top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | August 11, 2025



Photo: Atong Ang, Atasha at Jacob - Instagram.


Hindi matigil ang isyu sa anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales hinggil sa pagkaka-link nito sa younger son ng billionaire businessman na si Ramon Ang na si Jacob.


Waley talk naman si Aga nang may nagtanong sa kanya thru his social media account, pero na-seen niya ang tanong.


Samantala, muling nakita sina Atasha at Jacob na magkasama nang ikasal na si Almira Muhlach na ginanap sa Bali, Indonesia. Sa mga larawang lumabas, kasama si Jacob na nakapuwesto sa likuran ng dalaga.


Nabanggit naman ng ama ni Jacob na si Ramon Ang ang totoong relasyon ng dalawa sa ilang taga-media sa ginanap na mediacon para sa kanyang proyekto na may kaugnayan sa baha ng Metro Manila. 


Ani ng business tycoon, “Si Atasha is a very nice lady, napakabait at napakaganda, sobra! Kaibigan ng anak kong si Jacob.”


Well, lalabas naman ang totoo sa dalawa kung sila nga ba ay may relasyon o wala. Wala namang pagkakaiba ‘yan sa love life ni Bea Alonzo at ng isa ring businessman na si Vincent Co.



Na-bash ng netizens… ZEINAB, TRYING HARD MAG-ENGLISH, SABLAY NAMAN


MAGKASAMANG rumampa sa Kapuso Gala Night ang sikat na content creator na si Zeinab Harake at ang kanyang asawang PBA star na si Ray Parks na agaw-pansin sa kanilang ka-sweet-an nang dumating.


Palibhasa, bagong kasal pa lang ang celebrity couple, may nagtanong sa kanila kung saan ang kanilang dream travel destination. 


“‘Yung honeymoon trip na gusto talaga namin is from Europe,” sagot ni Zeinab. 

Sundot naman ni Ray, “Yep, we want to go to Europe.”


Ang gusto raw puntahan doon ni Zeinab ay ang Greece dahil dream niya ang lugar na ‘yun since 17 years old siya. 


Sey niya, “Dream destination ko siya since I was 17 because of the Descendants of the Sun K-drama and ‘yun talaga ang gusto kong ma-explore.”


Maraming mapanuring mata ang nakapansin sa binitawang salita ng social media personality. Inokray siya ng mga ito sa grammar niyang ‘from Europe’.


“‘Wag na sana mag-English,” saad ng isang netizen. 


Sinundan pa ng isang commenter, “Zeinab, ‘wag na kasi mag-English (crying emoji). Puwede namang mag-Tagalog na lang, eh. Okay lang ‘yan, ‘di mo naman ikaka-sosyal ang English, nasa tono pa rin at pronunciation magkakaalaman.”


Pansin pa ng isa, “Palagi s’yang wrong grammar (laughing emoji), Huhuhu! Sorry, Zeb.”

“Sa Pilipinas, laging issue ‘yung English grammar, paano kung hindi forte ‘yung English? Nakakawala na rin ng self-esteem magsalita ng English kasi parang maraming nakabantay sa ‘yo,” lahad ng isang netizen.


Sabagay, ilang beses nang napupuna ang wrong grammar ni Zeinab Harake kahit sa kanyang vlog, pero aminado naman siya na mahina siya sa salitang Ingles.



PROUD si Bianca de Vera kapag sinasabihan siyang ‘Little Anne Curtis’. Katunayan, may halong kilig at parang musika raw sa kanyang tenga ang compliment ng mga netizens.

Aarte pa raw ba siya, eh, si Anne Curtis ‘yun. 


Marami kasi ang nagsasabing malaki ang pagkakahawig nila ng Kapamilya TV host-actress lalo na noong kabataan nito at nagsisimula pa lamang sa showbiz.

“Kinikilig ako ‘pag sinasabihan ako n’yan. As in sobra. Feel ko, nabubuhay ang kaluluwa ko,” ani ng PBB housemate.


Dugtong niya, “But there can only be one Anne Curtis. And nobody can be compared to her."

Kasama si Bianca sa Pinoy adaptation ng K-drama na It’s Okay To Not Be Okay (IOTNBO) na pinagbibidahan nina Anne, Joshua Garcia at Carlo Aquino. Ginagampanan niya ang papel na Bella.


Paglalarawan niya sa kanyang karakter sa serye, “Role ko rito, sobrang bigat, kasi halos lahat iyakan.”


Ayon sa dalaga, napakalaking tulong sa pagganap niya bilang Bella ang co-star niyang si Louise Abuel. 


Sabi niya, “Lagi n’ya akong sinasalo. He always reminds me.”


At sa nakikita nating dedication niya ngayon sa showbiz, mukhang ready na si Bianca de Vera na gumawa ng sariling marka, at hindi lang bilang “Little Anne” kundi bilang siya.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 10, 2025



Photo: KC Concepcion - IG


Aktibo na naman ang YouTube (YT) vlog ni KC Concepcion. Sa bago niyang upload sa kanyang Instagram (IG) page ay makikita ang pagbisita niya sa Farmers Market.

Aniya, “NEW VLOG UP! Ready for another market trip to continue our PALENGKE SERIES?


“Hi, loves! It's another fun palengke market day for us! First time ko sa Farmers Market in Quezon City, and wow, I had the best time!”


Inikot ng mega daughter ang buong palengke ng Farmers.


“From fresh veggies to freshly caught seafood to a huge variety of fruits... napa-shopping na naman ako,” sey ni KC.


Kuwento pa niya, “Nag-grocery ako ng slightly extra sa Farmers Market, Cubao! Catch me buying veggies I can’t pronounce, and gutting a fish because... my life skills unlocked sa pagda-daing ng bangus. The lobsters were sooo nice. I didn’t want to steam them... Hahaha! Need ko lakasan ang loob ko.”


May pahabol pa ang mega daughter ni Sharon Cuneta, “P.S. Non-Filipino friends just hit ‘CC!’ Subtitles are clear & made with love by me. Keep your Subtitles On! I write them myself so you won’t miss a thing!”


May bago rin siyang natutunan sa kanyang pamamalengke.

“Yes — natuto tayong mag-debone ng ‘bangus’ (shoutout to Nanay Malou) na perfect for daing na bangus!” sabi niya.


“Lahat para sa pagmamahal sa pagluluto ng ating Philippine at Southeast Asian na pagkain, at s’yempre, pagpapakita ng suporta para sa ating mga lokal na magsasaka at mangingisda!” sey niya.


Na-enjoy din ng actress-host ang pagluluto ng seafood sa Dampa.


Aniya pa, “We had the most amazing Farmers Market palengke day and sobrang happy ko dahil namakyaw na naman tayo so let’s support local. Let’s support our farmers.”


Dati, bumisita na si KC sa Salcedo Market, ang open-air weekend market sa Makati.

Para sa araw na iyon, bumili si KC ng mga bulaklak, mga mangkok at plato na gawa sa kahoy, at iba’t ibang prutas. Nasiyahan din siya sa mabilisang pagkain ng Thai food.


Samantala, nagmuni-muni si KC kung bakit napakaespesyal sa kanya ng Salcedo Market.


Aniya, “We did it! Shopping check. Walking check. Bonding check. We just love Salcedo Market not just for vibes but how it gives access to fresh and affordable food, at the same time promoting local and also international products. At bukod d’yan, they offer a space for friends and family to just hang out.”


Komento ng mga netizens:


“Grabe namang ganda ng customer na ‘yan.”


“‘Yung binawalan ni KC ang guard na ‘wag paalisin ‘yung mga lumalapit sa kanya ay winner talaga, sobrang bait!”


“Done watching — it brings back Simply KC days, grabe ang good vibes sa mga tao! Literal na pangmasa, loved by many. Riding in MRT next,” request ng isang commenter.

Bongga!



PINASALAMATAN ni Joaquin Arce ang stepmom niyang si Angel Locsin na pinutol ang kanyang social media hiatus para ipakita ang suporta sa kanya. Nag-post kasi si Angel sa kanyang IG Story bilang suporta sa pagpasok sa showbiz ng anak ng mister na si Neil Arce.


Komento ng mga netizens sa pagpasok ni Joaquin sa showbiz…

“Nepo baby. Sorry, hindi sorry. Ito ay tungkol sa mga koneksiyon ngayon. Sana magpakita sila ng totoo at hindi hilaw na talento.”


Marami naman ang naguguwapuhan sa young actor.

Samantala, napuna naman ng ibang mga netizens na nagte-trending si Angel kahit hindi pa bumabalik sa showbiz. 


“Grabe, trending si Angel, story lang ‘yun. What more kung bumalik na s’ya.”

“True, ang daming nanginginig sa inggit na ibang nagpi-feeling-sikat ngayon.”

“Sana, lumitaw na si Angel kasi napapanaginipan ko na s’ya palagi, nakanang!”


“Instant mom na pala si Angel.”


“True! And thankful s’ya (Joaquin) sa stepmom n’ya.”


At kung pagbabalik-showbiz lang din ang pag-uusapan, tila hindi lang si Joaquin Arce ang aabangan, kundi pati na rin ang posibleng pagbabalik ng “real-life Darna” sa showbiz na si Angel Locsin.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 9, 2025



Photo: Piolo at Kyle Echarri - IG


Pumiyok na si Kyle Echarri sa mga tsismis na lumalabas tungkol sa kanila ni Piolo Pascual (Papa P). Pinabulaanan ng young actor ang mga sitsit sa kanila at nilinaw na magkapatid lang ang turingan nilang dalawa. 


Ibinahagi niya na naging malaking suporta sa kanya ang aktor noong mawala ang kanyang kapatid.


“Kapatid ko ‘yan. He is a brother, a best friend of mine. Kahit anong isipin ng tao, sa kanila na. Kami, alam namin, magkapatid kami,” ani Kyle.


Aniya pa, si Piolo ay nag-serve bilang mentor sa kanya sa nakalipas na dalawang taon, lalo na nang dumaan siya sa mabigat na yugto — ang pagkawala ng kanyang nakababatang kapatid na babae.


Patuloy niya, “He came into my life at a very significant time when I was losing my sister. Ilan lang po ang nakaalam sa pinagdaraanan ko noon. One of the brothers that helped me out through the scenes na masakit at mahirap gawin dahil sa nangyari sa kapatid ko.”


May isang action film sina Kyle at Piolo

kung saan gaganap sila bilang mag-ama.


“Pambihira ang anticipation,” ayon kay Kyle.


“Malapit n’yo nang mapanood. We have been talking about it for years — finally mapapanood na,” dagdag niya.


Sa usaping pag-ibig, hindi rin nagmamadali si Kyle. 


“There is always time for love, ‘pag na-feel mo. Sa ngayon, I am taking my time building a relationship with myself, inner peace, and loved ones around me. Hindi kailangan na meron ako agad,” paglilinaw niya.


Mentor ng Pinoy singer sa The Voice USA…

MICHAEL BUBLE, TUMANGGING MAG-GUEST SA CONCERT NI SOFRONIO


KINUKUHA pala ni Sofronio Vasquez III na mag-guest ang kanyang mentor sa The Voice USA (TVUSA) na si Michael Bublé para sa kanyang concert dito sa ‘Pinas, pero ayaw daw ng international singer.


“Sabi n’ya, ‘Kasi gusto ko, ‘pag dumating ako sa show mo, it has to be very particular and it has to be magical for the both of us.’ He’s going to make it big for sure,” sey ni Sofronio.


Looking forward pa naman ang singer sa muling pagbisita ng international singer-songwriter dahil matagal-tagal na rin itong nagtungo ng ‘Pinas.


“Excited na rin talaga s’yang kumanta rito. Sabi ko sa kanya, the last time you were in the Philippines was I think PICC. So hopefully he comes here,” ani Sofronio sa isang panayam.


Pahayag pa niya, “Kinukulit ko talaga s’yang mag-guest but he begged off.”

Naalala niya ang best advice sa kanya ni Michael, “Sabi niya, ‘(It) Doesn't mean you can, you should.’”


Gayunman, patuloy pa ring magre-release ng extended play (EP) ang TVUSA champion na ipo-produce ng Canadian singer-songwriter.


“Nasasabik akong ibahagi na si Michael Bublé ang gumagawa ng aking EP,” pakli niya.

Pagbabahagi pa niya, “Nagawa na namin ‘yung ibang mga kanta. But I think based on our last conversation, ang unang ilalabas is Christmas song. It’s a duet Christmas song with me and him, and we’re doing an English-Tagalog song.”


Dugtong pa niya, “Nakaka-excite and nakakatuwa kasi I did my part. First time, I wrote the Tagalog lyrics of it, with the help of the musicians and songwriters in Manila, nagpa-consult ako kasi hindi ako masyadong magaling.”

Excited na kami for you, Sofronio!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page