ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Oct. 25, 2024
Photo: Piolo Pascual at Vic Sotto - The Kingdom
Ini-request pala ni Vic Sotto sa direktor na si Mike Tuviera na kung hindi si Piolo Pascual ang kanyang makakasama sa pelikula ay hindi niya tatanggapin ang mahalagang role sa The Kingdom (TK), ang isa sa sampung opisyal na kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) na mag-uumpisa sa Disyembre 25, 2024.
Ito ang kauna-unahang pelikulang pinagsamahan nina Vic at Piolo. Co-production venture ito ng APT Entertainment, MQuest Ventures, at M-Zet Productions.
Sa panayam kay Vic, sinabi rin niya na isang magandang karanasan para sa kanya ang makatrabaho si Piolo sa isang proyekto.
Sey ni Bossing, “Working with a professional like Piolo is a very good experience for me. Nu’ng in-offer sa ‘kin ‘yung project at nalaman ko na si Piolo ang makakasama ko, I was very excited about it.”
Nu’ng una, ayaw n’yang maniwala na magkakatotoo ang Vic-Piolo tandem sa isang movie.
“Kasi, parang hindi totoo, eh. ABS-CBN talent s’ya and I was with GMA-7, TV5, and other networks. So, parang, paano kami magkakatrabaho?
“Pero fortunately and luckily, nagkasama kami. It’s a good thing, exciting,” ani Vic.
Pero sa kabila ng kanyang mga papuri kay Piolo, isiniwalat ni Vic na hindi sila personal na nag-uusap o nagkakaroon ng bonding moments sa set ng TK dahil sa conflict ng mga karakter na kanilang ginagampanan.
Paliwanag ni Vic, “Hindi puwede, eh. If you watch the movie, hindi kami magkaibigan. So, ako talaga, I tried staying away.
“Iba kasi ‘yung best friend mo, tapos ganito ang eksena, ang hirap.
“Mas believable ‘yung eksena na first time kaming magkikita, may drama sa likod ng buhay n’ya, may drama sa likod ng buhay ko, magkikita kami, mas effective.
“But we are friends, hindi lang kami nagba-bonding.”
Masayang-masaya si John Bryan Diamante, ang executive producer ng Uninvited matapos ianunsiyo na kasama sa Final 10 entries ang kanilang pelikula para sa ika-50th year ng Metro Manila Film Festival (MMFF) nitong nakaraang Martes, Oktubre 22, 2024, kung saa’y ginanap ang announcement sa The Podium, Mandaluyong City.
Ang Uninvited ay pagbibidahan nina Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre produced by Mentorque Productions na siya ring producer ng Mallari last MMFF 2023 starring Piolo Pascual.
Makakasama rin sa movie sina Tirso Cruz III, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Elijah Canlas, Gabby Padilla, RK Bagatsing, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Cholo Barretto, at Ron Angeles.
Kung susumahin daw ang talent ng buong cast, 'di bababa sa P50-M ang production cost at sang-ayon dito ang producer ng Mentorque na si Sir Bryan.
“Pinakamahal po na casting! But we’re very, very happy. Malaki ring tulong sa… when you know you’re really working with a lot of professionals, at saka ibang klase ‘pag pinanood mo sila during the shooting.”
Dagdag nito, “Sa ‘kin po kasi talaga, sa mahal ng bayad sa sinehan ngayon, parang people should be compelled to go to the cinemas. ‘Ano ‘yung worth ng pera ko?’
“And I think du’n kami dapat mag-risk na mga producers. Masaya kami na naibalik ‘yun — (gaya raw ng siksik, liglig, at umaapaw na eksena sa Mallari).
“And I’m so happy na talagang nag-accept uli ang Warner Brothers, iro-roll over namin dito. Kasi I think, the Filipino audience deserves something worth their hard-earned money.
“So, sa artista pa lang, hindi kami nag-atubili. Kung mapapansin n’yo po, tatlong malalaking direktor ng kasalukuyang henerasyon ang nagtrabaho together — Dan Villegas, Antoinette Jadaone, and Irene Villamor.
“Sobrang galing! So I think, ito, masasabi namin na ayaw naming manghinayang ‘yung Pinoy ‘pag pumunta sa sinehan.
“So, ‘yun siguro ‘yung risk talaga ng mga producers ngayon. And if you will see, the lineup of the 10 [MMFF 2024 entries], parang wala namang itulak-kabigin!”