top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Oct. 18, 2024



Photo: It’s Showtime / Instagram


Sa darating na October 21, umpisa na ng week-long Magpasikat 2024 sa lahat ng bumubuo ng It’s Showtime (IS) family na pinangungunahan ng Unkabogable Superstar na si Vice Ganda at nina Vhong Navarro, Anne Curtis, Karylle, Jugs and Teddy, Darren Espanto, Ogie Alcasid atbp..


Dahil sa nalalapit nang pagpapakita ng kanilang production number (na binubuo ng limang grupo), excited na ang singer-songwriter at IS host na si Ogie sa Magpasikat 2024.


Ang Magpasikat ang pinaka-highlight ng anibersaryo ng noontime show tuwing buwan ng Oktubre.


Ito rin ang pinakaaabangang showdown ngayong ika-15 anibersaryo ng Kapuso noontime show.


Ang team ni Ogie ay kinabibilangan nina Kim Chiu, MC at Lassy.

Sa launching ni Ogie ng bago niyang endorsement, inusisa ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa paghahanda nila para sa kanilang Magpasikat number.


Aniya, “Okey naman. Kahapon, hindi ako naka-rehearse kasi may sakit ako kahapon.

“Nu’ng last rehearsal namin, I think it was Saturday or Friday, we were very happy.” Naitanong sa OPM icon kung kabisado na nila ang inihandang pasikat number? 

Sey nito, “Hindi pa. Getting there, getting there. Alam n’yo naman sa ‘min, ang daming parinigan, ‘pag magkakasama kami.


“And it’s... ang ganda, ang ganda ng spirit of competitiveness, spirit of everybody trying to outdo each other. At the end of the day, siyempre, isang pamilya kami.

“So, it brings out the best in us. Kaya ako, I’m very, very excited.”


Sinabi pa ni Ogie na pasikreto ang kanilang ginagawang rehearsals. Inamin niyang nagtataguan sila during rehearsals, “Oh, yeah, even rehearsals.”


Sa taunang Magpasikat, mas natututo raw silang mag-express ng kanilang nais iparating sa madlang pipol.


Dagdag niya, “Ako personally, ang experience ko every time, most especially this year, is that natututo ako. Natututo ako as a performer, on how I can even express the art more.

“In a way, that’s exciting. In a way, na hindi puchu-puchu lang.”

At sumasabay daw siya sa mas bata sa kanya.


Aniya, “Iba ‘yung utak nila, iba ‘yung energy nila. Ang sarap sa pakiramdam as a performer, as a host. Although napakahirap, getting... ang mahal, getting support.”


Rebelasyon pa ni Ogie, sila ang bahala sa lahat, sa konsepto, gastos, hitsura ng stage, at kung anu-ano pa sa kanilang nakatokang performance.


“Para kang nasa college, alam mo ‘yun? Nandu’n ‘yung resourcefulness, nandu’n ‘yung networking,” pahayag ni Ogie Alcasid.

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Oct. 9, 2024



Showbiz news

Photo: Willie Revillame nag-file ng kanyang candidacy - COMELEC


Marami ang ginulat ng Tutok To Win host na si Willie Revillame nang ituloy nito ang unang naging desisyon na tumakbo sa pagka-senador sa upcoming 2025 midterm elections.


Sa last day ng filing ng Certificate of Candidacy at bago pa ito tuluyang nagsara, sumulpot sa Manila Hotel ang TV host at nag-file ng kanyang COC sa Comelec.


Una na kasing napabalita na hindi na itutuloy ni Willie ang pagpasok sa pulitika dahil masaya na raw ito sa kanyang pagbabalik-telebisyon via Tutok To Win sa TV5.


Ngunit sa artikulo ring lumabas sa PEP.ph kahapon na isinulat ni Jojo Gabinete, sinabi nga nito na sa ganap na 1:30 nang hapon, nakapagdesisyon na si Willie na ituloy ang pagtakbong senador.


"I have mixed emotions," pahayag daw ni Willie habang pinipirmahan ang kanyang COC.

Dagdag nito, “Hindi ito alam ng mga anak ko, ‘di ito alam ng mga kamag-anak ko. Ginagawa ko ito hindi para sa sarili ko.


“Gagawin ko ito para sa mga kababayan natin na akala nila, wala nang pag-asa. Akala nila, puro pangako lang.


“Tutuparin natin lahat,” ang binitawan umanong pangako ni Willie.

Muli ring iginiit ng TV host na, “Ako, wala na akong kailangan sa buhay. Gusto ko lang, gumawa ng kabutihan sa ating mga kababayan, sa mga kapus-palad.”


Pinag-isipan at pinag-aralan daw niyang mabuti ang malaking hakbang na gagawin sa kanyang buhay.  


“Kung ako ay pagkakalooban ng Diyos na mabigyan ng pagkakataon, ‘wag kayong mag-alala, wala sa isip ko, wala sa bokabularyo ang gumawa ng isang bagay na ikagagalit ng lahat at ‘di ko kayang mang-isa ng kapwa.


“Mas masarap ‘yung ikaw ang nagbibigay kaysa ikaw ang humihingi. Mas masarap ‘yung ikaw ang nasasaktan.  


“Masarap na pakiramdam ‘yun kasi ‘di ka makakatulog kung ikaw ang nananakit sa buhay."

Ibinigay ding halimbawa ni Willie ang pagtulong at pagpapasaya na ginagawa niya sa ating mga kababayan. 


“Ang television shows ko, nasa 21 years na ako. For 21 years, wala akong hinangad kundi ‘yung makapagpasaya, makatulong sa mga kababayan natin na mahihirap na walang kapalit.


“Siyempre, malaking bagay ‘yung mga sponsor, kaya kami nakakapagbigay ng mga papremyo na ikaliligaya ng mga kababayan natin na mahihirap.


“At this point and time of my life, siguro, this is the turning point na magsilbi sa buong Pilipinas. Hindi ‘yung sa isang studio lang.”


Naniniwala raw si Willie na tama ang kanyang naging desisyon.


“Basta hindi ako makakatulog kung mangwawalanghiya ako ng kapwa. I am so blessed and I know I am guided by the Lord, kaya tama itong ginagawa ko.


“Kung ako ay hindi naman mapagbigyan ng pagkakataon na manalo, tatanggapin ko. Ibig sabihin, hindi ako para doon.


“If ever naman na mapagbibigyan ako ng pagkakataon ng Panginoon, I will do the best I can. Ano ‘yun? Kabutihan sa ating mga kababayan na nangangailangan.


"Hindi ko na kailangan ng anupaman sa buhay ko. Gusto ko lang, good health — ako, sa mga anak ko, sa pamilya ko, sa mga mahal ko sa buhay — para mahabang panahon ako na makapagsilbi ng kaligayahan. At siyempre, tulong na abot-kaya ko, kasama siyempre ang ating pamahalaan.”


Diin niya, “Again, this is it. Mahal ko ang mga kababayan ko na nangangailangan. Mabuhay!” 


Tatakbo si Willie Revillame bilang independent candidate at aniya, gusto niyang tutukan ang libreng edukasyon at karagdagang discount ng mga senior citizens at PWDs bilang pribilehiyo na mula sa 20% ay gawin itong 30%.


Malaki at lubos ang pasasalamat ni Willie Revillame kay TV5 Chairman Manny Pangilinan dahil suportado nito ang kanyang kandidatura.

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Oct. 1, 2024



Showbiz news

Magkasama sa Rome, Italy ang rumored couple na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial. Kasalukuyang ginagawa roon ni Richard ang seryeng Incognito with Daniel Padilla at John Arcilla.


May lumabas na post na kuha ng ilang netizens na nagtatrabaho sa Manila Restaurant sa Italy kung saa’y nananghalian ang dalawa.


Caption sa post: “Thank you, Mr. Richard Gutierrez and Ms. Barbie Imperial for your visit and a quick lunch here in Manila Restaurant.”                                                                                                 

Komento naman ng isang netizen sa paglabas ng dalawa na ikinatuwa ng mga nakabasa, “‘Yung inilo-lowkey n’yo lang, tapos ipinost kayo nu’ng kinainan n’yong restaurant.”

Wala pa rin kasing inaamin o kinukumpirma ang dalawa sa nababalitang relasyon nila.


Well, kahit hindi umaamin ang sinuman sa kanila, kumbinsido ang marami na may namamagitan na kina Richard at Barbie dahil napapadalas ang pagsasama ng dalawa, gaya noong August 1, 2024, kung saa’y naispatan si Richard, kasama ang ina nitong si Annabelle Rama sa 26th birthday party ni Barbie.


Namataan din si Barbie sa lamay ng sister-in-law ng aktor na si Alexa Gutierrez, ang yumaong asawa ng nakatatandang kapatid ni Richard na si Elvis Gutierrez.


Sa isang video na kuha ng isang netizen at ini-upload sa TikTok, makikita si Barbie na kasama sa group photo ng socmed personality na si Small Laude, nakatatandang kapatid ni Alice Eduardo, at iba pa nilang kaibigan na nakiramay sa pamilya Gutierrez.


Nu'ng January 6, 2024 nang magsimulang ma-link sina Barbie at Richard nang ma-sight silang magkasama sa isang gastropub sa Westgate, Alabang, Muntinlupa City. 


May 26, 2024, muling nasulyapan ng publiko ang pagsasama nina Richard at Barbie sa iisang lugar sa Myeongdong area sa South Korea, isang shopping destination. 


At nu’ng May 27, 2024, nakita naman si Richard sa Instagram (IG) Story ni Barbie habang sila ay nasa gym.                                                                                                                        



Goodbye na sa kanyang career name na Kaladkaren si Jervi Li pagkatapos magpakasal sa longtime British partner nito na si Luke Wrightson sa pinangarap nitong sunny cliff-top wedding sa United Kingdom last September 8.


Nag-post ang Pinay transgender host ng photo niya suot ang bridal gown na gawa ni Francis Libiran at aniya, “Mrs. Jervi Wrightson. KaladKaren, no more (heart emoji).”


Nag-umpisa ang kanyang career sa pag-i-impersonate sa ABS-CBN news journalist na si Karen Davila during the 2016 Philippine presidential election season.


Jervi or Kaladkaren started dating Luke in 2012 after a chance encounter in Hong Kong, while she was on vacation. 


Unang nag-propose si Luke in their apartment sa kasagsagan ng pandemic.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page