top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | October 16, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Nagpakita na si ex-Speaker FM Romualdez sa ICI.

Ganu’n lang, wala lang.


----$$$--


USAD-PAGONG ang imbestigasyon sa multi-bilyong pisong anomaly.

Alam na ninyo ang magiging resulta.


----$$$--


ERENG ordinaryong kaso, eh, hindi matapos-tapos, eto pa kayang ang ‘mastermind’ — ay sila-sila rin, mahatulan agad?

Sintido-kumon ang sasagot: Waley!


----$$$---


MATAPOS marahas na mapatalsik ang strongman ng Nepal at Madagascar — nang “walang kaso-kaso” sa korte, alin bansa kaya ang susunod?Bahala na ang “GEN Z” na sumagot d’yan!


----$$$---


ISANG pambihirang bulalakaw ang hindi maipaliwanag ng siyensiya at batikang siyentista.

Bago nila matukoy kung ano ito, baka nandito na sa daigdig — ang mga ALIEN.


----$$$--


KAPAG napasok ang earth ng mga alien, iisa lang ang dapat sisihin at siya ay nasa Pilipinas.

Kasi raw ay kinumbida sila ng isang Pinoy.

Makiki-birthday sila kay Brad Pete.

Alien! Alien! Alien!


----$$$---


NAG-IMBENTARYO ang Malolos City ng mga kaduda-dudang flood control projects.

Hindi ba ito susundan ng ibang bayan sa Bulacan at iba pang lugar?


-----$$$---


IBINUNYAG ni VP Sara Duterte na sabit si ex-Rep. Zaldy Co sa laptop purchase scam sa DepEd.

Siya ba ay aakto ring resource person at state witness?


-----$$$---


Binasted ng ICC ang prosekyutor matapos iprotesta ng kampo ni Digong.

Kahit paano, nakaresbak at nakaiskor din ang mga Duterte.

Parang laro sa bola, nagpapalitan ng iskor sa pambobola.


-----$$$---


DAMANG-DAMA ang krisis sa ekonomiya.

‘Yan ang magtutulak ng walang patumanggang protesta.


-----$$$---


BUBUWISAN daw ang mga online personality.

Huh, ‘yan mismo ang nagpaguho ng gobyerno sa Nepal.


-----$$$---


ANO daw ang ipinahihiwatig ng misteryosong bulalakaw na papalapit sa earth?

Ayon sa matatanda, dambuhalang pagbabago ang magaganap — maraming gobyerno ang guguho nang biglaan at hindi inaasahan.

Huh, kasama ba r’yan ang ‘Pinas?



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni Ka Ambo @Bistado | October 15, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Kapansin-pansin ang halos araw-araw na paglindol sa iba’t ibang bahagi ng archipelago ng Pilipinas.

Opo, isang arkipelago ang Republika ng Pilipinas taliwas sa mga bansa sa America at Europe.


-----$$$--


MAHALAGANG maunawaan kung ano ang archipelago — na maglalarawan kung anong klase ng anyo ng lupa ang nasasakop ng ating bansa.

Ang archipelago ay grupo o kulumpon ng mga isla na napapaligiran ng malawak na tubigan gaya ng dagat, lawa o ilog.


-----$$$--


ANG Pilipinas ay inaakalang binabanggit sa Bibliya nang panahon ni Haring Solomon kung saan inilalarawan itong “kulumpon ng mga isla bago ang malawak na karagatan sa dakong silangan”.

Dito nag-ugat ang paniniwalang nagmula sa arkipelagong ito ang sintigas na bakal na troso na ginamit sa pagtatayo ng mga mga haligi sa Templo sa Jerusalem sa utos ni Haring Solomon.


----$$$--


ANG mga ginto at kamangyan na ginamit din sa pagdekorasyon sa Banal na Templo ay pinaniniwalaang nagmula rin sa Dulong Silangan kung saan naroon ang kulumpon ng mga islang kinaroroonan ng bundok ng mga ginto.

Ang isa sa Haring Mago na dumalaw sa Bethlehem na naghandog ng mamahaling hiyas sa sanggol na Kristo — ay sinasabing nagmula rin sa Dulong Silangan.


-----$$$---


SA huling aklat ng Bibliya — sa Apokalipses, sinasabing matapos mahulog ang mga bituin, dumaluyong ang hindi mabilang na insekto sa kalawakan at magliyab ang mga kabundukan, lilitaw ang anghel bilang isang “Ibong Mandaragit” na magmumula rin sa Dulong Silangan.

Alalahanin nating tanging ang ‘Pinas lamang -- ang Kristiyanong bansa sa kontinente ng Asia.


----$$$---


Ang Pilipinas ay siyang tanging kulumpon ng mga isla bago ang malawak na karagatan — ang Dagat Pasipiko — lumalambong sa higit na kalahati ng ibabaw ng mundo.

Kung matutuyo ang tubig sa paligid ng Pilipinas, susungaw sa bandang kanluran ang isla ng Benham Rise o Philippine Rise at hindi kalayuan ang pinakadambuhalang bunganga ng bulkan — ang Apolaki Caldera.


------$$$--


SA depinisyon, ang archipelago ay nabubuo matapos ang pagsabog ng bulkan.

Sa kaso ng ‘Pinas, ang higit sa 7,000 isla ay posibleng unang nabuo matapos ang pagbuga ng Apolaki Caldera —milyun-milyong taon na ang nakalipas.


----$$$--


INUUGAT ang kasaysayan ng Pilipinas na may pisikal na ebidensya at lohikang testimonya sa higit na 700,000 taong existence ng mga sinaunang tao sa kabundukan ng Kalinga Apayao — ang Homo Luzonensis.

Ang daloy ng sibilisasyon naman ay inuugat sa natuklasang DNA ng mga domestikadong sinaunang manok na nagmula rin sa isla ng Luzon.


-----$$$--


ANG arkipelago ng ‘Pinas ay hindi lang simpleng sentro ng paglalayag sa buong daigdig, bagkus ito ay duyan ng sibilisasyon ng sinaunang nilalang sa ibabaw ng lupa.

Ang lindol ay maituturing na pulso o pintig ng puso na ang sinisimbolo ay banal na buhay ng tao at materyang pisikal.


-----$$$--


Ang lindol ay hindi simbolo ng kamatayan, bagkus tulad ng pintig ng puso — ito ay indikasyon ng isang malusog at sagradong buhay na kaloob ng Maykapal.

Tuwing makikipagniig sina Moses at Abraham kay Bathala — may kidlat, may lindol at may apoy!


Malinaw kung gayon, ang kalamidad -- apoy, hangin, lindol -- ay hindi isang negatibong sitwasyon, bagkus ito ay signos ng pagdalaw ng ating Panginoon!


Hindi na natin dapat antayin — nandito na sa ating archipelago: kasama na natin NGAYON, ang ating PANGINOON!


Siya nawa, AMEN!




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni Ka Ambo @Bistado | October 14, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Itinalaga nang Ombudsman si ex-DOJ Secretary Crispin Remulla.

He-he-he.


----$$$--


NAGBAGONG bigla ang impresyon sa Ombudsman.

Isang constitutional body ang Office of the Ombudsman.

Huwag muna natin siyang husgahan.


----$$$--


ISANG malaking hamon kay Remulla ang posisyong ito upang maisalba ang Republika ng Pilipinas.

Magiging barometro ang Ombudsman — kung makakarekober ang gobyerno, dili kaya’y tuluyang guguho ang Marcos II administration.


----$$$--


KAPAG kinasuhan, naaresto at naipakulong ni Remulla ang mga bigfish, aba’y makakaiskor si PBBM.

Kahit papaano, makaaamot ng tiwala mula sa publiko.


----$$$--


PERO kapag kinunsinte o obvious na pinagtatakpan o inililihis ang imbestigasyon — imbes na makatulong, mapapabilis ang pagguho ng liderato ni PBBM.

Malinaw na hindi lang mga ordinaryong sibilyan ang nagmamanman, bagkus ay maging ang puwersa ng military at pulisya.


----$$$--


SA aktuwal, hindi maiaalis, ay nangengelam na rin ang mga dayuhan — partikular ang United States, China at Europe.

May mga “financial at political interest” din kasi o investment sa Pilipinas ang malalaking bansa kaya’t iiwas ang mga ito na madamay sa kaguluhan.


----$$$--


ISANG grupo ng American businessmen ang nagpahiwatig ng pagkabahala sa isyu ng talamak na corruption sa bansa — lalo na ang kumbersiyon ng “foreign loan” proceeds tungo sa “unprogrammed fund” na kasama sa sources ng mga kaduda-dudang proyekto.

Binawi na rin ng isang Korean entity ang investment sa Pilipinas.


----$$$--


DIREKTANG tinukoy ng isang grupo ng American traders ang Bureau of Customs bilang ‘pinaka-corrupt’ na ahensya ng gobyerno.

Kakambal na ng Republika ng Pilipinas ang garapalang operasyon ng mga pusakal na ismagler sa Aduana.


----$$$--


SORPRESA, biglang pinalitan ang ambassador ng US sa Pilipinas.

Ang bagong ambassador ay hindi isang “career officer”, bagkus ay isang beteranong negosyante at mas posible — isang “political officer”.


-----$$$---


MALINAW na higit na malaking bulto ng salapi ang nananakaw ng mga ismagler kaysa sa gabundok ng bulto ng cash na kinukulimbat sa DPWH.

Matagal nang pinag-aagawan ang poder sa Aduana, DPWH at maging sa mga congressional committee ng public works and infrastructure.

Iyan ay dahil sa SOP at kaugnay nitong modus sa pangungurakot!


----$$$--


HINDI naman makakaila ang “SOP” — sa lahat ng transaction sa gobyerno — hindi naman kailangan ang ebidensya r’yan.

Hindi nagkakasya sa 5-8-10 percent SOP ang mga signatories sa kontrata at transactions — ginagawa pang substandard, overpriced, at ghost delivery at ghost projects ang diskarte.


-----$$$--


SA totoo lang, imbes na solohin ng Ombudsman ang halos ‘suntok sa buwan’ na imbestigasyon, dapat ay pangunahan nito ang “composite team” na lalahukan din ng COA at Civil Service Commission.

Tututok ang Ombudsman sa teknikalidad ng batas, itotoka ang COA sa proseso at modus operandi sa accounting system at didisiplinahin ng CSC ang mga tiwaling opisyal at rank-and-file na sangkot sa katiwalian.


----$$$--


MALAYA ang Ombudsman, COA at CSC mula sa pagdidikta at impluwensya ng Malacañang at Kongreso dahil sila ang mga constitutional body.

Sa totoo lang, ang composite team ay dapat iorganisa at iistruktura — across all department -- at antas ng pamahalaan: national, regional, provincial, city at municipality.


----$$$--


HINDI kailangan ang bagong buwis tulad ng sin tax at VAT, bagkus ay ang pagbabantay sa pondo ng bayan — gamit ang composite team mula sa mga constitutional body.

Ang probisyon sa Konstitusyon — ay sapat nang bantay sa corruption, pero paralisado ito dahil sa “super-executive” at “super-legislative” functions sa ating burukrasya.


----$$$--


ANG talamak na kutsabahan — ng super-executive at super-legislative ang sumasapaw kaya’t napaparalisado ang hudikatura — lalo na ang mga constitutional body.

Perfect ang Konstitusyon pero hindi perpekto ang kanyang implementasyon.


----$$$--


HINDI dapat na labanan nang basta-basta ang corruption, bagkus ay dapat idepensa ang Konstitusyon — at ipatupad ito gamit ang “kamay na bakal”.

Kung paano ito gagawin at sino ang magpapatupad laban sa mga abusadong ehekutibo at lehislatura -- ay isang malaking tanong — na nag-antay ng kasagutan.

Tama o mali?



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page