top of page
Search

RABIYA MATEO


ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | April 16, 2021




Nitong Miyerkules (Abril 14 sa US) ang first public appearance ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa Los Angeles, California, USA nang dumalo siya sa photo shoot ng mga produkto ng O Skin Med Spa na pag-aari ng Pinay beauty guru na si Olivia Quido-Co, na kinuhang official skin care partner para sa 69th edition ng Miss Universe.


Nagkita-kita si Rabiya at ang mga kapwa niya kandidata ng Miss Universe 2020 na sina Miss El Salvador Vanessa Velasquez at Miss Columbia Laura Olascuaga.


Dumating ang mga kandidata kasama ang kanilang mga manager, relatives at kaibigan sa O Skin Med Spa ni Ms. Olivia sa ganap na 6PM (Wednesday) at 9AM ng Huwebes sa Pilipinas.


Ang kilalang Pinay beauty guru ang nag-interview sa mga nabanggit at sobra siyang masaya sa pagdalaw sa kanyang med spa.


“Hi guys, this is something special because my guests today is Miss Universe Philippines and we also have right now Miss Universe Columbia and Miss Universe El Salvador, so I’m excited about this and I will interview them one by one so you can get to know them,” say ni Ms. Olivia.


Kuwento ni Ms. O tungkol kay Laura, “Ms. Columbia came all the way from Bogota, Columbia. She flew in, I picked her up in the airport and then she’s with us now and in three days, she’s gonna go back to Columbia. Can you believe that she only flew for us?”


At ang mensahe nito sa mga tagahanga niya sa Pilipinas, “Hi Philippines, I’m Miss Columbia 2020 and I hope to see you in Miss Universe (pageant night). And to all Columbian people, I hope you’ll be proud of me and I'll do my best for you.”


Si Miss El Salvador ay masayang nagkuwento ng experience niya sa SkinCare Med Spa, “I had the Ms. O luxury facial and it was amazing, I’m so thankful to you, Olivia, for pampering me, really relaxing, really good, since I go through a lot of stress because of the very busy agenda here in L.A. and I’ve been running around since I arrive and then I got here and manage to relax and I fell asleep during my facial. It was so good. And I’m glowing because I used the 24 Carat Gold mask.”


At ang ating Miss Philippines, “I am very happy and honored to be here. Finally, it’s actually my dream to represent the country and it’s really happening. I don’t wanna get emotional, but it’s a mixed of feelings. I am excited, of course, there’s a tinge of pressure added to it. But overall, I’m very happy in this journey. Sa mga kababayan natin, ilalaban natin ito. Pangako ‘yan.”


Apat na araw nang nasa Los Angeles si Rabiya.


“I’ve been here for four days already, but I will be honest, I haven’t adjusted yet to the jet lag. It’s really a struggle. Actually, Ms O, I woke up at 12 AM and I haven’t slept yet.”


Hangang-hanga si Ms. O kay Rabiya dahil hindi halatang puyat at ang ganda-ganda pa rin ng skin nito.


“It’s actually mindset. I’ve been preparing and I really need to rest. I need to respect my body. And right now, unti-unti, I’m gonna have a couple of interviews in the coming days kaya I’m preparing,” say ni Rabiya.


Gaganapin ang 69th Miss Universe beauty pageant sa Florida sa May 16 at May 17 naman sa Pilipinas.

 
 

MISS U


ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | April 12, 2021




Sa ikalawang pagkakataon ay kinuha ulit ang SkinCare & O Skin Med Spa ng CEO at founder na si Ms. Olivia Quido-Co (licensed aesthetician) bilang official skin care sa 69th Miss Universe beauty pageant na gaganapin sa May 16, 2021 (May 17 sa Manila) sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida.


Nauna ang partnership nu’ng Miss Universe 2019 na pinanalunan ni Zozibini Tunzi mula sa South Africa.


Masayang ibinalita ni Ms. Olivia sa ginanap na virtual mediacon ang muling pagkuha sa kanyang serbisyo lalo’t nagdaratingan na sa Estados Unidos ang 80 kandidata mula sa iba’t ibang parte ng mundo.


Sey ni Miss O, “Excited ako roon kasi meron tayong aalagaan na 80 delegates na beauty queens around the world. Tayong mga Filipinos ang mag-aalaga ng beauty queens all over the world.”


Ang Miss U representative ng Pilipinas na si Rabiya Mateo ay kasalukuyang nasa Los Angeles kung saan sila magkikita ni Ms. Olivia para sa pre-pageant activity kasama rin si Ms. El Salvador, Vanessa Velasquez.


Samantala, magkakaroon daw ng live audience sa grand coronation night pero limitado ito sa 25% lang ng capacity venue.


May ticket-selling para sa pageant, at ang mga miyembro ng audience ay iho-hold sa isang bubble sa hotel bago ang grand coronation night.


Kuwento ni Ms. Olivia ay sobrang istrikto ang health protocols na ipapatupad dahil araw-araw ang COVID-19 swab test para sure na safe ang lahat.


“Meron silang tinatawag na COVID-19 protocol na may hinire silang agency, ang Miss Universe, na ite-test kami, lahat kami, ang mga mag-aalaga sa mga delegates for I would say, every day daw ‘yung swab test namin.


"Du’n pa lang, mahigpit na mahigpit na sila because they will place us in a bubble sa hotel.”


Siyempre, natanong si Ms. O kung ano ang nakikita niyang tsansa ni Rabiya sa 79 kandidata at palarin kaya itong maging ika-limang Ms. U ng Pilipinas?


“Meron siyang something about her aura, and meron siyang charm na very relatable. You know, magaling siyang speaker, strong ‘yung story niya. I think those are her edge na malaki ang chance natin sa Miss Universe this year,” paliwanag nito.


Bukod kay Rabiya, ang nakikita raw ni Ms. O na strong contender sa Miss U ngayon ay si Amanda Obdam ng Thailand.


At siyempre, gusto ring makilala ni Miss O at muling makita si Miss Chile Daniela Nicolás dahil isa siya sa mga naging panel of judges sa Miss Chile.


“Excited din ako to meet Miss El Salvador, para siyang Barbie doll, as in literally parang Barbie doll, so I wanna see her in person at si Maria Thattil ng Australia,” dagdag pa ni Ms. O.


Inalala ng California-licensed aesthetician kung paano nagsimula ang partnership niya with Miss Universe nu’ng 2019 when she helped the pageant’s swimsuit competition and shared skin care tips for the candidates.


Ang isa sa mga tumulong kay Ms. Olivia para makilala nang husto ang kanyang SkinCare & O Skin Med Spa ay noong dalhin ni Jonas Gaffud, creative director ng Miss Universe Philippines pageant at kilalang beauty queen maker, ang dating beauty queen na si Venus Raj at dahil naging word of mouth ang magandang serbisyo ay dinagsa na ito ng mga kilalang celebrities ng bansa at mismong mga taga-America na rin.






 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 5, 2021




Kinoronahan bilang first runner-up ang pambato ng Pilipinas sa Miss Eco International pageant na si Kelley Day na ginanap sa Egypt ngayong Lunes nang umaga (PHL time), Abril 5.


Ayon sa ulat, pinahanga ni Kelley ang mga hurado sa naging sagot niya patungkol sa gender equality. Aniya, matatag ang gender equality sa bansa at sa industriyang ginagalawan niya. Gagamitin umano niya ang Miss Eco International upang isulong iyon sa iba pang panig ng mundo.


Sa ginanap na pageant ay siya rin ang itinanghal bilang Best in National Costume.


Napanalunan niya ang titulong Miss Eco Philippines 2019 sa ginanap na Miss World Philippines noong 2019. Matatandaang na-postpone ang kompetisyon dahil sa pandemya.


Si Kelley ay may height na 5’7’’ at isang Filipino-British.


"Congratulations for our winners of Miss Eco International. Our new queen is Gizzelle Mandy Uys and first runner-up Kelley Day from Philippines. Second runner-up is Alexandria Kelly from USA. Congratulations all!” pagbati pa ng Miss Eco International organization sa kanilang Facebook post.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page