top of page
Search

MISS TAGUIG SANDRA LEMONON, NAGBANTANG MAY PASASABUGIN

ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 25, 2020




“REAL queens play FAIR don’t CHEAT.”


Ilang oras matapos makoronahan ang bagong Miss Universe-Philippines 2020 ngayong Linggo nang umaga, October 25, nagkaroon ng cryptic posts si Miss Taguig Sandra Lemonon sa kanyang social media account.


Si Rabiya Mateo ng Iloilo City ang itinanghal na Miss Universe Philippines 2020 sa coronation na ginanap sa Baguio City Country Club, Baguio City.


First runner-up naman si Ysabella Ysmael at 2nd runner-up si Miss Quezon City Michelle Gumabao.


Ang representante naman ng Bohol na si Pauline Amelinckx ang itinanghal na 3rd runner-up at si Kimberly “Billie” Hakenson ng Cavite ang 4th runner-up.


Bago ang big event, nag-post si Lemonon sa kanyang Instagram Stories ng maikling video kung saan makikita ang paa ng isang babae habang naglalakad na may caption na “Get ready love, tomorrow I will be announcing big news, it’s time to be honest & speak facts.”


Kasunod nito, after ng coronation, post ulit niya sa IG Stories, “(Eye emoji) the truth always comes out (frying pan emoji).


“It’s just about timing (heart emoji),” aniya pa.


“Karma is real soon. Because we deserve justice.”


Ang latest IG Stories post ni Lemonon, “Get your tea.


“Accepting defeat graciously is one of many mark of being a queen. But what you forgot to say is that REAL queens play FAIR don’t CHEAT.”

 
 

ni Lolet Abania | October 25, 2020




Itinanghal na kauna-unahang Miss Universe Philippines 2020 si Rabiya Mateo ng Iloilo City na ipinalabas sa telebisyon ngayong umaga.


Sinimulan ni Filipino-American singer Jessica Sanchez ang opening number habang ang mga kandidata ay rumarampa sa stage sa kanilang glittery dresses.


Si KC Montero ang nagsilbing host sa kauna-unahang Miss Universe pageant sa bansa.

Kabilang sa mga listahan ng judges para sa Miss Universe finals ay sina Presidential Spokesperson Harry Roque, Miss Universe 2012 1st runner up Janine Tugonon, Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida, Cong. Eric Yap at Baguio First Lady Arlene Magalong. Ang iba pang kasamang hurado ay sina Jackie Aquino, Samuel Salonga Versoza Jr., Raymond delos Santos, Venus Navalta at Arthur Peña.


Mula sa 46 na kandidata na sumali, pumili ng 16 na naglaban sa Long Gown at Best of Swimsuit. Ito ay sina Biliran- Skelly Florida, Albay- Paula Ortega, Bohol- Pauline Amelinckx, Aklan- Christelle Abello, Iloilo- Rabiya Mateo, Cebu- Tracy Maureen Perez, Davao City- Alaiza Malinao, Cavite - Billie Hakenson, Cebu province Apriel Smith, Misamis Oriental - Caroline Veronilla, Mandaue- Lou Piczon, Taguig- Sandra Lemonon, Quezon City- Michelle Gumabao, Romblon- Marie Fee Tajaran, Pasig City- Riana Pangindian at Paranaque- Ysabella Ysmael.


Sa 16 na kandidata, nakapili ng 5 ang mga judges at ito ay sina Quezon City- Michele Gumabao, Cavite- Kimberly Hakenson, Bohol- Pauline Amelinckx, Iloilo City - Rabiya Mateo, Paranaque - Ysabella Ysmael.


Matapos ang Question and Answer portion, ang naging Fourth runner-up ay si Miss Cavite, Third runner-up si Miss Bohol, Second runner-up si Miss Quezon City at First runner-up si Miss Paranaque. Ang nanalong kauna-unahang Miss Universe Philippines 2020 ay si Miss Iloilo City Rabiya Mateo.


Samantala, si Miss Batanes Jan Alexis Elcano ang nagwagi ng "Best in Tourism" award sa Miss Universe Philippines 2020 pageant.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 21, 2020




Ang former Miss World 2015 contestant palang si Christelle Abello ang bagong Ginebra San Miguel 2021 Calendar Girl at pumalit kay Sanya Lopez last year.


Ini-launch na kahapon via Zoom mediacon ang 26-year-old na ingleserang model na ang nanay ay taga-Silang, Cavite at ang tatay naman ay taga-Kalibo, Aklan pero tumira at nagtapos sa California, USA ng Bachelor's Degree in Communication kaya napaka-fluent niya sa Ingles.


Pero ang nakakatuwa kay Christelle, kahit lumaki abroad, iminulat daw sila ng kanyang mga magulang sa Filipino values at sinanay silang manood ng mga Pinoy teleserye kaya hindi nila nakalimutang magsalita ng Tagalog.


Bukod sa pagiging beauty queen, pangarap din daw ni Christelle na mag-artista. Kaya tiyak na malaking tulong ang pagiging Calendar Girl niya ngayong 2021 ng GSM para mapansin ng mga TV at movie producers at mabigyan ng big break sa showbiz.


Pinay na Pinay ang beauty ni Christelle kahit may pagka-slang magsalita. At sa ganda ng hubog ng kanyang katawan, tiyak na marami ang magiging interesado sa kanya lalo na 'pag bumalik na sa normal ang takbo ng ating showbiz industry.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page