top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | May 1, 2025



Photo: Billy Crawford at Nadine Lustre - Masked Singer Pilipinas - IG


Sa nalalapit namang pagbubukas ng third season ng MASKED SINGER sa TV5, uupong judges sina Janno Gibbs, Arthur Nery, Pops Fernandez at Nadine Lustre.


Si Kuys Billy Crawford pa rin ang host nito na sobrang excited sa bagong makakasama niyang mga judges na may kani-kanya nga raw attitude at kakaibang style ng pakikipagbardagulan each time na nanghuhula ng naka-maskarang singer.


“But it never reached naman na nagkapikunan. Bilang magkakaibigan naman talaga kami sa totoong buhay, common occurrence na ‘yung kantiyawan at harutan. Ito nga lang sina Arthur at Nadine ang mga bagets na gets na gets naman ang pagiging nonchalant pero kapag humirit na ng mga opinyon nila, unstoppable na. ‘Yung tipong gusto mo nang pasakan ang mga bibig. Hahaha!” kuwento pa ni Kuys Billy.


Again, ang sponsor nilang resort sa Zambales ay nagpanalo rin sa amin ng 3-night 2-day stay for two. Hahaha! 


Lalo ko ngang minahal si Arthur Nery dahil siya ang pumili sa amin para sa prize. Hahaha!


Next issue ko na itsitsika ‘yung dalawang events na sumunod last Tuesday dahil naging totoo ang kasabihang “It comes in threes,” though actually, more pa nga. Hahaha!



Sa nalalabing ilang araw bago ang eleksiyon sa May 12, tila hindi talaga titigil ang mga kalaban ng ating Star for All Seasons Vilma Santos-Recto sa Batangas na pukulin sila ng mga maling isyu.


Sa bigla ngang pagpapakalat ng ‘fake news’ hinggil sa diumano’y dagdag-buwis na ipatutupad ng gobyerno para sa mga tao, mismong ang Department of Finance (DOF) ang naglabas ng pahayag ukol dito.


Pinabulaanan ng DOF ang lumabas na report na nagsasabing mag-i-impose ng dagdag-taxes o buwis ang gobyerno.


Ipinagdiinan ng DOF na walang pangangailangan para sa karagdagang revenue measures sa panahong ito ang gobyerno dahil sa higit sa sapat nitong fiscal position.

Sinabi mismo ni Sec. Ralph Recto na maayos na nama-manage ng pamahalaan ang ‘finances’ nito at masisigurong ang mga pangangailangan ng publiko ay natutugunan nang walang kailangang mga dagdag na buwis na magpapahirap sa tao.


“Ginagamit ng mga katunggali namin sa pulitika ang usapin. Ayos lang sana kung totoo, pero hindi nga, eh,” sagot sa amin ng mga supporters nina Ate Vi, Luis “Lucky” Manzano at Ryan Christian.


Ratsadang-ratsada kasi ang ganda ng takbo ng kampanya ng mag-iina at tiwala naman sila sa mataas na respeto, paniniwala at pagtitiwala ng mga kababayan nila, pero tama lang na ituwid ang mga maling balita.


“This is not just for us here in Batangas kundi maging sa buong bansa. Kahit kailan ay hindi naging tama ang pagpapakalat ng mali at walang katotohanang info gaya ng ganyan and that needs correction, rectification and clarification. Kahit ang mainstream media ay dapat maging sensitive at aware sa mga ganyan,” dagdag pa ng mga kausap namin.

So there!



NAPAKASUWERTE ng inyong lingkod last Tuesday dahil sa tatlong magkakasunod (pang-apat ‘yung premiere night ng Untold) na showbiz events na aming dinaluhan, aba’y tatlong beses din kaming nanalo sa raffle. Hahaha!


Nauna na riyan ang paglunsad ng 2025 Okada Manila Motorsport Carnivale sa pangunguna ng mga kapwa uragon at champion racer na sina Jomari Yllana at Rikki Dy-Liacco.


Magsisimula ngayong May 4 sa Parañaque City ang event na susundan sa May 30 at June 21-22, na lalahukan ng mga racer from all over the country at mga invited na celebrities. Asahan na raw natin ang intense competition across Super Car, Muscle Car and Vintage Car categories.


Hindi nag-file for re-election si Jom (councilor sa Parañaque) kaya’t mas matututukan daw niya ang mga event na inorganisa nila dahil aniya, “Motorsport is really my love. It has been my passion since I was a kid at kahit noong hindi pa ito legal sa bansa, sumasabak na ako dito. This time, we wanna make sure na muling mailalagay sa mapa ng motorsport world ang Pilipinas.”


In fact, dahil patapos na ang term ni Jom as councilor, nagbiro pa itong mas love niya ang motorsport kesa pulitika. Hahaha!  


At dahil feeling very sporty kami sa mediacon, hayun, nagwagi kami sa raffle ng bonggang Makina watch (bagay sa gold hair namin. Hahaha!) na isa sa mga sponsors ng Motorsport Carnivale event.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 30, 2025



Photo: Michael at Emilio - Unang Hirit


Ay, bongga kung totoo mang may nag-pop-out na ideya na pagsamahin bilang mga bida ang latest Pinoy Big Brother (PBB) evictees na sina Michael Sager at Emilio Daez (MiLi) sa isang sitcom.


Sa tindi kasi ng following nila sa outside world at sa nakitang kabungisngisan nila sa bahay ni Kuya na bumagay sa kanilang talino at pisikal na kaguwapuhan at kaseksihan, keri rin daw ng dalawa ‘yung mga Palibhasa Lalake type of show.


“Or ‘yung talk show na may showbiz at sport, may cooking at iba pang interes. Dahil sa kadaldalan nila at husay magpaliwanag, sure hit sila sa mga ganu’n,” sigaw ng netizen at mga bagong fans ng MiLi.


Well, after nga nilang lumabas sa PBB house last weekend, agad silang napanood sa Unang Hirit (UH) doing cooking at sa It’s Showtime naman ay nagsayaw sila nang may kakulitan.


“Fun to watch, fun to listen to. Sana, bigyan sila ng show na sila ang bida,” hirit pa ng mga fans.


O, hayan, ha? GMA-7 at ABS-CBN, pakinggan natin ‘yan!



“QUOTA na. Ito ang pinakamagandang ginawa n’ya. Bravo, Drew. Mahirap magpalaki ng maraming anak,” ilan lamang ‘yan sa mga papuring nabasa namin tungkol sa pagpapa-vasectomy ni Drew Arellano.


Hindi lang kasi naging tampulan ng tukso ang mag-asawang Drew at Iya Villania nang dahil sa halos taun-taon na pagbubuntis ni Iya. Siyempre, affected din ang kanilang mga respective career, and yes, may usaping pera rin dahil 5 na nga ang sabay-sabay nilang binubuhay.


At ngayong nagpa-vasectomy na nga si Drew, healthy medical way nga naman ‘yun para makontrol na ang pagbubuntis and that’s also very practical dahil sa edad nilang ‘yan, siyempre hindi pa mawawala ang mga loving-loving moments nila.


Kaya naman sinaluduhan ng marami ang mag-asawa lalo na si Drew sa ginawa nilang medical procedure.


Naloka lang nga kami sa ‘inggit comments’ ng ibang netizens dahil kasuwerte naman daw ng mga doktor at nurses na nagsagawa ng operation kay Drew dahil kahit paano raw ay nasilayan nila kung bakit daw umabot sa lima ang mga anak nito kay Iya. Hahahaha!


Nakakaloka!



SA muli namang pagsama ni Coco Martin sa kanyang ‘Tatay’ na si Supremo Lito Lapid last Sunday, April 27, sa motorcade event nila sa Quezon City, dinagsa sila ng mga fans nila sa Batang Quiapo (BQ) at karamihan dito ay mga senior citizens na.


Hindi naman maipagkakailang naging hero na rin ng mga tatay at nanay at lolo at lola si Coco kaya't giliw na giliw siyang makadaupang-palad ang mga ito, together with his ‘Tatay Lito’ o ‘Supremo Lito.’


“Masaya siyempre dahil kahit mainit ang panahon, ang laki ng mga tawa nila at ramdam mo talaga na welcome kami,” pahayag ng Batang Quiapo star-director-producer.


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 29, 2025



Photo: Kathryn Bernardo - PGT, YT


“She’s just a natural, a real person,” reaksiyon naman ng mga supporters ng Pilipinas Got Talent (PGT) tungkol kay Kathryn Bernardo.


Nagkaroon kasi ng moment si Kath na ‘napamura’ on mic habang nagbibigay ng komento sa isang contestant na hinangaan niya.


Siyempre, bawal ‘yung ipakita sa TV kaya na-bleep ito nu’ng finally ay ipinalabas na.


May mga bashing din namang natanggap si Kath, lalo’t ikinumpara kay Donny Pangilinan ang way ng pag-handle niya sa ganu’ng sitwasyon.


Bilang smart and intelligent daw si Donny given his educational background and expertise, mas nakita raw tuloy na composed and poised ito sa parehong sitwasyon.


In fact, parang si Donny pa nga raw ang sumalo sa tila naging ‘sabaw’ na reaksiyon ni Kath, lalo’t nabulol o nataranta ito sa tindi ng emosyon sa hinangaang contestant.


But then again, she’s natural. Eh, sa ganu’n talaga si Kath na nagpakatotoo lang sa naramdaman niya kaya siya napamura.


Siguro, magiging English version lang ‘yung kay Donny if ever mangyari rin ‘yun sa aktor. Hahahaha!


Jackie, nagsalita na…

KYLINE AT KOBE, BUKING NA NAG-LIVE-IN


NAKAKAGULAT malaman na nagkaroon pala ng live-in set-up ang ngayon ay ex-BF-GF nang sina Kyline Alcantara at Kobe Paras. 


Sa mahabang video message ni Jackie Forster, ina ni Kobe, maraming mga katanungan ang biglang sinagot din ng mga tanong.


At dahil nga sa mayroon nang ‘dati o old’ record kumbaga ng hindi kagandahang pagtrato si Kyline sa mga nakakarelasyon niya (ay, naka-ilan na ba siya?), nasa kanya ang burden of proof para maniwala tayong she knows her truth and her truth is the truth. Eme!


Sa deka-dekadang panahon na nakasama, nakilala at naging malapit kong kaibigan ang mga magulang ni Kobe lalo na si Pareng Benjie Paras, hindi ko na kailangang kuwestiyunin ang paraan ng pagpapalaki nila sa kanilang mga anak.


Pasensiya na, iha, ha, pero kahit ako ay hindi ko matatanggap ang sinasabi ng mga kakampi mo na nakilala lang ng sambayanan si Kobe nang dahil sa iyo?


Do your research po, mga friends, dahil between Kyline and Kobe o kahit sa mga naging ‘ex’ ni Kyline, parang mas hamak namang may pangalan na ang mga boys bago pa man sila na-link kay Kyline.


Sa ngayon kasi ay hindi epektibo ang paraan ng GMA-7 ng pagprotekta sa negatibo at hindi magandang imahe ni Kyline.


Parang hindi bagay sa ganitong iskandalo ang kasabihang, “Silence is the best defense” o “Let it die a natural death.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page