top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Nov. 22, 2024



Photo: Nadine Lustre, Aga Muhlach at Vilma Santos - Uninvited


Sa ginanap na mediacon ng Uninvited last Wednesday sa Solaire North, Quezon City, star-studded ang movie na produced by Mentorque dahil present ang halos buong cast na pinangungunahan ng mga bidang sina Vilma Santos, Aga Muhlach, at Nadine Lustre.  


Sa Q and A ng mediacon, unang ibinahagi ni Nadine na kakaibang role ang ginagampanan niya sa suspense-thriller-action bilang kontrabida sa pagganap niya bilang si Nicole sa nabanggit na 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Uninvited.  


Ayon sa Best Actress noong nakaraang MMFF sa movie na Deleter, ang pelikulang Uninvited ay kinakitaan niya ng hamon sa kanyang craft para gawin ang movie.  

“It is a huge change from all the roles I have done before. Everyone knows me from rom-coms and dramas — romance stuff. My roles are always mabait na anak, palaban, pero mabait. This time, I was able to explore and try a different side of acting.  


“I wanted you to see, ano pa kaya ang kaya kong gawin. Sobrang extreme from my previous characters — something I always wanted to do. I love exploring. Hopefully, maging darker characters ko,” sey ni Nadine.  


Napansin ng movie audiences sa film’s viral teaser na inilabas noong November 8 ang eksena nina Aga at Nadine kung saan nagmumurahan sila.


Aniya, ngayon lamang siya nakaganap ng “dark” role gaya ng ipinortray niya sa Uninvited at nilinaw ng actress na kabaligtaran ang ginampanan niyang character sa totoong buhay.  


“Iba ‘yung pakiramdam makaeksena si Kuya Aga. That scene, every time after ng eksena, may adlib si Kuya Aga. After paglabas ng pintuan, tawa ako nang tawa.  


"Hindi s’ya awkward, natuwa ako kasi naitawid namin ang eksena. Pero I would say if you watch the trailer, triggering in a way, pero nakakatawa lang knowing si Kuya Aga, ang layo ng personality n’ya,” pahayag ng actress.  


Bukod sa kanila ni Aga, ipinagmamalaki rin ni Nadine na first time nitong nakasama ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto.  


“Talagang na-excite ako — go na mag-shoot na tayo — when I learned na nag-yes si Nadine,” sey ni Ate Vi kay Nadine.  


Nagkatambal na sa dalawang pelikula noon sina Ate Vi at Aga tatlong dekada na ang nakakaraan, at sa wakas sila’y reunited sa Uninvited.


Pahayag ni Aga, “Proud ako sa dalawang films namin, dito sobrang proud ako. How could you say no. I am the happiest to do this film and to have done it with Vilma. It comes in threes, third film namin — done na ako sa buhay.”  


Dagdag ni Vi, “Alam namin, hindi madali ang story. Nang na-layout na ang istorya, talagang importante ang characters sa movie para maging epektibo. Nang binuo ‘to, nag-usap kami nina Direk (Dan Villegas) at team, walang ibang choice to play Guilly, but hindi right away na ang pangalan na ibinagsak ay Aga Muhlach.”  


Ang concept ng thriller-drama na directed by Dan Villegas and written by Dodo Dayao ay brainchild ni Ate Vi, ayon na rin sa producer na si Bryan Dy.


Bukod kina Vilma, Aga, at Nadine, makakasama sa Uninvited ang magagaling na actor gaya nina Elijah Canlas, RK Bagatsing, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Gabby Padilla, Elijah Canlas, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ron Angeles, at Tirso Cruz III.  

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Nov. 19, 2024



Photo: Hello Love, Again - KathDen


Hindi lang sa Pilipinas humataw ang pangalawang tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa Hello, Love, Again (HLA) kundi maging sa Amerika, dahil nakapagtala ito ng kasaysayan bilang first Filipino box office film sa US.


Ayon sa ulat ng Deadline, ang KathDen movie ay kabilang sa No. 8 spot on the Top 10 movies in the US this week. 


Ang HLA ay tumabo ng $2.4 million (or P140 million) sa unang linggong pagpapalabas nito sa US at ngayon lang din nangyari ito sa kasaysayan ng local film na gumawa ng pambihirang record sa Philippine showbiz.


Ang HLA na distributed by Abramorama in 248 locations across the U.S. and Canada ay sequel ng 2019 blockbuster hit na Hello, Love, Goodbye (HLG) na siyang first movie together ng KathDen at kinunan ang mga eksena sa Hong Kong five years ago.


Tumabo ang KathDen movie ng P245-M sa tatlong araw nitong pagpapalabas sa halos 600 movie theaters nationwide and almost 1,000 theaters worldwide at patuloy pa ring pinipilahan on its first week.


Ayon sa ABS-CBN News, ang KathDen movie made history as the local film with the highest opening gross after it earned more than P85 million on its first day of release.

Kaya naman non-stop ang pagdalaw ng KathDen sa iba't ibang shows at platforms para magpasalamat sa pambihirang suporta sa kanilang dalawa.


“Our hearts are overflowing with so much joy. This is more than what we’ve prayed and wished for. We poured so much love into this project, and you returned that love a thousand fold. The amount of support we’ve been receiving is beyond what any of us could have imagined. Maraming salamat po,” mensahe ni Kathryn.


“I hope you guys will enjoy the film as much as you guys are going to be falling in love with the characters. I hope that after the film po ay ma-inspire po tayo, mabuhay, and do good things to people around us,” sabi naman ni Alden. 


Dagdag ni Kathryn, “Ang pangako lang namin sa inyo sa pelikula na ito, puso ang ibibigay namin. I hope after watching this film, ‘yun ‘yung maramdaman n’yo. Hindi lang kina Joy and Ethan, but sa buong pelikula.”


Sa naging chat namin sa isa sa grupong National Fans Club ng KathDen na si Tita Long, matipid niyang sabi, “Halos araw-araw, parang may fiesta sa bahay nina Kathryn!”

“DASURV (deserve)!” sundot ng isa pang fan. 



SA pagpirmang muli ng bagong kontrata sa ABS-CBN, inihayag ni Enrique Gil ang paggawa niya ng series sa Kapamilya sa year 2025.


“The one I am doing next is going to be a TV series. I will be back on TV,” sabi ng actor sa panayam sa kanya sa presscon ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital (SFTKH).


Sinabi pa ni Enrique ang dahilan kung bakit siya mismo ang co-producer sa MMFF 2024 entry niya.              


“I think it’s also nice to have a little bit you know. I think more of being an artist, I think it is also exciting on my end. I think it's just growing up lang.”


Nagbahagi rin siya ng teaser sa kanyang series para malaman ng kanyang mga fans kung ano ang mae-expect nila rito.


Aniya, “We’re going to be shooting in Europe for it, for the pilot. It's going to be a rom-com na may konting action.”


Sa ngayon, sikreto pa raw kung sino ang leading lady ni Enrique sa bagong project.

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Nov. 17, 2024



Photo: Joey G / FB


Sa ginanap na presscon for Bonded by Sound concert sa November 30 sa Solaire featuring the iconic and legendary band, ang Side A in collab sa singer na si Janine Teñoso, kinlaro ni Ernie Severino, ang isa sa mga miyembro ng Side A, ang tungkol sa pagbabawal kay Joey Generoso na kantahin ang kanilang hit song na Forevermore sa anumang gigs o concert na gawin ng former vocalist ng banda.


Ang Side A ay ang sumikat na music band noong dekada ‘90 at vocalist nga nila si Joey a.k.a. Joey G. bago ito nag-solo noong 2015.


Bukod sa Forevermore na identified sa Side A, kasama sa mga ipinagbabawal kantahin ni Joey G. ang ilan sa mga kantang pinasikat ng banda tulad ng Set You Free, So Many Questions at Tuloy Pa Rin Ako.


Sa nasabing presscon lang Friday, November 15, agad na itinanong ang tungkol sa isyung pinagbawalan umano nila si Joey G. na kantahin ang Forevermore.


Unang sumagot ang drummer at ang orig member na si Ernie at kanya ring pinatotohanan na pinagbawalan nga si Joey G. ni Joey Benin (ang composer ng kantang Forevermore) na kantahin ang sikat na kanta na naging original soundtrack o OST pa ng isang Kapamilya serye starring LizQuen.


Ayon sa kanila, noong lisanin ni Joey G. ang Side A at nagtayo ng sarili niyang grupo ay patuloy niyang kinakanta ang Forevermore at iba pang pinasikat at identified sa Side A.

Pakiramdam daw ni Ernie ay hindi ito fair dahil aktibo pa rin ang Side A, and since may bagong band group na si Joey at lumayas na nga sa kanilang banda, unfair daw sa kanila na kantahin pa nito ang playlist ng Side A.


“‘Yung playlist namin, nagkakapareho, eh. So, parang iniisip ko, ‘Nag-solo ka na, eh.'


“So, nagiging confusing, parang nagiging dalawa ‘yung Side A. Tapos, every time na lalabas s’ya, laging merong caption na, ‘Formerly of Side A’ and it keeps happening many, many times. Pinapabayaan lang namin.


“And then, eventually, it came through Joey Benin’s attention na parang, ‘Teka, tigilan na natin ‘to. Parang ayusin natin na ‘wag nang ganoon kasi ‘di okay.'”


Sabi pa ni Ernie, “Confusing, saka parang ‘di tama. Nag-solo s’ya, tapos he’s still singing the same Side A playlist, ‘di lang Forevermore, even the other songs which were arranged and pinaghirapan din ng other members ng Side A.”


Sumunod namang nagsalita ang gitarista ng grupo na si Pido Lalimarmo.

Nilinaw ni Pido na hindi sila ang nagbawal kay Joey G. na kantahin ang Forevermore kundi ang composer mismo ng song.


Aniya, “If people think na kami as Side A ang nagsabi na ‘wag n’yang kantahin, no. None of us ever said anything about it, and none of us had the right to say that…


“Kasi legally, dito sa ‘tin, ang may karapatan lang po sa ‘min is the composer himself, which Joey Benin masterfully explained.”


Tinukoy niya ang official statement na inilabas ni Joey Benin na nauna na niyang inilabas.


Sa statement ni Joey Benin, nilinaw din ni Pido na hindi isyu sa kanila nang magpaalam si Joey G. na magso-solo ito at bumuo ng sariling banda.


Sey ni Pido, “Nagsabi naman s’ya nang maayos, and he gave us enough time. Hindi naman ‘yung biglaan, ‘Bahala kayo.’


“I’d like to remember na he left on good terms kami, na maayos kaming sinabihan na siguro, it’s time for him to go solo.”


Nilinaw din niyang maganda ang ugnayan at “brotherhood” nila ni Joey G.


Samantala, ayon naman sa statement ni Joey Benin sa ABS-CBN News:


“I reached out to Joey G and his management to express my concern that his solo performances of Side A songs, particularly Forevermore, were causing confusion among the audience regarding the identity of Side A.


“And so, I talked to him and encouraged him to co-write with other songwriters, work with arrangers para makatulong sa kanya in establishing his own identity.”

Ipinaliwanag dito ni Joey Benin na maraming effort ang ibinubuhos ng lahat ng miyembro ng isang banda para matapos ang isang kanta.


“My point is, what people hear is a finish product of a well-crafted song that was birthed out of passion, dedication and hardwork by the whole band.


“The lead vocalist understandably usually gets a lot of the credit, but that’s totally okay with all of us; that’s part of being in a band.


“When one gets the credit, we all feel good because we know we all contributed to it,” sabi ng bassist and composer.


Sa kanyang pagtatapos, ipinahayag ni Joey Benin ang kanyang hangad para kay Joey G at sa Side A.


“First, I hope that Joey G will have a good solo career that would not affect Side A, meaning he will be known to have his own songs as JoeyG and not singing Side A songs.


"Second, that Joey G and Side A would get to settle their differences and be reconciled.


"Third, that all of the members of Side A will be on one stage someday performing and creating that wonderful music that God has gifted all of us.”


Sinabi rin ni Joey Benin sa kanyang pahayag na maaari pa ring kantahin ni Joey G ang Forevermore at iba pa nilang pinasikat na kanta kapag kasamang magpe-perform ang Side A.


Dahil dito, naitanong sa grupo ng Side A kung may posibilidad pa na makasama si Joey Generoso sa isang concert, gaya ng ibang banda na nagkakaroon ng differences pero after years ay pumapayag na mag-collaborate for the benefit of  their fans gaya ng Eraserheads?


Sagot ng miyembrong si Ernie, “Kung ang reason lang ay halaga ng pera at wala naman sa puso, hindi naman maganda,” na tila may kahulugan.


Dagdag pa niya, “Hindi naman ako nagsasalita nang patapos.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page