top of page
FRANKLY - ELLEN, UMAMING 1 YR. NANG WALANG SEX-G _maria.elena.adarna.jpg
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 16, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 16 2026 (Martes): Gamitin mo ang iyong isipan upang yumaman ka, dahil ito ang sikreto ng iyong magandang kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang laman ng isip mo, ‘yun ang mangyayari. Kaya iwasan mong mag-isip ng mga negatibong bagay at masasamang kaisipan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-20-24-28-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi maganda ang ibinubunga ng pagdududa. Maghintay ka muna ng konkretong ebidensya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-12-25-29-35-37.


GEMINI (May 21-June 20) - Panatilihin mong bukas ang iyong komunikasyon sa mga nasa malalayong lugar. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-11-18-23-39-42.


CANCER (June 21-July 22) - Napakalakas ng iyong pandama. Mararamdaman mo ngayon ang tunay na motibo ng iyong mga makakausap. Bukod dito, mararamdaman mo rin na paparating na ang mas maraming suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-14-17-21-25-34.


LEO (July 23-Aug. 22) - Matiyagang naghihintay ang haring araw na maglaho ang makakapal at madidilim na ulap. Huwag kang mainip, dahil tiyak na gaganda rin ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-15-22-24-31-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong basta-basta paniwalaan ang mga magagandang panukalang tila mag-aangat sa iyong buhay. Tandaan na ang mga mandaraya ay kadalasang gumagamit ng mga nakamamanghang salita upang makapanloko. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-19-23-29-32-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makikinabang ka sa mga taong lumalapit sa iyo, kahit pa hindi mo gusto ang ilan sa kanilang mga kilos. Sabihin mo lamang ang iyong kailangan at malaki ang posibilidad na agad mo itong makukuha. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-6-13-26-35-37-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pansamantala lamang ang paghina ng negosyo. Gayunman, kailangan mo pa ring isabuhay ang pagtitipid. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-14-21-25-30.


SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Mabagal ang kilos ng iyong kapalaran, hindi ito nangangahulugan na babagsak ang iyong buhay. Manatili kang positibo sa panahon ng pagtumal ng negosyo, dahil tiyak na muli itong lalakas sa mga susunod na araw. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-16-23-28-31-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang kaya mo, iyon ang ibigay mo. Huwag mong tularan ang mga taong pilit na nagpapasikat kahit na nahihirapan na. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-18-22-29-36-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magdaratingan ang magagandang bagay mula sa malayo, at magpapatuloy naman ang pagdating ng mga ito sa loob ng mahabang panahon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-25-27-33-39.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang iyong kahilingan. Kaya gawin mong simple ang mga salitang gagamitin mo sa paghiling. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-8-15-17-38-40.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 15, 2026



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 15, 2026 (Lunes): Harapin mo ang lahat nang may pag-ibig sa iyong puso. Ito ang sikreto para lumakas ang iyong libido, at para matupad mo ang iyong mga pangarap.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang maganda sa paningin mo, iyon ang magbibigay sa iyo ng sigla. At ang sigla ay lubhang mahalaga upang magkaroon ka ng sapat na lakas para harapin ang mga pagsubok. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-15-28-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magmadali ka at sugurin mo na ang iyong mga ambisyon. Mas maganda kung ang pinakamalaki mong pangarap ang iyong tututukan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-11-17-25-27-33.


GEMINI (May 21-June 20) - Muling nagbalik ang malakas mong gayuma. Kaya mag-ingat ka dahil maaari mong magayuma ang mga taong walang kuwenta. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-14-16-24-32-37.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka nakatitiyak sa tunay na intensyon ng taong nagpapakita sa iyo ng matinding pagtingin. Magkagayunman, may malalaking pakinabang ka pa ring makukuha mula sa kanya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-20-29-31-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pahalagahan ang taong hindi naman nagpapahalaga sa iyo. Mas makabubuting panatilihin sa iyong buhay ang mga taong marunong magpahalaga sa iyong kabaitan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-10-19-22-36-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mula sa maliit na suwerte ay lubhang gaganda ang iyong buhay, sapagkat ang mayabong at mabungang puno ay magmumula sa isang munting buto. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-13-26-30-37-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyo ang araw na ito! Ang ligaya, saya, at tagumpay ay para sa iyo. Huwag mong kaligtaang ibahagi sa mga tumulong sa iyo ang ilan sa mga magagandang biyayang iyong matatanggap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-15-21-25-35-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Papangit ang kapalaran ng mga taong lalaban sa iyo. At aani ng mga negatibong pangyayari ang mga taong naghahangad na ikaw ay mabigo at masaktan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-10-14-29-34-40.


SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Ano ang mangyayari kapag nagbanggaan ang dalawang magkapareho ng lakas? Huwag mo nang pag-isipan nang matagal. Umiwas ka na agad sa mga taong may malakas na puwersa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-16-19-22-28-36.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malaki ang posibilidad na lumabis ang tiwala mo sa iyong sarili dahil may ilang suwerteng darating na hindi mo inaasahan. Ang mga biyayang ito ay magiging napakalaki. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-13-21-26-30-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mabihag ng magandang hitsura at porma. Ang mas mahalagang bigyang-pansin ay ang taong may ambisyon at seryosong magtagumpay sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-12-26-33-39-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Susuwertehin ka ngayon. Huwag mong ubusin agad ang mga biyayang mapapasaiyo. Huwag mo ring kalilimutang magtabi ng ilan, sapagkat ang matitira sa iyong kamay ang magsisilbing pampasuwerte mo sa mga susunod na araw. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-6-11-18-24-39-44.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 14, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 14, 2026 (Linggo): Yayaman ka sa pagnenegosyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Itinutulak ka ng sarili mo na maging mabilis sa lahat ng bagay upang mapasakamay mo ang naggagandahang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-14-27-33-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong sayangin ang kakaibang sigla na sumasaiyo. Mamili ka ng isa sa maraming gusto mong gawin, at ito ang iyong tutukan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-10-18-20-24-37.


GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon ang araw mo! Kaya malaya mong magagawa anumang gusto mo. Kahit pa may kumontra sa iyo, hindi ka pa rin nila mapapabagsak. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-8-11-21-27-35-40.


CANCER (June 21-July 22) - Matatangay ka ng iyong damdamin, at kasabay nito ay liligaya ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-17-23-28-36-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mag-isip ka muna bago mo gawin ang gusto mong gawin. May babala na kapag hindi mo pinag-isipang mabuti ang mga gagawin mo, kabiguan ang puwedeng mapasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-13-20-25-33-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mananalo ka ngayon, pero kailangan mo muna ayusin ang sigalot sa pagitan ninyo ng iyong karelasyon. Kapag okey na kayo, mas tatamis pa ang inyong pagmamahalan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-19-26-29-32-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo, dahil ang ayaw ibigay sa iyo ay makukuha mo na nang madali at pa-easy-easy lang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-18-22-24-31-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mag-alala, dahil ang pag-aalala lang ang gigipit sa iyo. Alam na alam nila na mahina ang katuwiran at dahilan na kanilang kinakapitan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-25-29-36-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nalalanta ang mga bulaklak kahit pa dinidiligan. Hihina ngayon ang mga tuksong gustong sumira ng kapalaran mo kahit pa na sa totoo lang ay kinukunsinti mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-13-20-28-30-32.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Totoo ngayon ang kasabihang, “Aayaw-ayaw pero gusto naman!” Sa katunayan, ang gusto mo ay mapapasaiyo pa rin tulad ng dati na parang ayaw mo sa simula. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-9-11-18-26-35.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sabihin mo nang direkta kung ano ang laman ng puso mo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-17-23-27-37-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong paasahin ang wala namang pag-asa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-16-19-21-31-45.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page