top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | May 20, 2025



Photo: Arnell Ignacio - OWWA Overseas Workers Welfare Administration


“Napakasakit,” ang simpleng naisagot sa amin ng mahal nating si Arnell Ignacio matapos nga siyang palitan sa kanyang puwesto bilang OWWA administrator sa ilalim ng Dept. of Migrant Workers.


Sa mga taga-showbiz na kilala ang isang Arnell Ignacio, walang maniniwala sa sinasabing rason ng pagkakatanggal dito na kawalan ng tiwala at pananalig sa kakayahan at talino nito. 


Lalo namang napakaimposible ng diumano’y P1.4 bilyon na halaga na acquisition ng isang property na kinukuwestiyon kay Arnel na hindi raw dumaan sa tamang proseso.


Bilang nasa gobyerno ka at parte ng halos araw-araw na pag-solve ng mga problema ng ating OFWs, sobrang maraming mga mata at tao na nakatutok sa bawat gawain mo, kaya’t mahirap paniwalaan ang sinasabing dahilan.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, masusi na itong pinaiimbestigahan sa ngayon ng DMW at OWWA dahil kung sakali man daw na mayroon pa itong mahuhukay na info, higit ding nakakabahala ang posibleng partisipasyon ng iba pang kawani o mga kasamahan ni Arnell.


Pero bilang nakasama at nakatrabaho na rin namin si kaibigang Arnell, isa kami sa mga makapagpapatunay na isa siyang mabuting tao, may puso kung magtrabaho at tumulong, matapang at may paninindigan.


Nakakalungkot lang talagang malaman na kadalasan, ang mundo ng pulitika at ang pagsisilbi nang wagas ay hindi nagtutugma sa interes ng nakararami.

We still pray for the right justice for Arnell Ignacio.



SINA Ralph de Leon at Charlie Fleming ang nakakuha ng mataas na boto mula sa mga Pinoy Big Brother (PBB) fans/supporters upang muli silang maging official housemates ni Kuya.


Matapos kasi silang ma-evict, nagbukas muli ng ‘wild scheme’ ang show para sa mga Kapamilya at Kapuso artists na posible pang maging Big Winner.


Mula sa Kapamilya, si Ralph ang nakakuha ng pinakamataas na boto edging out Kira Balinger at AC Bonifacio. Pagpapatunay lamang daw na higit na gusto ng mga Kapamilya fan ang hunk model-actor.


Sa Kapuso evicted housemates naman ay nakuha ni Charlie ang pinakamataas na boto laban kina Josh Ford at Ashley Ortega.


Sa muli nilang pagpasok sa loob ng PBB house, mayroon kaya silang strategy na gagawin, lalo’t alam na nila ang mga gusto at hindi gusto ng mga manonood?



MARAMI naman ang naaliw at natuwa sa viral video ni Sarina Hilario, anak ng host-aktor na si Kuys Jhong Hilario na sikat na sikat din sa socmed (social media).


Sa katatapos lang kasing moving-up ceremony ni bagets kung saan nakakuha ito ng ilang awards sa school, tila napagod ito kaya’t napahiga sa magkatabing monoblocks.


Ang nakakaloka pa rito, habang nakatulog si Sarina ay tiyempong nasa portion ng pag-awit ng kanilang moving-up hymn ang mga nagtapos kaya’t sa kanya napokus ang atensiyon.


Nag-viral ang naturang video at balita namang masayang nagising ang bagets na pinapalakpakan at kinagigiliwan ng mga present sa naturang event.


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | May 19, 2025



Photo: Willie Revillame - FB


Hala, grabe naman ang bagong isyu ni Willie Revillame.


Matapos kasing matalo ito sa eleksiyon, may pahayag umano itong nawalan na siya ng gana na tumulong sa kapwa o mga nangangailangan gaya ng kanyang gawain dati.


If ever mang totoo ngang tila nanunumbat o naniningil kumbaga ang TV host dahil parang inaasahan niyang iboboto siya ng mga taong kanyang pinasasaya sa TV man o mga nabibigyan niya ng tulong, lumalabas palang hindi siya sincere sa kanyang gawain.

Na naghihintay pala siya ng kapalit sa huli porke nais niyang magkaroon pa ng power thru politics?


Tsk, tsk... lalo yata niyang naipakita sa madla ang kanyang totoong pagkatao na porke tumulong ka ay dapat ka ring makatanggap ng pabor sa huli?


Tila hindi lang ang anger management issue ang dapat i-address ni Willie if ever mang totoo ngang may ganyan siyang pahayag.


Sa nakikitang imahe niya sa ngayon, ayon na rin sa kanyang mga salita at gawain, lumalabas ngang “put on” o hindi pala tunay ang kanyang adbokasiya na makatulong at magpasaya?

Tsk, tsk, tsk... ‘yun ang nakikita ng mga tao sa kanya, kaya siguro natalo siya.



IPINASILIP naman ng veteran actress-singer na si Vina Morales ang kanyang recording para sa theme song ng pagbibidahang serye na Cruz vs. Cruz (CVC).


Sa kanyang Instagram (IG) post, sinabi ni Vina na grateful siya sa GMA Network at excited siyang muling mapakinggan ng mga Kapuso ang kanyang boses tuwing hapon.


Bukod diyan, malapit na ring mapanood ang pagbabalik-teleserye ni Vina.

Star-studded ang cast ng CVC kung saan makakasama ni Vina sina Gladys Reyes, Neil Ryan Sese, Kristoffer Martin, Pancho Magno, Lexi Gonzales, Gilleth Sandico, Elijah Alejo, Caprice Cayetano, at Cassy Lavarias.

Abangan ‘yan soon on GMA Afternoon Prime.



MATAPOS naman ang kanyang Pinoy Big Brother (PBB) journey, tuluy-tuloy ang mga guestings at projects ng Sparkle artist na si Michael Sager. Ilan dito ang pagiging Unang Hirit (UH) host-mate na nagpapasigla sa morning barkada at ang pagpapasaya sa tanghalian kasama ang TikToClock.


Nitong nakaraan naman ay nag-post ang Sparkle ng isang throwback video sa kanyang PBB Journey, kung saan nagpakita ng suporta ang kanyang mga fans. 


Sey ng ilang netizen, “The Big Winner we never had.”

Bumubuhos ang suporta ng mga fans, hindi lang sa kanya kundi sa duo nila ni Emilio Daez.


Samantala, nakaabang naman ang mga fans sa iba pang upcoming projects ni Michael, isa na rito ang muli nilang pagtatambal ni Jillian Ward. 


Sey ng isang netizen, “Basta kami MicJill lang wait namin another project nila.”

Ano pa nga kaya ang mga pasabog ni Michael ngayong 2025?



 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | May 18, 2025



Photo: Robin Padilla - IG


Nakakaloka pa rin ang mga tsikahan sa katatapos na eleksiyon.

Kahit hindi naman kandidato si Sen. Robin Padilla, nadadamay at laging nababanggit ang name nito.


May mga netizens na nagsasabing ‘nagising’ na nga raw ang madlang pipol at nagpapasalamat kay Binoe dahil anila, “Ayaw na naming makakita ng mga gaya niya sa Senado.”


Gaya nina Willie Revillame at Phillip Salvador, Jimmy Bondoc, Bong Revilla at ang nanalo uling si Sen. Lito Lapid, grabe ang pang-aalipusta ng mga ‘new breed of voters’ sa mga gaya nila.


Kaya naman hindi rin nakakagulat ang mga naglalabasang ‘mga resibo’ sa mga accomplishments (mga naipasang batas) na nagawa lalo na nina Bong at Lito na

masarap isampal sa mga kumukuwestiyon.


‘Yun nga lang, marami pa rin ang naghahanap ng mga ‘nagawa’ naman ni Sen. Robin?



Ano raw kaya ang masasabi rito ng anak ni Robin Padilla na si Kylie Padilla, na ang ex-husband namang si Aljur Abrenica ay ‘Lotlot’ din sa pagka-konsehal sa Pampanga?


Hmmm… knowing Kylie, hindi rin siguro siya ‘yung tipo na basta na lang magsasalita, lalo’t kontrobersiyal na pulitiko ang kanyang ama.


Pero pagdating sa TV project, naku, tiyak naman kaming may ipagmamalaki si Kylie, gaya na lang ng nalalapit na reunion nila ni Jak Roberto sa GMA Afternoon Prime series na My Father’s Wife (MFW).


Nagkasama na ang dalawa noong 2022 sa Bolera kung saan isa si Jak sa mga leading men ni Kylie. This time, mas mature na ang kanilang roles sa MFW

Sey nga ni Jak, “Happy ako na maka-work ulit si Kylie kasi I worked with her na, ‘di na namin kailangang mag-adjust sa isa’t isa.”


Lalo rin daw dapat abangan ang serye dahil sa unique role ni Kylie. 

Pagmamalaki ni Jak, “Excited ako for her kasi parang ngayon n’ya lang din gagawin itong character na ‘to. Grabe! Abangan ninyo, guys, sobrang nakaka-excite.



AY, gaano naman kaya ka-true ang tsismis na napakabongga umano ng nakuha o ibinigay na talent fee (TF) kay Yassi Pressman mula sa partylist na Bicol Saro? 


Although hindi ito gaanong namayagpag sa boto, mukhang may makukuha raw itong isang upuan sa Kongreso.


Ayon sa mga ka-Marites naming mga uragon sa Bicol, tila madaragdagan daw ang mga properties ni Yassi sa ilang lugar sa Camarines Sur nang dahil sa endorsement ng aktres. 


Siyempre, may cash incentive pa ‘yung kasama lalo’t kinarir daw ni Yassi ang pagsasalita ng Bicol dialect kahit nabubulol ito.


At dahil malaking bagay na kasa-kasama siya ng kanyang BF na si Luigi Villafuerte, pati na ng kapatid nitong si Migz sa pangangampanya ng mga ito para sa pagka-congressman (2nd and 5th district respectively) at pagka-gobernador naman ng ama nitong si Lray Villafuerte, iba pa raw ang bonus package na ibinigay sa maganda at seksing aktres.


Dedma nga lang daw ang mag-aamang Villafuerte sa usaping ‘dynasty’ lalo’t lahat sila ay nanalo sa eleksiyon. Kahit nga raw si dating VP Leni Robredo ay hindi nangahas lumaban bilang governor ng CamSur dahil baka raw mangamote ito sa mga Villafuerte kaya’t ang pagiging city mayor ng Naga ang kinarir nito. 


Pero ayon naman sa mga kaalyado ni Mayor-elect Leni, hindi rin naman nakakahiya ang botong nakuha ng ipinantapat nila kay Gov. Lray dahil ilang libo lang ang inilamang ng huli sa kalaban.


Sa mga hindi rin nakakaalam, asawa ni Migz ang dating Bb. Pilipinas-Universe 2017 na si Rachel Peters. Happily married sila kasama ang kanilang mga anak.


Kaya huwag daw po tayong magtaka o magulat if very soon ay maging pulitiko na rin si Yassi ng naturang probinsiya, lalo’t wagas ang public display of affection nila ni Luigi, may kampanya man o wala.


Oh, ‘di ba, pa-cha-cha-cha-cha lang din ng mga posisyon ang Villafuertes — from governor to congressman and vice-versa.


Naging kaalyado nila si Marco Gumabao na pinatakbo nila sa 4th District ng CamSur, pero natalo nga.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page