top of page

Pole vaulter Obiena, 3rd place sa Silesia Leg Wanda Diamond

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 8, 2022
  • 1 min read

ni VA / MC - @Sports | August 8, 2022




Nagtapos sa ikatlong puwesto si Filipino pole vaulter EJ Obiena sa Silesia leg ng 2022 Wanda Diamond League ngayong Linggo (PH time).


Na-clear ni Obiena, sariwa pa sa panalo ng bronze medal sa World Athletics Championships, ang 5.73-m sa kanyang ikalawang pagsubok na makapasok sa podium.


Hindi naman nito nagawang i-clear ang 5.83-m sa kanyang tatlong ulit na pagtatangka.


Nakuha ni Sondre Guttormsen ng Norway ang 2nd place ng ma-clear nito ang 5.73-m sa unang pagtatangka.


Naibulsa naman ni world champion Armand Duplantis ng Sweden ang gold medal ng lundagin ang bagong meet record na 6.10-m. Ang susunod na leg ng Diamond League ay sa Miyerkules, Agosto 10, sa Monaco.


Samantala, patuloy ang pagpapalakas ng Ateneo de Manila University Blue Eagles kung saan ipinakilala nito ang kanilang bagong recruit na pambato na si Fil-Am guard Kyle Gamber.


Ito ang ibinida ng Katipunan-based squad na nakuha nila ang 6-foot-4 Fil-Am guard Gamber at magiging kwalipikadong maglaro para sa Season 86. Inilarawan ni head coach Tab Baldwin si Gamber bilang isang “all-purpose guard.”


“Si Kyle mismo ay isang all-purpose guard. Siya ay isang malaking bantay sa 6-foot-4, siya ay isang tao na napaka-komportable sa bola sa kanyang kamay,” sabi ni Baldwin, na naglalarawan kay Gamber din bilang isang manlalaro “na may mahusay.


Court vision, marunong magpasa ng bola, at isang mahusay na taga-baril.”


“Siya ang taong sa tingin ko, naiintindihan kung ano ang ibig sabihin ng pagpapahusay ng kanyang mga kasamahan sa koponan dahil bilang isang lead guard, nasa kamay niya ang bola at alam niya kung paano paandarin ang koponan,” dagdag ni Baldwin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page