top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Oct. 25, 2024



Photo: Piolo Pascual at Vic Sotto - The Kingdom


Ini-request pala ni Vic Sotto sa direktor na si Mike Tuviera na kung hindi si Piolo Pascual ang kanyang makakasama sa pelikula ay hindi niya tatanggapin ang mahalagang role sa The Kingdom (TK), ang isa sa sampung opisyal na kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) na mag-uumpisa sa Disyembre 25, 2024.


Ito ang kauna-unahang pelikulang pinagsamahan nina Vic at Piolo. Co-production venture ito ng APT Entertainment, MQuest Ventures, at M-Zet Productions.

Sa panayam kay Vic, sinabi rin niya na isang magandang karanasan para sa kanya ang makatrabaho si Piolo sa isang proyekto.


Sey ni Bossing, “Working with a professional like Piolo is a very good experience for me. Nu’ng in-offer sa ‘kin ‘yung project at nalaman ko na si Piolo ang makakasama ko, I was very excited about it.”


Nu’ng una, ayaw n’yang maniwala na magkakatotoo ang Vic-Piolo tandem sa isang movie.


“Kasi, parang hindi totoo, eh. ABS-CBN talent s’ya and I was with GMA-7, TV5, and other networks. So, parang, paano kami magkakatrabaho?

“Pero fortunately and luckily, nagkasama kami. It’s a good thing, exciting,” ani Vic.


Pero sa kabila ng kanyang mga papuri kay Piolo, isiniwalat ni Vic na hindi sila personal na nag-uusap o nagkakaroon ng bonding moments sa set ng TK dahil sa conflict ng mga karakter na kanilang ginagampanan.


Paliwanag ni Vic, “Hindi puwede, eh. If you watch the movie, hindi kami magkaibigan. So, ako talaga, I tried staying away.


“Iba kasi ‘yung best friend mo, tapos ganito ang eksena, ang hirap.

“Mas believable ‘yung eksena na first time kaming magkikita, may drama sa likod ng buhay n’ya, may drama sa likod ng buhay ko, magkikita kami, mas effective.

“But we are friends, hindi lang kami nagba-bonding.”



Masayang-masaya si John Bryan Diamante, ang executive producer ng Uninvited matapos ianunsiyo na kasama sa Final 10 entries ang kanilang pelikula para sa ika-50th year ng Metro Manila Film Festival (MMFF) nitong nakaraang Martes, Oktubre 22, 2024, kung saa’y ginanap ang announcement sa The Podium, Mandaluyong City.


Ang Uninvited ay pagbibidahan nina Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre produced by Mentorque Productions na siya ring producer ng Mallari last MMFF 2023 starring Piolo Pascual.


Makakasama rin sa movie sina Tirso Cruz III, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Elijah Canlas, Gabby Padilla, RK Bagatsing, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Cholo Barretto, at Ron Angeles.     


Kung susumahin daw ang talent ng buong cast, 'di bababa sa P50-M ang production cost at sang-ayon dito ang producer ng Mentorque na si Sir Bryan.

“Pinakamahal po na casting! But we’re very, very happy. Malaki ring tulong sa… when you know you’re really working with a lot of professionals, at saka ibang klase ‘pag pinanood mo sila during the shooting.”


Dagdag nito, “Sa ‘kin po kasi talaga, sa mahal ng bayad sa sinehan ngayon, parang people should be compelled to go to the cinemas. ‘Ano ‘yung worth ng pera ko?’

“And I think du’n kami dapat mag-risk na mga producers. Masaya kami na naibalik ‘yun — (gaya raw ng siksik, liglig, at umaapaw na eksena sa Mallari).


“And I’m so happy na talagang nag-accept uli ang Warner Brothers, iro-roll over namin dito. Kasi I think, the Filipino audience deserves something worth their hard-earned money.

“So, sa artista pa lang, hindi kami nag-atubili. Kung mapapansin n’yo po, tatlong malalaking direktor ng kasalukuyang henerasyon ang nagtrabaho together — Dan Villegas, Antoinette Jadaone, and Irene Villamor. 


“Sobrang galing! So I think, ito, masasabi namin na ayaw naming manghinayang ‘yung Pinoy ‘pag pumunta sa sinehan.


“So, ‘yun siguro ‘yung risk talaga ng mga producers ngayon. And if you will see, the lineup of the 10 [MMFF 2024 entries], parang wala namang itulak-kabigin!”



 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Oct. 23, 2024



Photo: Chloe Anjeleigh San Jose / FB


Ayon sa ulat ng HumanHarmony.PH, kinukuwestiyon ng mga kinauukulan o awtoridad ang GF ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose kung paano ito nakapag-perform sa ASAP Natin ‘To a month ago gayung wala raw itong working visa sa ngayon? 


Australian citizen umano si Chloe kung saan ito nakabase. 

Sumikat si Chloe dahil sa pagkaka-link nito sa two-time gold medal champion na si Carlos Yulo.


Isa pang tinitingnan ng Immigration ay kung bakit naging endorser pa ito ng skin care product gayung “alien” pa raw ang status nito sa Pilipinas kung tutuusin?


Ayon sa batas, hindi puwedeng magtrabaho sa ating bansa ang isang ‘tourist visa’ passport holder.


Ayon kay Atty. Wilfredo Garrido, “Hindi s’ya dapat nagtatrabaho (rito) kaya dapat siyang i-deport.”

❖🙰❖🙰❖


Nagtapos na ang Kapuso Afternoon seryeng Abot-Kamay Na Pangarap (AKNP) na pinagbidahan nina Jillian Ward at Carmina Villarroel.


Pinalitan ito ng bagong serye, ang Forever Young (FY) nitong Lunes, October 21, na pinagbibidahan ng PMPC’s Star Awards for Movies Best Child Performer 2023 (for Firefly) na si Euwenn Mikael.


Ayon sa report, disappointing daw ang ratings ng kanilang final episode na nagtala lamang ng 9.6%.


Medyo nakasama umano ang spoiler ng serye dahil nalaman ng mga tagasubaybay ng drama series kung ano ang magiging ending. 


Paalala naman ng ilang kritiko, hindi raw gaanong bongga ang viewership ng mga shows tuwing Sabado, na kahit ang It’s Showtime (IS) ay hindi rin ganu’n kabongga ang rating. Naka-6.9% lamang ito at ang katapat nitong Eat… Bulaga! (EB) ay 3.6% naman.


❖🙰❖🙰❖


“ANG hiling ay pag-asa kung may pananampalataya,” ‘yan ang mensahe ng Team Vice Ganda, Karylle, at Ryan Bang sa kanilang Magpasikat 2024 performance nitong Lunes, October 21.


Ibinahagi ng tatlong hosts ang personal nilang karanasan sa buhay at mahal sa buhay. 

Sa saliw ng kanyang original song, inialay ni Karylle ang performance sa late father niyang si Dr. Modesto Tatlonghari, as she portrayed an angel descending from the sky.


“Sana marinig n’ya ‘yung kantang ginawa ko para sa kanya,” ani Karylle.


Para naman kay Ryan, who has always been open about his family situation, ibinahagi nito kung paano siya nawalan ng pag-asa noon that his wish of having a simple dinner with his Korean parents ay hindi natupad. 


To his surprise, he got his wish when they were able to share a meal together with his fiancée, Paola Huyong.


“Ngayon, naniniwala ako sa hope. Noong bata ako, ‘di ako naniniwala,” sey niya habang nire-recall ang memorable time with his parents and Paola. 


Sey pa ni Ryan, “Sobrang saya ko nakita ko si Mommy na tumatawa sa joke ng daddy ko. Natupad ‘yung hinihingi ko kay Lord na simpleng dinner. Nakakita ako na may posibilidad pala na may pag-asa ‘yung dating hope ko.”


Ni-recall naman ni Vice ang mga challenges that she went through in the past months at ishinare kung paano niya nai-manage ang hope beyond doubt and fear.

“Ang hope ko na sana ‘pag naulit ‘yan, sana, hindi ako sumuko. Kung susuko man ako, susuko ako sa Diyos, susuko ako sa Kanya,” ani Vice. 


Dagdag niya, “Sana katulad ng lagi niyang ginagawa, ipanalo Niya ako, ipanalo Niya tayo.”

“It was such a beautiful reminder of hope,” comment naman ni Anne Curtis.

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Oct. 20, 2024



Photo: Alden, Kathryn at Mommy Min Bernardo - FB


IN full swing na ang promo para sa comeback movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ng Hello, Love, Again (HLA). Dahil sa madalas silang makaharap ng media, laging nauungkat ang kanilang off-cam relationship, kung sila na nga ba? Or welcome ba si Alden sa pag-akyat ng ligaw sa bahay ng mga Bernardo?


Ganito ang naging tanong ng TV host na si Boy Abunda sa actor sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) sa GMA-7.


Maingat nitong sagot, “‘Yung meron po kami ni Kath ngayon, Tito Boy, I should say, [is] really deep, Since I got the chance to really know her, ang dami ko pong nadi-discover sa kanya — our similarities and differences and how we deal with life.


“Sobrang na-appreciate ko ‘yung mga bagay na ino-open n’ya sa ‘kin, welcoming me to her life and, of course the family, na-meet ko na rin po ‘yung family.”


Sa wakas, inamin ni Alden na bumibisita siya sa bahay ni Kathryn sa Antipolo, Rizal.

“Nakakapunta ako sa bahay nina Kath,” sey ni Alden.


Hindi sinagot ni Alden ang tanong ni Kuya Boy kung kagaya ba siya ng ilang manlilgaw na nagdadala ng bulaklak kapag umaakyat ng ligaw.


Maaalalang nag-trending ang Instagram (IG) post ng ina ni Kathryn na si Min Bernardo nitong October 6 kung saa’y ipinakita ni Min ang video na buhat-buhat ni Alden ang pamangkin ni Kathryn na si QQ. Kuha ang video mula sa behind the scenes ng pinakaunang mall show nina Kathryn at Alden para sa pelikulang HLA.


Kinilig ang mga KathDen (Kathryn at Alden) fans na nag-comment sa post ni Min at sinabing, “Tapos na ang laban.”   


Hindi man nagsalita si Min, parang sinabi niyang si Alden na nga ang “This is it!” na guy for her daughter Kath.


Sabi ng mga fans at netizens, senyales daw ang kanyang IG post na boto si Mommy Min kay Alden para kay Kathryn.


Bago pa man ang petsang March 8, iniulat na ng PEP Troika sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na “love” ni Mommy Min si Alden dahil ‘mabait daw na bata’ ang aktor. Dahil sa mga positive comments ni Mommy Min kay Alden, umugong tuloy ang tsismis na totoo ngang nanliligaw si Alden kay Kathryn.


Matatandaang isa si Alden sa prominent guests sa 28th birthday party ni Kathryn, na ginanap sa isang yacht at luxurious resort sa El Nido, Palawan noong March 26, 2024 at agad naman itong nasundan noong Abril nang maiulat na dinalhan ni Alden si Kathryn ng bouquet of red roses nang sorpresa siyang dumating sa post-birthday dinner ng dalaga. 


Parang namihasa na ang actor sa actress dahil noon ding buwan ng Abril ay isa si Alden sa ‘surprise guests’ sa housewarming party ni Kathryn.


Sa kasalukuyan, wala pang direktang kumpirmasyon mula kina Alden Richards at Kathryn Bernardo kung higit pa sa pagkakaibigan ang ugnayan nila ngayon. 


Aabangan daw ng KathDen kung consistent ang actor sa panliligaw sa actress after mai-showing ang HLA.



ISA na namang achievement ang nakamtan ng ABS-CBN Entertainment, ang isang digital milestone after hitting 50 million subscribers on YouTube (YT) continuing its dominance in the media and entertainment category in Southeast Asia.


Nagparating ng kanyang pasasalamat ang Head of Digital Content Publishing na si Richard G. Reynante towards the 50 million subscribers that remained faithful to the digital content of ABS-CBN. 


Ani Reynante, “This huge milestone isn’t only for ABS-CBN but for the 50 million Kapamilyas from all over the world who made this all possible. Without our loyal Kapamilyas, this feat of being the most subscribed YouTube channel in the media and entertainment category in Southeast Asia will never be achieved.”


Siniguro rin nito sa lahat that only the best quality content will be available on the YT channel. 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page