top of page

Masuwerteng motif, petsa at buwan sa kasal ng mag-dyowang Taong Singko

  • Maestro Honorio Ong
  • Apr 19, 2020
  • 2 min read

Dear Maestro,

Tatlong taon na kami ng boyfriend ko kaya gusto kong malaman kung kami na ang magkatutuluyan? May 5, 1993 ang birthday ko at August 23, 1992 naman ang boyfriend ko, compatible ba kami?

Sa totoo lang, kung hindi nagkaroon ng COVID-19 ay nagpa-plano na kaming magpakasal next year. Anong buwan at petsa magandang magpakasal sa 2021 kung sakaling makakaipon na kami?

Umaasa,

Andeng ng Santo Cristo, Hermosa, Bataan

Dear Andeng,

Ayon sa Western Astrology, walang duda na compatible ang zodiac sign mong Taurus sa zodiac sign na Virgo ng boyfriend mo. Kahit ang birth date na August 23 ng boyfriend mo ay nasa pagitan ng zodiac sign na Leo at Virgo, namamagnet o nahihigop ka pa rin niya dahil sa zodiac sign mong Taurus kung saan ang Virgo at Taurus ay may iisang elementong tinataglay at ito ay ang elementong earth o lupa. Tulad ng nasabi na, walang alinlangang sa aspetong Astrology, compatible kayo.

Kung susuriin naman ang Modern Astrology, partikular sa pang-istatistikang tala, maraming isinilang sa zodiac sign na Virgo ay nakatuluyan ang mga isinilang sa zodiac sign na Taurus. Dahil dito, sobrang laki ng tsansa magkatuluyan kayo ng boyfriend mo at magsasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Dagdag pa rito, hindi lamang sa Astrology at pang-istatistikang tala kayo compatible, sa halip, sa pagaanalisang Numerology, ang pagsasama ng birth date mong 5 at birth date ding 5 ng boyfriend mo (ang 23 ay 2+3=5), bukod sa compatible sa isa’t isa ay itatala ring uunlad at yayaman ang ganyang kumbinasyon ng birth date.

Ang pag-aanalisang uunlad at sasagana ang buhay ninyo, lalo na kung mag-nenegosyo kayo, sapagkat tulad ng paulit-ulit nang nabanggit sa nakaraang mga artikulo, ang pagsasama ng indibidwal na may parehong birth date na five (5) tulad ng 5, 14 at 23 ay hindi lang umuunlad kundi yumayaman pa ang kanilang pamilya at mamanahin ng magiging mga anak at apo nila.

Kaya sa sandaling nagnegosyo ang mag-asawa na parehong may numerong 5, sigurado na ang magaganap – yayaman sila.

Upang higit na palarin ang inyong pagsasama, mas makabubuting ituon ang kasal sa 2021 o 2022 sa buwan ng Mayo, Setyembre, Oktubre o Disyembre, sa mga piling petsang 1, 10, 19, 28, 5, 14, 23, 6, 15 at 24. Bukod sa nasabing mga petsa, siguraduhin ding ituon ang araw ng kasal sa panahong nasa full moon o first quarter ang buwan upang tulad ng papabilog at papabulas na liwanag ng buwan, magiging papabulas din at patuloy na uunlad at sasagana ang inyong kabuhayan.

Samantala, bukod sa nasabing mga petsa, mapalad namang motif o kulay ng inyong kasal ay pula, silver at lahat ng kulay na metallic o hinango sa metal. Sa paggamit ng nasabing mga kulay, walang duda, tuluy-tuloy na magiging masagana at maligaya ang itatayo ninyong pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page