagtatakang pinatulan ng Senado ang tsismis.

Diyuskupo, hindi nila alam ang kanilang ginagawa!


----$$$--


HINDI ba’t mas tumpak na pinabura o na-scratch sa record ang naturang tsismis, hangga’t walang ebidensya?


Dapat ay mga balido lang na impormasyon ang tinatanggap ng komite.

Pordarekord, kumbaga.


----$$$--


TAMA si VP Sara, puwedeng gamitin ang mga pandinig para “atakehin” ang sinuman — kahit alegasyon o tsismis lang.


Malinaw na hindi lang ang No. 2 leader ng bansa ang biktima ng in-aid-of-legislation, bagkus maging ang institusyon ng gobyerno tulad ng PNP.


----$$$--


HINDI absolute dapat ang kapangyarihan ng Kongreso sa mga pagdinig.

Dapat ay makahingi ng maayos na opinion o interpretasyon sa Korte Suprema hinggil sa isyung ito.


Wala dapat umaabuso sa Konstitusyon — ehekutibo, lehislatura o hudikatura man.

Tama o mali?


-----$$$--


KAPANSIN-PANSIN ang pagdami ng holdapan at nakawan.

Marami ay hindi na nauulat pa.


Sintomas ito ng isang krisis.


-----$$$--

NAAAWA tayo kay Doctor Willie Ong.

Sinisisi niya ang “bashers” sa pagkakaroon niya ng stress dahil sa pulitika.


----$$$--

MATAGAL na nating ipinapayo, kapag hindi kabisado ang pasikut-sikot sa pulitika, huwag na huwag kang sasali.


Iyan ang mismong mensahe ni Tito Dolphy kaya’t hindi siya kumakandidato.


----$$$--

HINDI po ako doktor, pero ang stress ay hindi nagmumula sa “labas” o kapaligiran.

Ang stress ay lumilitaw, kapag hindi maayos ang trato mo sa sitwasyon na nararanasan --partikular ang bashers.


Normal ang bashers ngayon, ang hindi normal ay ang dibdibin ang mga upak ng mga loko.


----$$$---

ISANG brotherly advice kay Doc Ong, patawarin ang mga nagkakasala sa iyo.


Hindi dapat i-guilty ang sinuman — sa negatibong sitwasyon na nararanasan natin.


----$$$--


MAWAWALA ang stress kapag ikaw ay nagpatawad sa kapwa at makalmante ka habang nabubuhay.


Kapayapaan ng puso at pag-ibig sa kapwa — upang maramdaman natin ang “Langit sa Lupa”. Amen!

Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page