top of page
TALKIES - JOEY KAY ALLAN DU’N KA NA SA IT’S SHOWTIME-IG _angpoetnyo & _allan_klownz.jpg
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 20, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 20, 2026 (Sabado): Dahil sa likas mong kabutihang-loob, magiging mabait din sa iyo ang langit. Kaya patuloy kang pagpapalain at pagkakalooban ng mas marami pang biyaya.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahalaga para sa iyo ang tumulong sa mga nangangailangan sa panahong ito dahil sa ganitong paraan ay matutuwa sa iyo ang langit, at ang iyong malalaking kahilingan ay agad-agad na aaprubahan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-15-20-24-33-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Minamahal ng langit ang mapagmahal sa kapwa dahil ang banal na utos ay nagsasabing mahalin mo ang iyong kapwa. Isabuhay mo ang pagmamahal na ito upang lalo pang dumami ang mga suwerteng mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-17-19-21-26-34.


GEMINI (May 21-June 20) -  Muli, makabubuti sa iyo ang pamamahinga. Maaari ka namang makapagpahinga kahit may ginagawa ka dahil ang pahingang bagay sa iyo ay ang pagpapahinga ng isipan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-18-29-35-42.


CANCER (June 21-July 22) - Mananalo ka! Pero kailangan mong makipagsapalaran. Kahit gaano pa kasuwerte ang isang tao, maaaring hindi niya makuha ang kanyang suwerte kung hindi naman siya kikilos. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-13-23-31-37-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Sundan mo ang iyong pangarap dahil ang taong may pangarap ay higit na pinagpapala kaysa sa taong walang pangarap. Ang pangarap ang pakpak na maghahatid sa masagana at matagumpay na buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-17-21-29-38-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumukupas ang lahat ng bagay sa mundo. Sa ngayon, ibinabalita ng iyong kapalaran na ang iyong kawalan ng gana ay unti-unti nang mawawala. Kaya naman, sasaya at sisigla ka na muli. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-10-12-22-25-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mababaw ang iyong luha ngayon. Ngunit makabubuti ito sa iyo dahil mas mapapalapit ka sa langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-19-27-34-39-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung nasaan ang saya, roon ka. Hindi ka puwedeng masingitan ng kalungkutan. Ang taong masaya ay sinusuwerte dahil ang mga biyaya at magagandang kapalaran ay dumadapo sa mga taong may positibong pananaw sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-16-24-33-38-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahigpit na ipinapayo na igalaw mo ang iyong mga kamay kahit wala kang ginagawa. Ito ang sikreto upang lumapit sa iyo ang mga suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-12-16-32-37-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maghanda ka. Ihanda mo ang iyong sarili dahil ibinabalita ng iyong kapalaran na ang isang malaking suwerte ay malapit nang dumating sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-14-17-20-36-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Itago mo ang lihim na iyong madidiskubre. Hindi magandang katwiran na dahil totoo ang isang bagay ay agad-agad na itong ibubunyag. Muli, itago mo ang lihim na matutuklasan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-18-21-25-31-37.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagmamadaling dumating sa iyong buhay ang ilang magagandang kapalaran na sapat upang madama at masabi mong hindi ka nakakalimutan ng langit. Kaya naman sa araw na ito, kasabay ng pagpatak ng ulan, sunud-sunod na suwerte ang walang tigil na ibubuhos sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-10-15-19-28-35.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 19, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 19, 2026 (Biyernes): Masayang buhay ang para sa iyo. Gayunman, mag-ingat ka, dahil minsan, ang saya ay hadlang din upang magsumikap. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magara ang mangyayari sa iyo ngayong tag-ulan. May mga biglaang regalo kang matatanggap na tila mula sa langit. Kaya ihanda mo ang iyong sarili dahil mas marami pang suwerte ang paparating. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-24-28-35-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung nasaan ka, du’n din darating ang mga suwerte mo. Kaya huwag ka munang umalis-alis. Ipinahihiwatig din nito na hindi ka dapat magpalit ng pinagkakakitaan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-17-20-29-33-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Inaayos pa ng kapalaran ang takbo ng iyong buhay dahil ikaw ay natagpuang sobrang bilis magpasya, na para bang hindi ka gaanong nag-iisip. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-15-26-30-37-41.


CANCER (June 21-July 22) - Mapupuno ka ng saya ngayon at sa darating pang mga araw. Huwag na huwag kang malilibang nang husto, dahil baka makalimutan mo na may mga pangarap ka na kailangan mong tuparin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-16-22-28-31.


LEO (July 23-Aug. 22) - Iyo na ang araw na ito, at ito na ang pagkakataong hinihintay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-19-29-32-38-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Isip ang magdadala sa iyo sa tagumpay, at hindi ang iyong damdamin. Kaya mas makabubuti na lagi mong bitbitin ang talas ng iyong isipan. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-12-27-36-39-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung saan ka masaya, roon ka! Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-13-18-20-24-28.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ganito ang sabi, daig ng maagap ang masipag. Ngunit daig mo ngayon ang maagap at masipag, dahil ang mga suwerte ay dadagsa na sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-21-29-34-37.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakakatuwa ang kapalaran mo dahil ang mga taong may ayaw sa iyo ay biglang magkakagusto sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-16-25-33-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahirap maunawaan ang kapalaran ng isang tao. Tulad mo mismo, madalas ay wala kang bilib sa iyong sarili, ngunit ang langit pala ay hanga sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-14-23-32-39-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo makikita ang hinahanap mo, ngunit ang makikita mo ay ang talagang para sa iyo. Sa huli, mauunawaan mo na mas maganda pala para sa tao na huwag nang maghanap pa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-13-18-20-27-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dinaragdagan ang kulang at binabawasan ang sobra. Pag-aralan mo ngayon ang iyong sarili nang sa gayun ay matukoy mo kung ano ang pinakamaganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-12-25-29-30-41.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 18, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 18, 2026 (Huwebes): Gamitin mo ang kakaibang tapang mo upang ang malalaking tagumpay ay iyong makamit.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magpakatotoo ka sa mga bagay na gusto mo upang ito’y mapasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-19-24-27-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang laman ng isip mo, ‘yun ang gawin mo. Kung maganda ang mga iniisip mo, gaganda rin ang mga kilos mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-18-20-29-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Lakasan mo ang loob mo sa anumang laban mo sa buhay, sapagkat ang kalimitang nabibigo ay ang mga duwag. Ito rin ang pormula upang magtagumpay sa anumang hamon sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-16-21-28-34-40.


CANCER (June 21-July 22) - Ang nagmamataas ay ibinababa, habang ang nagpapakumbaba ay itinataas. Matatalo mo ang umaastang alam niya ang lahat ng bagay. Papanigan ka ng mga taong nasa iyong paligid at pagkatapos nito, malaking suwerte ang iyong makakamit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-12-22-31-37-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang mag-alinlangan at magduda sa iyong sarili. Ilabas mo ang lahat ng kaya mo. Sa ganitong paraan, madaling mapapasaiyo ang tagumpay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-17-26-30-38-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka bibiguin ng iyong talino. Sa katunayan, marami ka nang pinagdaanan at ang talino mo ay nagbigay sa iyo ng paghanga, pagkilala at mga medalya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-21-23-36-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kusang lalapit ang kaaway mo. Dahil naunawaan na niyang hindi siya sasaya kapag patuloy kayong hindi nagkasundo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-13-25-27-35-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mo kailangan manalo, pero kailangan ka ng mga malalapit sa iyo. Sapagkat naniniwala sila na kapag kakampi ka nila, susuwertehin sila at hindi sila matatalo ng kahit na sino. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-29-31-33-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahalaga ang papel na iyong gagampanan dahil ang mga taong matitigas ang ulo ay napapasunod mo. Gamitin mo ngayon ang likas mong husay sa pamumuno upang tuluy-tuloy ang pag-unlad mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-10-17-20-32-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magpakita ng kahinaan, bagkus ay tapang ang iyong ipakita upang lumakas din ang loob nila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-18-21-28-35-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Inspirasyon ang dala mo sa mga nawawalan na ng pag-asa. Ito ang mahalagang bagay na maipagkakaloob mo sa mga tao, kaya patuloy kang kumilos nang kaaya-aya. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-15-22-31-36-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong ipagkatiwala ang mahalagang hiyas sa hindi makapag-iingat nito. Maghintay ng tamang pagkakataon at huwag kang mainip. Gayunman, tiyak na darating ang mapagkakatiwalaan mo nito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-10-16-19-23-38.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page