top of page
Search
  • BULGAR
  • Apr 30, 2024

News @Balitang Probinsiya | April 30, 2024



Bacolod City — Isang ex-convict ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Brgy. Alijis, sa lungsod na ito.


Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo ay nakilalang si Jay-ar Gamboa, nasa hustong gulang, dating nakulong sa kasong illegal drugs at residente sa naturang lungsod.


Ayon sa ulat, habang naglalakad si Gamboa ay biglang sumulpot ang suspek at agad binaril sa ulo ang biktima.


Agad tumakas ang suspek matapos ang pamamaril habang dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.



 
 
  • BULGAR
  • Apr 30, 2024

News @Balitang Probinsiya | April 30, 2024




Maguindanao del Norte — Isang buntis na drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Capiton, Datu Odin Sinsuat sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala sa pangalang Fatima Ismael, nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na lalawigan.


Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa drug-bust operation ng mga operatiba sa naturang barangay.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga otoridad ng ilang gramo ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at markadong pera sa pag-iingat ng suspek. 


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



 
 

News @Balitang Probinsiya | April 30, 2024



Leyte — Pitong mangingisda ang inaresto ng mga otoridad dahil sa pagsasagawa ng illegal fishing kamakalawa sa karagatang sakop ng bayan ng Hilongos sa lalawigang ito.


Pansamantalang hindi pinangalanan ang mga naarestong suspek habang iniimbestigahan sila ng pulisya. 


Ayon sa ulat, dinakip ng mga otoridad ang mga suspek dahil sa ilegal na pangingisda sa nasabing karagatan.


Hindi naman nanlaban at sumama sa pulisya ang mga nahuling suspek.


Nakapiit na ang mga suspek at sinampahan na sila ng pulisya ng kasong paglabag sa illegal fishing.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page