top of page
Search
  • BULGAR

Public transport sector workers, umaaray na... Galaw-galaw sa budget para sa fuel subsidy

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | February 24, 2022



Patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis.


Ngayong linggo, inaasahang muli itong tataas. Pang-walong sunod na linggo na ito ng pagtaas.


Dahil dito ay nanawagan tayo sa Department of Budget and Management na ilabas na ang pondo para sa fuel subsidy para sa public transport sector.


Umaaray na ang ating mga public transport sector workers.


Ngayon pa nga lang sana sila muling babangon dahil matagal silang natengga dahil sa pandemya, ngunit nanganganib pa dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.


☻☻☻


P2.5 bilyon ang nakalaan para sa fuel subsidy program sa 2022 budget.


Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, nasa 377,443 public utility, taxi, tricycle at full-time ride-hailing delivery service drivers sa buong bansa ang makatatanggap ng P6,500 para sa fuel subsidy.


May P500 milyon din na nakalaan para naman sa fuel discounts para sa mga magsasaka at mangingisda sa ilalim ng Department of Agriculture.


☻☻☻


Ayon kay Budget Undersecretary Tina Rose Marie L. Canda, nakapagpasa na ng mga kinakailangang dokumento ang Department of Transportation at LTFRB.


Ngunit hindi pa rin daw ma-release ang pondo ng fuel subsidy dahil may hinihintay pang dagdag-dokumento mula sa DOTR.


Base sa 2022 General Appropriations Act, maaaring maglabas ng pondo para sa fuel subsidy program kapag ang average Dubai crude oil price na base sa Mean of Platts Singapore ay umabot o lumagpas ng $80 per barrel sa tatlong sunod na buwan.


Sana i-release na ang pondo kung iisang dokumento na lang pala ang hinihintay at napunan naman na ang ibang criteria para sa pagbigay ng fuel subsidy dahil kailangan ng agarang resolusyon ang isyung ito.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page