top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | August 8, 2025



Photo: Enchong at Alexa Ilacad - IG


Si Enchong Dee pala ang childhood crush ni Alexa Ilacad, pero hanggang real-life fairytale na lang daw ‘yun.


Very consistent siya sa pagsasabing, “He is my forever crush.” 


Aniya, ang admiration niya kay Enchong ay nagsimula nang makita niya ang Kapamilya actor sa isang commercial na nagsu-swimming.


Nagkaroon ng opportunity si Alexa na makatrabaho ang childhood crush sa multiple seasons ng reality show na Pinoy Big Brother (PBB).


Aniya, kinilig siya nang umorder ng food kung saan isa si Enchong sa mga part-owners. Personal daw na ang Kapamilya actor ang nag-deliver ng inorder niya.


She jokingly referred to it as the ‘most special delivery’ she’d ever received, adding the hashtag #heheheimsokilighehehehe to capture her giddiness.

Ano kaya’ng reaksiyon dito ni Enchong?  



ANO kaya ang totoong namamagitan kina Barbie Forteza at Jameson Blake?

Matapos kasing mag-viral ang holding hands photo nina Barbie at Jameson habang palabas sa hotel nu’ng GMA GALA 2025, nagbigay ng pahayag ang ex-BF ni Barbie na si Jak Roberto.


Ayon sa Kapuso actor, nag-usap sila nang masinsinan ni Jameson at sinabi niya rito na mabuting tao si Barbie kaya dapat alagaan nito.


Aniya, “Sabi ko kay Jameson, ‘Kung ready ka na,’ kasi may deep talks kami ni Jameson, sabi ko sa kanya, ‘Mabait si Barbie. Alagaan mo lang.’”


Nang si Jameson naman ang magbigay ng pahayag, ayon sa Kapamilya actor, madalas silang nagwo-workout at tumatakbo ni Barbie, isang hobby na ikinatutuwa nilang dalawa.


Nilinaw na rin ni Barbie na magkaibigan lang silang dalawa sa gitna ng dumaraming mga usapin.


So, friendly holding hands lang ‘yun? 



Kahit first timer sa Kongreso… VILMA, PROUD NA ASST. MAJORITY LEADER AGAD SI CONG. RYAN



BINATI ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang anak na si Congressman Ryan Christian-Recto sa pagkakatalaga sa kanya bilang Assistant Majority Leader sa nakaraang 20th Congress of the Philippines.


Very proud si Ate Vi sa bagong tagumpay ni Ryan gayung newbie pa lang ito sa larangan ng pulitika.


Sa bagong tungkuling ito, mas pinalawak ni Cong. Ryan ang pagkakataong makapaglingkod at makagawa ng mga makabuluhang reporma para sa edukasyon, kalusugan, trabaho, at kaayusan sa ating lipunan.


“Mabuhay ka, Cong. Ryan! Buo ang suporta ng Team Talino at Puso sa iyong panibagong yugto ng paglilingkod,” ani ng mga constituents ng Lipa, Batangas.


Sabi naman ni Gov. Vi, “Congratulations, Cong. Ryan Christian Santos Recto, on your election as Assistant Majority Leader of the 20th Congress.


“As a mother, I’m proud. As a fellow public servant, I’m hopeful. I’ve seen how seriously you take the responsibility of public service, and this new role is both a recognition of your hard work and a challenge to do even more.


“Leadership is never about titles — it’s about the people we serve. And I know that you will always lead with clarity, integrity, and heart. Your family is behind you. Batangas is behind you. Tuloy lang ang trabaho para sa kinabukasan, para sa bayan.”


Komento ng mga netizens: “Congratulations! I hope you’ll be another Vico Sotto — honest and kind.”


“Congratulations to Cong. Ryan Recto. May God bless your work plans for the benefit of your people in Lipa. I salute you. You're the best.”


“Young blood, the likes of Cong. Sandro and Mayor Vico.”


“I’m so proud of you, Cong. Ryan Christian Recto. I knew it. Young Recto, this is just the beginning. I wonder what Cong/Sen/Sec. Ralph felt about this—he must be more proud as a father. His son is shining like a star in the political field.”


“What a promising young guy. Brilliant.”


Ano’ng sey n’yo, mga Ka-BULGAR?



 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 7, 2025



Photo: Maris Racal - IG



Dati ay walang nakakaalam na si Rico Blanco ang nasa likod ng musical scoring ng hit movie ni Maris Racal na Sunshine.


Ito ang unang pagkakataon na nakakuha ng full-length na pelikula ang Filipino musician na ibinunyag ng direktor ng pelikula na si Antoinette Jadaone.


Ibinahagi naman ng OPM singer-songwriter ang inspirasyon sa likod ng kanyang musical score para sa pelikula ni Antoinette.


Isang fan ang nagtanong sa X (dating Twitter) tungkol sa musical scoring na ginamit para sa rhythmic gymnastics performance ni Sunshine (Maris).


“Walang nagsasalita tungkol sa musical score ni Rico Blanco. Original ba ang rhythmic gymnastic music ni Sunshine?” tanong ng netizen.


Ani ng ex-boyfriend ni Maris, “Actually, more inspired by electronic music in general. Hardly used pegs for Sunshine. More of the convos with @tonetjadaone re characters, intentions, goals.”


Idinagdag pa ng OPM singer na ang musical scoring ng pelikula ay umikot sa “modernity and youth” kung saan umikot ang kuwento ni Sunshine.


“Ang malaking ideya ay upang magdagdag ng modernity at kabataan sa kuwento.

Mayroon akong malalim na pinagmulan sa genre na kraftwerk orbital reznor depeche ultravox atbp. at kahit na gusto ko ang track na ito, ganap na wala ito sa aking radar noon. Ito ay higit na ‘90s Big Beat.


“First time ni Rico Blanco na makaiskor ng full-length na pelikula,” pagbabahagi naman ni Direk Jadaone.


Bakit nga ba si Maris ang napili niya para sa titular role ng award-winning na pelikula?


Wika ni Direk, “Meron s’yang physique of a gymnast. So she’s petite, she’s lean, dancer din siya so meron na siyang gracefulness in her movement––physicality ng isang gymnast na-check n’ya na agad. Siguro ‘yun ‘yung hinahanap ko sa artista na magpe-play ng Sunshine.”


Kung hindi kami nagkakamali, ang Sunshine ang blockbuster na Pinoy movie nitong 2025.


Humakot din ito ng mga awards sa international award-giving bodies.

Halos one month nang ipinapalabas ang Sunshine, pero patuloy pa rin itong pinipilahan ng mga manonood.


Congrats, Maris Racal, you deserve it!!!


Taos-pusong binati ni Dia Mate ang boyfriend na si JK Labajo sa kanilang anibersaryo. 

Sa Instagram (IG), nag-upload ang beauty queen ng mga romantic snaps mula sa kanilang bakasyon kung saan ang caption na kanyang isinulat ay puno ng pagmamahal.

Sa mga snaps, makikitang nag-e-enjoy silang magkasama. 


“A late anniversary post. Sharing some of my favorite photos with my favorite person. Once again, Happy Anniversary, my love @juankarlos. I love you!” ang viral post na isinulat ng beauty queen.


Naantig si JK sa heartfelt message ng girlfriend.


Ani JK, “Te amo mucho mi amor (I love you so much, my love).”


Ang kanilang matamis na palitan ng mensahe ay mabilis na umani ng atensiyon mula sa mga tagahanga, kung saan bumaha sa comment section ng pagmamahal at pagbati.


Komento naman ng mga netizens: 


“Uy, grabe, magkamukha na kayo, ah?”

“Cuties! Happy Anniversary sa inyong dalawa!”

“I love you guys so much, my fave couple.”

“Aww, Happy Anniv sa parents ko! Charot!”

“Love this, stay strong JK and Dia! Ang cute n’yo!”

Sweet!




NAGPAHAYAG si Barbie Forteza sa nais na marami pang horror roles ang maibigay sa kanya pagkatapos ng matagumpay na P77.


Ang pagganap ni Barbie sa horror film ay sinalubong ng mga masasayang reviews mula sa mga kritiko at manonood.


Pagbubulgar ng aktres, sabik siyang gumawa pa ng mas maraming pelikula sa kategoryang ito.


Nagpapasalamat ang aktres sa tagumpay ng pelikula.


Ang movie ay isang psychological thriller sa direksiyon ni Derick Cabrido, kung saan si Forteza ang gumaganap bilang si Luna Caceres.


Congratulations, Barbie! More horror movies pa for you.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 6, 2025



Photo: Brent Manalo sa PBB - IG



May pasabog ang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition Winner Duo na si Brent Manalo (with Mika Salamanca) tungkol sa mga naging issues nila sa loob ng Bahay ni Kuya.


Ani Brent nang makapanayam ng PEP,


“‘Di ko alam kung puwede ‘tong sabihin… sobrang magkakasundo talaga lahat to the point na ipinu-push na talaga kami na magkaroon ng away-away kasi wala silang makuha.”

Tuloy, may nagtanong kung ang issues na ginagawa ay sadyang scripted?

Komento nga ng mga netizens…


“Collab kasi, magkakasundo talaga ‘yan dahil papalit-palit sila ng partner. Bawal ka magkamali para ‘di ka iboto ng nakaraang partner mo. Kung solo-solo ‘yan, malamang nag-away-away na ‘yan kasi sarili lang nila ipaglalaban nila. ‘Di katulad ng collab, maging maingat ka kasi kailangan mo protektahan sarili mo at ka-collab mo.”

May nagtanggol naman sa Kapamilya actor.


“What he means is, ‘yung mga pakulo ni Kuya, ‘yung task lalo na mga secret tasks na need nilang may gawin to their other co-housemates para ma-trigger ‘yung emotions nila.”


“Yes, all tasks are directed towards a story. ‘Yan naman sinasabi always ni Bianca, eh. ‘Di s’ya scripted but it is planned/directed. Then, d’yan sila kukuha ng storylines nila for airing. Kuya gives tasks to trigger an emotion or action sa mga HM.”


“Not scripted. Hindi naman makokontrol ng management how would they react. Ang makokontrol nila, the specific task, puwedeng mapalabas tunay na ugali or if mas mautak ‘yung housemate like him, puwedeng dedmahin. Remember his iconic ‘that’s nice to hear, thanks but I don’t need that’ when BB was giving an advice to him kahit s’ya naman may pakana ng drama sa least desirable duo. They need drama and ‘yun ang waley sila makuha. The peak drama I think sa season nila is ‘yung kay Klang and Dustin, that’s it.”


“Gumagawa sina Kuya ng task, sinabi naman din yata ‘yun para mapalabas ‘yung emotion nila kasi masyado na silang mababait lahat sa loob. Kailangan lahat ng emotion nila lumabas talaga—ganu’n talaga—but doesn’t mean scripted s’ya. Kinukuha lahat ng emotions nila every task na ginagawa.”


May umapela naman sa rebelasyon ni Brent.


“Naku, Brent, hindi ka na lang manahimik... CharEs or RaWi na lang sana Big Winner. Nadala ka lang ni Mika. ‘Yung ginawa mo kay Kira at ‘yung sinabi mo kay AZ, du’n pa lang, hindi ka na tumahimik.”


“Mga fans talaga ni ano, masyadong pabida. Manahimik ka na lang din, Manang.”

“‘Pag in-interview ba sila, dapat ba sila sumagot ng ‘no comment’? Interview nga eh. Hahaha!”

“‘Yan din ‘yung sabi ni Slater sa batch nila, sobra silang magkakasundo na need nila ipasok ulit si Paco, just to create a commotion. Big Brother setup is all about triggering emotions. It’s a controlled environment.”


“Kaya nga, ‘di ba, binigyan ng task ni Kuya si Shuvee na galitin si River. Paano pa kaya kung wala si Esnyr, Shuvee and Klang sa bahay ni Kuya—super boring na.”

“NAKU MATAGAL NA, SCRIPTED LAHAT SA SIMULA PA. KAYA NGA MAY WRITER AT DIRECTOR ANG PBB.”


“The power of PBB editing talaga, pala-gawa ng issues para umingay ang reality show na ‘yan at tumaas ang engagements. Ba’t mo hinuli at binisto, Brent? LOL (laugh out loud).”

“Mag-away raw kayo para may ganap. Para may mai-content.”

Totoo ba? Ano’ng sey n’yo, mga Ka-BULGAR?



NANGHINAYANG ang head writer ng isang fantaserye na si Suzette Doctolero sa namamayagpag na career ngayon ng Kapuso young star na si Shuvee Etrata.


Wala sa kanyang hinagap na ang young star ay biglang sasambulat ang pangalan sa mundo ng showbiz nang pumasok ito sa PBB Celebrity Collab Edition.

Nagkasalubong ang head writer at si Shuvee sa Gala Night ng Kapuso na ginanap sa Marriott Hotel kamakailan.


Nang makita niya si Shuvee ay ubod-galang na binati siya ng young actress.

Nakapagbitaw tuloy si Doctolero ng mga salitang, “At dahil sa Gala encounter ko kay Shuvee kaya nanghihinayang ako, na tapos na ang taping ng Encantadia, a few days after noong pumasok siya sa PBB. Malay ba naming sisikat sila. Hahahaha! Sana pala, ginawa na agad naming isa sa bida. Hmp! Pero okey lang, happy pa rin na naging part siya ng Enca fam.”


Siguradong gagawan ng paraan ni Doctolero na magkaroon ng twist ang karakter ni Shuvee sa serye.


Aniya, “Aba, eh, mas pinag-uusapan pa nga si Shuvee ng mga netizens na nanonood ng fantaserye kaysa sa mga kilalang bida, eh.”


Siya nga pala, malapit na ring mapanood ang life story ni Shuvee Etrata sa Magpakailanman.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page