top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | August 12, 2025



Photo: Charo Santos-Concio at Hyun Bin, Piolo Pascuall - IG


Trending ang photo ni Charo Santos at ng Korean actor na si Hyun Bin, bida sa Crash Landing On You (CLOY), matapos itong i-flex ng beteranang aktres at former president ng ABS-CBN, na agad kinainggitan ng maraming fans.


Ang caption ng beteranang aktres, “Crash landed into this moment I’m so happy to finally meet you, Hyun Bin!”


Grabe ang pagpa-fangirling ni Charo kay Hyun Bin dahil may paghawak pa siya sa kamay nito.


Kaya maging ang mga celebrities ay hindi maiwasang mainggit sa pangyayaring iyon kay Ms. Charo.


Isa na rito si Piolo Pascual na tila hindi nagustuhan ang kuha nilang larawan ni Hyun Bin.

Hindi tuwa ang reaksiyon ni Papa P kundi brokenhearted ito sa pagkikita nina Charo at Hyun Bin. 


Well, talagang sinamantala ng veteran actress at dating presidente ng ABS-CBN ang pagkakataong makalapit at maka-selfie sa super sikat na aktor.


Bago pa maganap ang fan meet ni Hyun Bin sa Pilipinas, nag-post na si Charo ng video sa kanyang TikTok (TT) account tungkol sa pagiging avid fan ng South Korean star.

“Hindi ako madalas fangirl, pero hindi ko napigilan. Si Hyun Bin, ang No. 1 Oppa ko, noon at ngayon!” aniya sa caption.


Pati si Christine Bersola-Babao ay ‘di napigilang mag-comment, “I’m so happy and kilig for you, Ninang. Saw you last night & feel na feel ko ang iyong kilig kay Capt. Ri!”

Reply ni Charo, “I’m sure, ikaw rin!”


Sey naman ng isang commenter, “Hahaha! Love ko ‘yung may pa-holding hands.”

Ang sagot naman ni Charo sa brokenhearted emoji ni Papa P, “@piolo_pascual I LOVE YOU, PIOLO! (three hearts emoji).”


Ani Shaira Diaz, “I’m super kilig for you. Nagselos tuloy si @piolo_pascual.”

Ang bongga talaga ng isang Charo Santos!


Para bumagay kay Anne… 

JOSHUA, PAYAT NA, MAY BALBAS PA, MUKHANG TUMANDA


NAPANSIN ng mga “seryegoers” ang character ni Joshua Garcia sa It’s Okay Not To Be Okay (IONTBO).


Sobra na raw kasi ang kapayatan ni Joshua bilang si Patrick.

May nagkomento pa nga, “Pangit ang may balbas, paahit ka na.”

Depensa naman ng fan, “‘Yung mga nanlalait kay idol, ang papangit. Hahaha!”

Well, ibinabagay lang siguro ng IONTBO team ang karakter ng actor sa teleserye nila ni Anne Curtis, ang bida sa K-drama Pinoy adaptation.


Hindi lang kasi medyo pinatanda si Joshua sa serye dahil kung gagawing fresh ang kanyang hitsura, magiging masyado na siyang alangan para sa lead actress na si Anne.


Parehong seryoso ang karakter nila sa serye which is akma kay Anne Curtis dahil matured na rin naman ang face niya, but still ang strong beauty niya ay naroroon pa rin.


This is it! 

FYANG, NAG-I LOVE YOU NA KAY JM


KINILIG ang mga fans nang magbigay ng birthday message si Fyang Smith sa ka-love team na si JM Ibarra.


After kasi ng mensahe ni Fyang ay nag-“I love you” siya sa actor.

Ani ng kanilang mga fans…


“Nakakaiyak naman, bebegirl. Tapos may ‘I love you’ pa, hirap umiyak habang kinikilig.”

Ang isang fan na may-edad na ay nagkomento, “Happy birthday, JM. Sa edad kong 53, ngayon lang ako nagkagusto sa love team n’yo ni Fyang. Lagi ako nanonood sa FB dahil sa inyo, Fyang, hanggang paglabas ninyo at sa darating pang panahon. Love na love ko kayo dahil totoo ang pagkatao ninyo.”


“Grabe ‘yung kilig ni JM. Grabe rin ‘yung ngiti. Silent supporter lang ako, mahal ko kayo lagi.”

“Happy birthday, JM! Continue to love and respect one another. God bless both of you.”

“Happy birthday, JM. Proud kami sa ‘yo at kahit ‘di ka namin nakikita rito sa Mauban madalas, still fan at supporters mo kami. JMFyang forever.”


“Yes, nakakaiyak pero masaya na rin ako dahil narinig ko na ang ‘I love you’.”

“Ako lang ba ‘yung nanonood na naka-smile but teary-eyed? Kayo na talaga ang kumukumpleto sa araw ko. Babies #jmfyang hanggang dulo.”


“Fyang, wala nang bawian, ha? Kayo na talaga ni JM.”


Kitang-kita ang lakas ng tambalang Fyang Smith at JM Ibarra, mula bagets hanggang seasoned fans, lahat kinikilig.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 11, 2025



Photo: Atong Ang, Atasha at Jacob - Instagram.


Hindi matigil ang isyu sa anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales hinggil sa pagkaka-link nito sa younger son ng billionaire businessman na si Ramon Ang na si Jacob.


Waley talk naman si Aga nang may nagtanong sa kanya thru his social media account, pero na-seen niya ang tanong.


Samantala, muling nakita sina Atasha at Jacob na magkasama nang ikasal na si Almira Muhlach na ginanap sa Bali, Indonesia. Sa mga larawang lumabas, kasama si Jacob na nakapuwesto sa likuran ng dalaga.


Nabanggit naman ng ama ni Jacob na si Ramon Ang ang totoong relasyon ng dalawa sa ilang taga-media sa ginanap na mediacon para sa kanyang proyekto na may kaugnayan sa baha ng Metro Manila. 


Ani ng business tycoon, “Si Atasha is a very nice lady, napakabait at napakaganda, sobra! Kaibigan ng anak kong si Jacob.”


Well, lalabas naman ang totoo sa dalawa kung sila nga ba ay may relasyon o wala. Wala namang pagkakaiba ‘yan sa love life ni Bea Alonzo at ng isa ring businessman na si Vincent Co.



Na-bash ng netizens… ZEINAB, TRYING HARD MAG-ENGLISH, SABLAY NAMAN


MAGKASAMANG rumampa sa Kapuso Gala Night ang sikat na content creator na si Zeinab Harake at ang kanyang asawang PBA star na si Ray Parks na agaw-pansin sa kanilang ka-sweet-an nang dumating.


Palibhasa, bagong kasal pa lang ang celebrity couple, may nagtanong sa kanila kung saan ang kanilang dream travel destination. 


“‘Yung honeymoon trip na gusto talaga namin is from Europe,” sagot ni Zeinab. 

Sundot naman ni Ray, “Yep, we want to go to Europe.”


Ang gusto raw puntahan doon ni Zeinab ay ang Greece dahil dream niya ang lugar na ‘yun since 17 years old siya. 


Sey niya, “Dream destination ko siya since I was 17 because of the Descendants of the Sun K-drama and ‘yun talaga ang gusto kong ma-explore.”


Maraming mapanuring mata ang nakapansin sa binitawang salita ng social media personality. Inokray siya ng mga ito sa grammar niyang ‘from Europe’.


“‘Wag na sana mag-English,” saad ng isang netizen. 


Sinundan pa ng isang commenter, “Zeinab, ‘wag na kasi mag-English (crying emoji). Puwede namang mag-Tagalog na lang, eh. Okay lang ‘yan, ‘di mo naman ikaka-sosyal ang English, nasa tono pa rin at pronunciation magkakaalaman.”


Pansin pa ng isa, “Palagi s’yang wrong grammar (laughing emoji), Huhuhu! Sorry, Zeb.”

“Sa Pilipinas, laging issue ‘yung English grammar, paano kung hindi forte ‘yung English? Nakakawala na rin ng self-esteem magsalita ng English kasi parang maraming nakabantay sa ‘yo,” lahad ng isang netizen.


Sabagay, ilang beses nang napupuna ang wrong grammar ni Zeinab Harake kahit sa kanyang vlog, pero aminado naman siya na mahina siya sa salitang Ingles.



PROUD si Bianca de Vera kapag sinasabihan siyang ‘Little Anne Curtis’. Katunayan, may halong kilig at parang musika raw sa kanyang tenga ang compliment ng mga netizens.

Aarte pa raw ba siya, eh, si Anne Curtis ‘yun. 


Marami kasi ang nagsasabing malaki ang pagkakahawig nila ng Kapamilya TV host-actress lalo na noong kabataan nito at nagsisimula pa lamang sa showbiz.

“Kinikilig ako ‘pag sinasabihan ako n’yan. As in sobra. Feel ko, nabubuhay ang kaluluwa ko,” ani ng PBB housemate.


Dugtong niya, “But there can only be one Anne Curtis. And nobody can be compared to her."

Kasama si Bianca sa Pinoy adaptation ng K-drama na It’s Okay To Not Be Okay (IOTNBO) na pinagbibidahan nina Anne, Joshua Garcia at Carlo Aquino. Ginagampanan niya ang papel na Bella.


Paglalarawan niya sa kanyang karakter sa serye, “Role ko rito, sobrang bigat, kasi halos lahat iyakan.”


Ayon sa dalaga, napakalaking tulong sa pagganap niya bilang Bella ang co-star niyang si Louise Abuel. 


Sabi niya, “Lagi n’ya akong sinasalo. He always reminds me.”


At sa nakikita nating dedication niya ngayon sa showbiz, mukhang ready na si Bianca de Vera na gumawa ng sariling marka, at hindi lang bilang “Little Anne” kundi bilang siya.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 10, 2025



Photo: KC Concepcion - IG


Aktibo na naman ang YouTube (YT) vlog ni KC Concepcion. Sa bago niyang upload sa kanyang Instagram (IG) page ay makikita ang pagbisita niya sa Farmers Market.

Aniya, “NEW VLOG UP! Ready for another market trip to continue our PALENGKE SERIES?


“Hi, loves! It's another fun palengke market day for us! First time ko sa Farmers Market in Quezon City, and wow, I had the best time!”


Inikot ng mega daughter ang buong palengke ng Farmers.


“From fresh veggies to freshly caught seafood to a huge variety of fruits... napa-shopping na naman ako,” sey ni KC.


Kuwento pa niya, “Nag-grocery ako ng slightly extra sa Farmers Market, Cubao! Catch me buying veggies I can’t pronounce, and gutting a fish because... my life skills unlocked sa pagda-daing ng bangus. The lobsters were sooo nice. I didn’t want to steam them... Hahaha! Need ko lakasan ang loob ko.”


May pahabol pa ang mega daughter ni Sharon Cuneta, “P.S. Non-Filipino friends just hit ‘CC!’ Subtitles are clear & made with love by me. Keep your Subtitles On! I write them myself so you won’t miss a thing!”


May bago rin siyang natutunan sa kanyang pamamalengke.

“Yes — natuto tayong mag-debone ng ‘bangus’ (shoutout to Nanay Malou) na perfect for daing na bangus!” sabi niya.


“Lahat para sa pagmamahal sa pagluluto ng ating Philippine at Southeast Asian na pagkain, at s’yempre, pagpapakita ng suporta para sa ating mga lokal na magsasaka at mangingisda!” sey niya.


Na-enjoy din ng actress-host ang pagluluto ng seafood sa Dampa.


Aniya pa, “We had the most amazing Farmers Market palengke day and sobrang happy ko dahil namakyaw na naman tayo so let’s support local. Let’s support our farmers.”


Dati, bumisita na si KC sa Salcedo Market, ang open-air weekend market sa Makati.

Para sa araw na iyon, bumili si KC ng mga bulaklak, mga mangkok at plato na gawa sa kahoy, at iba’t ibang prutas. Nasiyahan din siya sa mabilisang pagkain ng Thai food.


Samantala, nagmuni-muni si KC kung bakit napakaespesyal sa kanya ng Salcedo Market.


Aniya, “We did it! Shopping check. Walking check. Bonding check. We just love Salcedo Market not just for vibes but how it gives access to fresh and affordable food, at the same time promoting local and also international products. At bukod d’yan, they offer a space for friends and family to just hang out.”


Komento ng mga netizens:


“Grabe namang ganda ng customer na ‘yan.”


“‘Yung binawalan ni KC ang guard na ‘wag paalisin ‘yung mga lumalapit sa kanya ay winner talaga, sobrang bait!”


“Done watching — it brings back Simply KC days, grabe ang good vibes sa mga tao! Literal na pangmasa, loved by many. Riding in MRT next,” request ng isang commenter.

Bongga!



PINASALAMATAN ni Joaquin Arce ang stepmom niyang si Angel Locsin na pinutol ang kanyang social media hiatus para ipakita ang suporta sa kanya. Nag-post kasi si Angel sa kanyang IG Story bilang suporta sa pagpasok sa showbiz ng anak ng mister na si Neil Arce.


Komento ng mga netizens sa pagpasok ni Joaquin sa showbiz…

“Nepo baby. Sorry, hindi sorry. Ito ay tungkol sa mga koneksiyon ngayon. Sana magpakita sila ng totoo at hindi hilaw na talento.”


Marami naman ang naguguwapuhan sa young actor.

Samantala, napuna naman ng ibang mga netizens na nagte-trending si Angel kahit hindi pa bumabalik sa showbiz. 


“Grabe, trending si Angel, story lang ‘yun. What more kung bumalik na s’ya.”

“True, ang daming nanginginig sa inggit na ibang nagpi-feeling-sikat ngayon.”

“Sana, lumitaw na si Angel kasi napapanaginipan ko na s’ya palagi, nakanang!”


“Instant mom na pala si Angel.”


“True! And thankful s’ya (Joaquin) sa stepmom n’ya.”


At kung pagbabalik-showbiz lang din ang pag-uusapan, tila hindi lang si Joaquin Arce ang aabangan, kundi pati na rin ang posibleng pagbabalik ng “real-life Darna” sa showbiz na si Angel Locsin.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page