- BULGAR
- May 7, 2025
ni Ka Ambo @Bistado | May 7, 2025

Nakasalaksak sa laylayan ng resulta sa senatorial survey si 8-division boxing champion Manny Pacquiao.
Sa totoo lang, tatlong dekada nang lihim na tumutulong si Pacquiao sa mga nangangailangan.
Pero, bakit hindi ito napapansin ng mga botante?
----$$$--
NAGPATAYO rin si Pacquiao ng sarili niyang housing project para sa mga nagdarahop.
Sa aktuwal, binansagan itong Pacman Village sa Sarangani.
----$$$--
MAY mga iskolar si Pacquiao bukod pa sa pagsuporta nang todo sa mga sports activities lalo na sa larangan ng boxing.
Ayon kay PBBM, si Pacquiao ang “Ninong ng Bayan”.
----$$$--
MAY 12 batas na ang naisagawa ni Pacquiao pero ang pinakamalaking bahagi ng kanyang buhay ay ang pagiging maka-Diyos.
May wagas na pananampalataya si Pacquiao sa Dakilang Lumikha at may respeto sa karapatan ng bawat tao — diyan siya hahatulan ng mga botante.
-----$$$--
TULAD ni Pacquiao, nakabitin din sa Senate Magic 12 si Makati City Mayor Abby Binay.
Nadiskaril siya sa isyu ng pagsasarado ng mga pasilidad sa tinatawag na EMBO barangays.
-----$$$---
MATAPOS mailabas ang desisyon ng Supreme Court na naglilipat ng hurisdiksyon ng Makati sa 10 EMBO barangays sa Taguig, nakakabahala ang mga naging hakbang ni Mayor Binay hinggil sa kapakanan ng mga apektadong residente.
Biglang isinarado ang mga health center at ibang pampublikong pasilidad sa lugar kaya nalagay sa alanganin ang higit 200,000 residente.
----$$$--
BAGAMAN kumplikado ang isyu sa hurisdiksyon pero dapat tiyakin ng mga opisyal na hindi makakaranas ng negatibong sitwasyon ang mga residente.
Sa halip, ang naging desisyon ni Mayor Binay ay ipasara ang mga pasilidad at nawalan ng konsiderasyon sa mga mamamayan at binigyan ng prayoridad ang isyung pulitikal.
----$$$--
PINALALA ang sitwasyon dahil din sa pamumulitika sa karibal na siyudad ng Taguig.
Si Rep. Pammy Zamora, kinatawan ng ikalawang distrito ng Taguig -- na ngayon ay kinabibilangan na ng ilang EMBO barangays -- ay kilalang kritiko ng administrasyong Duterte.
----$$$--
NAGTATAKA ang mga nagmamasid dahil nakikipag-alyansa naman siya kay Binay na isang maka-Marcos.
Malinaw na naiipit ngayon ang mga residente ng mga EMBO barangay dahil sa bangayan ng mga pulitiko.
----$$$--
ILANG araw na lamang ay halalan na, dapat ay mag-isip-isip nang mabuti ang mga taga-EMBO.
Suriin mabuti ang kaliskis at desisyon ng kanilang mga lider -- upang hindi sila magsisi sa huli.
---$$$--
KAILANGAN natin ng tapat, malinaw, at serbisyong nakatuon sa kapakanan ng bawat mamamayan.
Sa panahon ng pagbabago, dapat manatiling nakasentro sa kapakanan ng tao ang bawat hakbang ng pamahalaan.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.




