ni Beth Gelena @Bulgary | August 9, 2025
Photo: Piolo at Kyle Echarri - IG
Pumiyok na si Kyle Echarri sa mga tsismis na lumalabas tungkol sa kanila ni Piolo Pascual (Papa P). Pinabulaanan ng young actor ang mga sitsit sa kanila at nilinaw na magkapatid lang ang turingan nilang dalawa.
Ibinahagi niya na naging malaking suporta sa kanya ang aktor noong mawala ang kanyang kapatid.
“Kapatid ko ‘yan. He is a brother, a best friend of mine. Kahit anong isipin ng tao, sa kanila na. Kami, alam namin, magkapatid kami,” ani Kyle.
Aniya pa, si Piolo ay nag-serve bilang mentor sa kanya sa nakalipas na dalawang taon, lalo na nang dumaan siya sa mabigat na yugto — ang pagkawala ng kanyang nakababatang kapatid na babae.
Patuloy niya, “He came into my life at a very significant time when I was losing my sister. Ilan lang po ang nakaalam sa pinagdaraanan ko noon. One of the brothers that helped me out through the scenes na masakit at mahirap gawin dahil sa nangyari sa kapatid ko.”
May isang action film sina Kyle at Piolo
kung saan gaganap sila bilang mag-ama.
“Pambihira ang anticipation,” ayon kay Kyle.
“Malapit n’yo nang mapanood. We have been talking about it for years — finally mapapanood na,” dagdag niya.
Sa usaping pag-ibig, hindi rin nagmamadali si Kyle.
“There is always time for love, ‘pag na-feel mo. Sa ngayon, I am taking my time building a relationship with myself, inner peace, and loved ones around me. Hindi kailangan na meron ako agad,” paglilinaw niya.
Mentor ng Pinoy singer sa The Voice USA…
MICHAEL BUBLE, TUMANGGING MAG-GUEST SA CONCERT NI SOFRONIO
KINUKUHA pala ni Sofronio Vasquez III na mag-guest ang kanyang mentor sa The Voice USA (TVUSA) na si Michael Bublé para sa kanyang concert dito sa ‘Pinas, pero ayaw daw ng international singer.
“Sabi n’ya, ‘Kasi gusto ko, ‘pag dumating ako sa show mo, it has to be very particular and it has to be magical for the both of us.’ He’s going to make it big for sure,” sey ni Sofronio.
Looking forward pa naman ang singer sa muling pagbisita ng international singer-songwriter dahil matagal-tagal na rin itong nagtungo ng ‘Pinas.
“Excited na rin talaga s’yang kumanta rito. Sabi ko sa kanya, the last time you were in the Philippines was I think PICC. So hopefully he comes here,” ani Sofronio sa isang panayam.
Pahayag pa niya, “Kinukulit ko talaga s’yang mag-guest but he begged off.”
Naalala niya ang best advice sa kanya ni Michael, “Sabi niya, ‘(It) Doesn't mean you can, you should.’”
Gayunman, patuloy pa ring magre-release ng extended play (EP) ang TVUSA champion na ipo-produce ng Canadian singer-songwriter.
“Nasasabik akong ibahagi na si Michael Bublé ang gumagawa ng aking EP,” pakli niya.
Pagbabahagi pa niya, “Nagawa na namin ‘yung ibang mga kanta. But I think based on our last conversation, ang unang ilalabas is Christmas song. It’s a duet Christmas song with me and him, and we’re doing an English-Tagalog song.”
Dugtong pa niya, “Nakaka-excite and nakakatuwa kasi I did my part. First time, I wrote the Tagalog lyrics of it, with the help of the musicians and songwriters in Manila, nagpa-consult ako kasi hindi ako masyadong magaling.”
Excited na kami for you, Sofronio!










