top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Feb. 26, 2025




“Fake news!” ang paglalarawan ni Mommy Min Bernardo o mas kilala bilang nanay ng Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo sa kumakalat na issue ngayong nagkabalikan na ang anak at si Daniel Padilla.


Kasabay ng pagkaalarma, nagpaalala ang ina ni Kathryn tungkol sa mga “fake news” na iniuugnay sa anak.  


Sabi ni Mommy Min, walang basehan o pekeng impormasyon ang diumano'y nagkabalikan si Kathryn at ang ex-boyfriend na si Daniel Padilla.  


Matatandaang noong February 23, 2025 nang i-post ng controversial internet personality na si Xian Gaza sa kanyang Facebook (FB) page na magkaibigan na lang daw sina Kathryn at Alden Richards, ang noo’y masugid at napapabalitang manliligaw ng aktres habang ginagawa nila ang Hello, Love, Again.  


Noong araw ding iyon ay agad naglabas ng pahayag si Mommy Min na wala itong basehan.  


Nang hingan ng mensahe si Mommy Min para sa mga fans ni Kathryn, ito ang malamang sagot niya, “I know them very well. ‘Wag kayong masyado maniniwala sa mga fake news.”  


Tila ayaw pumayag ni Min na kani-kanya na ng landas ang anak at si Alden.  

Samantala, komento ng mga netizens, mas dapat paniwalaan si Mommy Min kesa sa mga unverified information na ipinapakalat ng iba na wala naman daw basehan.  


Huling namataan sa publiko sina Daniel at Kathryn na magkasama onstage sa ABS-CBN Christmas Special at Asia Artist Awards noong December 2023.  


At dahil dito, marami sa mga fans nina Kathryn at Alden ang nagpahayag ng pag-asang nagkakamabutihan na nga ang dalawa dahil after HLA success, hindi na nakitang magkasama ang KathDen.  


Marami ring nakakapansin na hindi pa nasisilayan sina Kathryn at Alden na magkasama nitong pagpasok ng 2025.  


Sa Showbiz Now Na! noong Enero 2025, natalakay sa vlog ni Cristy Fermin na diumano’y “nagdededmahan” na lang sina Alden at Kathryn.  


Kapansin-pansin na hindi na raw malapit ang dalawa kumpara noong kasagsagang ipinapalabas sa mga sinehan ang pelikula nilang HLA na bawat lugar na kanilang puntahan dahil sa promo ng movie ay sweet na sweet sila.  


Sabay may disclaimer si Tita Cristy na hindi raw niya alam kung baka naman may personal na pag-uusap ang dalawa na ipahinga muna ang kanilang labtim?  


Sa vlog naman ni Ogie Diaz noong February 8, sinabi nito na huminto na umano si Alden sa panliligaw kay Kathryn. Sinundan pa nito na nagkabalikan na ang mag-ex?  

Hindi nagbigay ng ibang detalye si Ogie Diaz sa paghinto ni Alden sa panunuyo sa aktres.  



NAG-POST si Mavy Legaspi ng kanyang mensahe sa mga taong walang tiwala sa kanyang hosting skills. Pero gagawin daw niya ang lahat ng kanyang makakaya.  


Si Mavy ang dagdag na co-host ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) kung saan binansagan siyang “Kapuso Royal Tropa ni Kuya.”


Tiwala naman si Mavy na magagampanan niya ang bagong journey ng kanyang hosting career. Sey niya: “Thank you for all the love & support, guys. It’s honestly so overwhelming.  


“I’ll do my very best. I’ll take any constructive criticism moving forward and utilize it to become a better host.  


“All the extra noise is just unnecessary, I suggest you keep it to yourself ‘cause it doesn’t work on me.  

“All love. Love, your newest PBB Host, Maverick.”


Sa kanyang IG Stories noong February 21, 2025, sunud-sunod na ibinahagi ni Mavy kung gaano siya nagagalak na mapasama sa sikat na reality show. Dahil sa pagmamalaki na kasama siya sa isang dekada nang show, agad niyang ipinost ang larawan niyang kuha sa pictorial para sa programa.  


Sa kanyang caption, sabi ni Mavy, hindi niya bibiguin ang pamunuan ng PBB na nagtiwala sa kanya.  


Aniya, “Thank you, Lord! I can’t wait to meet the housemates. Can’t wait to learn from the amazing PBB hosts. I won't let any of you down. Ready to host.”

Kasunod nito ang larawan nila ni Alexa Ilacad na magiging “partner in crime” niya sa show.  


Sabi ng Kapuso TV host-actor, “Forgot to mention my partner in crime as a PBB host!  

“Alexa Ilacad we finally get to work together!! Let's do this!”

Bongga!


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Feb. 25, 2025




Ikinagulat ng aktor na si Baron Geisler ang kanyang kumalat na mugshot na kuha umano sa isang police station sa Mandaue City, Cebu nitong Linggo, February 23, 2025.


Inaresto at ikinulong pansamantala ang actor dahil sa pagwawala nang malasing.  

Sa kanyang Facebook (FB) ngayong Lunes, February 24, nagpaliwanag si Baron tungkol sa kanyang pagkaaresto.


Inalmahan ni Baron ang mga ulat mula sa ilang news outlets na wala umanong beripikasyon.  


“Irresponsible journalism” daw ang pagpapakalat ng “misinformation” tungkol sa nangyari sa kanya.


Pahayag ng actor, “Breaking my silence. There’s a lot of misinformation circulating, especially from news outlets that failed to verify the facts before reporting.

“Irresponsible journalism has blown things out of proportion, creating unnecessary confusion.


“I want to make it clear—I’m okay, and I’m seeking legal advice to address this properly.

“To those who continue to stand by me, thank you. Your support means everything. #TruthMatters #Grateful.”


Ayon pa kay Baron, nang kumalat ang mugshot niya sa FB nitong nagdaang araw, ilang netizens ang nag-akalang fake news ito.  


Ayon sa post ng isang netizen, flooded na umano ang kanyang Facebook feed ng shared photos ni Baron na naaresto. Akala ng netizen, fake news ito dahil may post pa raw ang aktor sa Instagram (IG) Story kasama ang misis nito.


Hanggang sa ilang news outlets na sa Cebu ang naglabas ng balita tungkol sa pag-aresto kay Baron.


Ayon sa ulat ng Cebu Daily News, naaresto raw si Baron bandang alas-3:50 ng madaling-araw noong Sabado, February 22, dahil sa “drunkenness”.

Ilang oras daw nanatili sa Canduman Police station ang actor na isa sa mga bida ng seryeng Incognito


Ayon naman sa ulat ng iFM 93.9 Cebu, sinabi ni Police Col. Mercy Villaro, ang Public Information officer ng Mandaue City Police Station, kasama raw ni Baron ang kanyang in-laws na nag-iinuman sa kanilang tahanan.


Habang nag-iinuman ay bigla na lamang daw may ibinalibag si Baron, kaya nagpatawag ng pulis ang kanyang in-laws. Bagama’t wala raw nadamay o nasaktan sa nasabing kaguluhan, inaresto pa rin si Baron dahil sa gulo at ilang oras ding na-detain sa Mandaue Police headquarters.


Nakalabas naman daw si Baron matapos magbayad ng penalty, na nagkakahalaga ng P500, dahil sa paglabag sa City Ordinance 11-2008-434 (drunkenness).



Noong February 21, kinumpirma ng ABS-CBN na handang-handa na ang network sa pagbabalik ng Pilipinas Got Talent (PGT) Season 7. Sa pagbabalik ng reality-search contest, kasama sina Robi Domingo at Melai Cantiveros bilang mga hosts.  


Bilang mga judges ng programa, magsasama for the first time sina Kathryn Bernardo at Donny Pangilinan, at ang bubuo ng apat na judges ay sina Eugene Domingo at Freddie “FMG” Garcia, na dating president ng ABS-CBN mula 1997 hanggang 2003.


Sa Instagram (IG) nitong Sabado, February 22, 2025, excited na nag-post si Robi ng mga larawan at video na kuha sa photo shoot at taping ng PGT Season 7.  


Proud si Robi sa pagsasama nina Kathryn at Donny at masaya niyang ibinahagi ang behind-the-scene photos at video.  


Isang karangalan para sa kanya na maging bahagi ng PGT, na dati ay pinapanood lang niya.


Ang excitement ni Robi ang dahilan para i-bash siya ng mga fans ni Belle Mariano, kalabtim ni Donny. Sa comments section ng post ni Robi, isang netizen ang nagkomento na may tonong pagbabanta sa TV host.


Kung saka-sakali man daw na pagtambalin sina Kathryn at Donny sa show, sisiguraduhin daw ng netizen na maba-bash nang husto si Robi ng mga tagahanga ng DonBelle—ang bansag sa love team nina Donny at Belle Mariano.


Kaya naman, usap-usapan agad sa online ang posibleng pagpapareha kina Kathryn at Donny sa mga paparating na shows ng Kapamilya matapos silang ipakilala bilang mga bagong judges ng PGT.  


Matatandaang umugong ang tsismis noon sa napabalitang panliligaw diumano ng aktor kay Kathryn matapos maghiwalay ang aktres at ang long-time boyfriend nitong si Daniel Padilla. Matatandaang sinabi rin ni Donny sa panayam na si Kathryn ang gusto niyang makasama, kaya’t ikinabahala ito ng mga fans ni Belle.  


Kaya naman naaalarma ang DonBelle supporters na kung saka-sakaling ipareha si Donny kay Kathryn, paano na ang ka-love team nitong si Belle?


Pero ayon naman sa bulung-bulungan, baka ipareha raw si Belle kay Robbie Jaworski, na bagong winelkam na talent sa Star Magic late last year.  


Tahimik ang kampo ng Star Magic tungkol sa espekulasyong magkakaroon ng mga pagbabago sa mga Kapamilya love teams this 2025, gaya ng Kathryn-Donny o Belle-Robbie.

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Feb. 16, 2025





Paniwala ng mga netizens, ang dating Azkals player na si Aly Borromeo ang mystery Valentine date ni KC Concepcion nu’ng February 14, 2025. Ito’y matapos magbahagi si Aly ng larawan niyang may ka-date nu’ng mismong V-Day.


Nag-post si Aly sa Instagram ng larawan niyang may kasamang babae pero tinakpan niya ang face ng girl ng emoji. 


Ganunpaman, maraming nag-isip na si KC ito dahil kahit naka-pony tail ang girl, kahugis nito ang mukha ng panganay na anak ni Sharon Cuneta.


Bago nag-August 2, 2024, nagpahiwatig si KC na magkasama sila ni Aly sa Paris base sa Instagram Story ng aktres. Kita roon ang cropped photo ni Aly.  

October 7 naman nang ibahagi ni KC ang pagdalo niya sa Azkals Celebrity Cup, kung saan kabilang si Aly sa mga manlalaro.  


Maliban dito, wala nang direktang pahayag si KC sa estado ng kanyang love life sa ngayon makaraan niyang mahiwalay sa Filipino-Swiss bank manager na si Mike Wuethrich.  


Nang tanungin si Megastar Sharon Cuneta tungkol sa sinasabing pagbabalikan nina KC at Aly, ang tanging sagot nito, “I think we should ask KC. She's old na, eh.” 


Tikom ang bibig ng Megastar patungkol sa anak dahil baka magkaroon ulit ng isyu sa pagitan nila ni KC. Ayaw lang ni Sharon na panghimasukan ang personal na buhay ng anak kaya’t hindi siya makapagsalita na walang pahintulot ni KC.  


Ayon pa kay Megastar tungkol kay KC, “We’ve talked. I don’t want to betray her trust naman. She’s a full-fledged adult. You can ask her, she’d be happy to tell you.

“But I don’t think it’s my place to talk about her personal stuff,” pag-iwas pa ni Megastar Sharon Cuneta.


Sa wakas, nakamit din ng singer-comedienne na si K Brosas ang hustisya sa mahigit tatlong taon nitong court battle laban sa dating house contractor na nang-abandona sa ipinagagawa niyang bahay.


Ayon kay K, mahigit-kumulang P7 milyon ang halagang pinag-usapan nila ng kontraktor para maipatayo ang kanyang ‘dream house’, pero hindi natupad.  


Matatandaang noong September, 2021, sa isang panayam, sinabi ni K na nalulungkot siya dahil malaking pera na ang naibigay niya sa contractor, at kung tutuusin, nakumpleto na niya ang pambayad na P7M, pero hindi tumupad ang contractor sa kanilang kasunduan.  


Kaya nagsampa si K ng kaso sa korte noong September 10, 2021 at lumabas naman ang desisyon nitong February 13, 2025.  


Sa kanyang Instagram (IG) nitong nagdaang araw, ani K, itinuturing niya itong “one great Valentine’s gift” para sa kanya at sa lahat ng mga ‘naloko’.  

“Convicted (but not yet final), finally,” kasunod nitong post.  


Dagdag niya, “Ilang taong paghihintay at pagpapasensiya na may halong stress at anxiety, pero mabait ang Panginoon. nanaig ang katotohanan.


“Hindi ako matatakot at mapapagod ipaglaban kung ano ang tama.  

“Sa lahat ng mga nagdasal (kasama na rin ang mga hindi naniwala), mahal na mahal ko kayo.


“This is one great Valentine’s gift! Panalo ito ng lahat ng mga naloko! lablablab!!!!”

Noong September 2021, ibinahagi ni K sa kanyang social media ang kalbaryo niya sa ipinapagawang bahay, kung saan nabanggit nga ni K na galing sa kanyang dugo’t pawis ang perang inipon niya para maipagawa ang kanyang dream house at hindi na mangupahan pa sa condo o townhouse.


May mga tao raw siyang nilapitan pero hindi tumugon sa kanya.  

Aniya, “Ilang beses akong nakiusap, umiyak, at humingi ng tulong, pero wala pa ring nangyari.


“Alam lahat ng kaibigan ko kung ilang beses na akong nag-breakdown, napadalas uli ang anxiety attacks ko dahil sa sobrang stress.  


“Masaya ako lagi sa trabaho ko pero lingid sa kaalaman ng iba, ‘pag hindi nakaharap sa camera, grabe ang bigat at depression ko dahil sa pangarap kong bahay na para rin sa anak ko.” 


Kaya naman todo-pasalamat si K sa kanyang mga abogado na tumulong sa kanya na makamit ang hustisya.  

“Salamat, Sales and Valderrama Law Office, lalo na kay Atty. Charlotte! Today, justice prevailed. Thank you, Lord!” masaya niyang mensahe.  



 
 
RECOMMENDED
bottom of page