top of page
TALKIES - JOEY KAY ALLAN DU’N KA NA SA IT’S SHOWTIME-IG _angpoetnyo & _allan_klownz.jpg
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 23, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 23, 2026 (Martes): Sa panahong ito, mabilis ang pagdating sa iyo ng magagandang oportunidad. Kaya bilisan mo rin at huwag kang babagal-bagal.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tutukan mo ang iyong pinagkakakitaan dahil ang mga araw na ito ay masuwerteng araw para sa pagnenegosyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-11-19-31-37-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kakaiba ang saya mo ngayon, na nagsasabing masasagap na ng iyong sarili ang magagandang kapalaran na noon mo pa hiniling sa langit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-16-20-25-29-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hindi makakaporma ang mga lihim at lantad mong kaaway dahil kapag ginawa nila iyon, tiyak na langit mismo ang kanilang makakabangga. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-21-33-36-38.


CANCER (June 21-July 22) - Suwerte ka ngayon at suwerte ka rin sa iba pang mga araw na darating. Para mas lalo kang sumaya, pasayahin mo ang ilang malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-22-30-37-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit wala kang ginagawa, kailangan mo pa ring kumilos. Hindi makakabuti ang kawalan ng aktibidad sa mahabang panahon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-21-24-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dadalawin ka ngayon ng suwerte at kapag nasumpungan ka nito na may positibong pananaw, marami pang suwerte ang darating. Ang mga suwerteng ito ay tiyak na magtatagal, kaya lalo ka pang uunlad at yayaman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-13-23-27-35-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka mabibigo ngayon. Sa katunayan, ayaw ng langit na mabigo ka, kaya kahit may ilang bagay na dapat mong itama, babalewalain muna iyon ng nasa Itaas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-15-20-26-36-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maghanda ka dahil may kahabaang araw ng pamamasyal ang mangyayari sa iyo. Mas maganda na ngayon pa lamang ay tapusin mo na ang mga dapat tapusin. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-1-12-27-31-33-45.


SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Magpapatuloy ang iyong masuwerteng araw. Ipunin mo ang iyong kita upang kapag kinailangan mo na ang puhunan, may magagamit ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-28-30-37-39.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muling magbabalik ang taong nagpasaya sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-16-22-25-34-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Kaya kung gusto mong sumaya, pupuwedeng mangyari iyon, at bukod sa magiging masaya ka, marami pang magagandang kapalaran na may kaugnayan sa materyal na bagay ang darating. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-24-32-35-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasa tabi mo lamang ang iyong mga suwerte na kapag kinailangan mo ay mabilis na darating. Magpasalamat ka lagi sa langit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-17-21-27-37-44.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 22, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 22, 2026 (Lunes): Mananatiling nakasubaybay sa iyo ang langit. Hindi ka Niya pababayaan kahit pa may mga pagkukulang ka.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon na ang panahon para mas tutukan mo ang mga hindi natatapos na gawain. Hindi puwedeng manatiling nakabitin ang mga proyektong mag-aangat sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-18-20-26-32-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi masama ang manghiram. Hiramin mo ang epektibong pormula na magpapaunlad sa buhay ng iyong kakilala. Sa ganitong paraan, uunlad ka rin tulad niya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-13-25-29-38-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Makadarama ka na parang hindi madaling umusad ang mga proyekto. Gayunman, hindi ka dapat maging negatibo. Simpleng sinasabi lamang nito na kailangan mo ang tulong ng iba. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-14-22-30-34-42.


CANCER (June 21-July 22) - Pansinin mo ang nagpapansin sa iyo, dahil kapag nakapasok siya sa iyong buhay, tiyak na makikinabang ka rin sa kanya. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-19-21-27-31-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hihilahin ka pababa ng mga nakadikit sa iyo na noon pa man ay alam mo nang pabigat lamang sa iyong buhay. Kaya kailangan mong gumawa ng paraan upang makalaya sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-15-26-33-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Muling makikitang nagtatalo ang iyong isip. Muli ka na namang nag-aalinlangan kaya maaantala na naman ang iyong pag-abante tungo sa pag-unlad. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-16-20-28-37-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung naguguluhan ang iyong isip, pumunta ka sa lugar na may sariwang hangin. Gawin mo ito kahit pa nag-aalinlangan ka sa payong ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-13-17-27-30-36.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi nabubuhay ang tao nang masaya kung mag-isa lamang siya. Makipagkaibigan ka sa mga bago mong kakilala. Oo, sa pamamagitan ng mga bagong kaibigan at kabiruan, mababago rin ang takbo ng iyong buhay sa ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-14-22-25-32-42.


SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Mahaharap ka sa mga hamon ng iyong kapalaran, ngunit tulad ng dati, mananalo ka dahil sa matinding hangarin mong higit pang paangatin ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-15-21-26-29-34.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumapit ka sa paniniwalang mas mahal ng langit ang mga nagsasakripisyo alang-alang sa kanilang mga mahal sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-18-20-24-38-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tanggapin mo nang maluwag sa loob anumang pagbabagong mangyayari sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-17-23-28-33-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ihanda mo ang iyong sarili sa malaking suwerteng darating. Isabuhay mo ang pagpapahalaga sa mga biyayang kaloob ng langit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-12-25-31-39-45.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 21, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 21, 2026 (Linggo): Nakaatang sa iyong balikat ang pamamahala at pamumuno. Ito mismo ang papel mo sa mundo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Patatatagin ng langit ang iyong kalagayan. Mananatili ka sa itaas upang malaman ng iyong mga lihim at lantad na kaaway na hindi ka basta-basta mapapabagsak ng anumang yugyog at panggugulo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-11-19-25-36-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang iyong kinakain, iyon ang papasok sa katawan mo. Kung sino ang kadikit mo, sila o siya mismo ang magiging bahagi ng iyong pagkatao. Kaya dumikit ka sa mga angat para umangat din ang iyong kalagayan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-17-20-26-34-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Nagmamadaling dumapo sa iyo ang ilang suwerte na hindi mo pinapansin noon, pero dahil talagang para sa iyo ang mga ito, muli silang ipinadala ng langit upang mapasaiyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-16-21-24-30-44.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang magkunwaring malakas. Kahit na sa totoo lang ay mahina ka naman talaga. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-15-23-28-31-35.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nagwawakas ang kailangang magwakas. Kaya bakit ka malulungkot sa mga pagwawakas ng ilang kabanata? Sa halip, ihanda mo ang iyong sarili sa mga bagong simula na magdadala sa iyo sa mas malalaking suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-11-17-25-39-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magmadali ka. Hindi mo puwedeng pairalin ngayon ang nakasanayan mong matagal mag-isip bago kumilos. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-13-22-32-35-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tanggapin mo nang maluwag sa loob ang mga kaganapan sa iyong buhay. At sabihin mo sa iyong sarili ang katangang, “Lilipas din ‘to!” Kailangang mangyari ang mga ito upang mabigyang-daan ang bago at sariwa mong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-14-27-33-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Abala ka sa maraming bagay, kaya kukulangin ka sa konsentrasyon. Mamahinga at mamasyal ka muna, sa ganitong paraan, malalaman mo ang dapat unahin at kung ano ang dapat tutukan nang husto. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-20-29-31-37.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magiging mapalad ka ngayon. May iba pang angat din, pero ikaw ay mas magiging masuwerte at mas aangat kaysa sa kanila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-16-23-26-34-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang payo ng kapalaran mo na nagsasabing alisin muna ang sapin sa paa at lumakad ka nang nakapaa. Kapag nagawa mo ito, ang malaking suwerte ay agad na dadapo sa buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-19-22-24-39-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag naghabol ka, hindi mo makukuha, pero kapag hindi ka naghabol, ikaw ang hahabulin. Kaya ikaw na ang magpasya kung ano ang susunod na mangyayari. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-17-20-25-27-39.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na papalarin ka. Kaya lang, may kondisyon ang langit, hanapin mo ang isa sa pinakamahirap na malapit sa iyo at tulungan mo nang palihim. Dahil palihim kang tumulong, mas malaking suwerte ang biglang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-16-21-28-36-45.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page