top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga taong OX, maramot, masinop at matipid pero may dalang suwerte kaya dapat dikitan

  • Sr. Socrates Magnus II
  • Jan 27, 2020
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ang mga kaalaman para maakit ang mga suwerte ngayong Year of the Metal Rat.

Muli, ayon sa alamat ng mga Tsino, nanguna ang Rat dahil siya ay sumakay sa Ox.

Dahil dito, para sa mga gustong buwenasin ngayong 2020, sila ay pinapayuhang makipagkaibigan sa mga Chinese na may animal sign na Ox. Sila ang isinilang sa mga taong 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009 at 2021. Kabilang din sa mga Ox ang mga taong vegetarian at ang mga naghahanapbuhay sa farm o ang negosyo ay may kaugnayan dito.

Malalaki ang kanilang mga paa at binti, gayundin, malapad ang kanilang mga leeg at malalaki ang kanilang mga ngipin. Sila ay masisipag sa panahon ng tag-init, pero tamad na tamad sa panahon ng tag-ulan. Gayunman, ang lahat ng taong masipag ay napabibilang din sa Ox.

Kapansin-pansin din na ang mga taong Ox ay may alagang mga ibon o sila ay bird lover. Sila rin ay ang mga sobrang bait kung saan ang salitang “galit” ay wala sa kanilang bokabularyo.

Kakaiba ang kanilang lakas dahil ang kanilang pisikal na katawan ay very strong, bihirang dapuan ng karamdaman at kusa ring gumagaling kung nagkasakit. Ang kanilang balat o skin ay may kabal at kunat kaya kahit anong hirap ng hanapbuhay ay hindi nila inaayawan dahil sila ay may katangian ng kabal at kunat.

Ang salitang Tagalog na “kabal” ay hindi madalas na ginagamit, pero ito ang kabal sa mga agimat, anting-anting at mga talisman na kapag mayroon ang isang tao, siya ay hindi tatablan ng sandata. Gayunman, nasusugatan din ang mga Ox kaya lang, parang balewala ito dahil mabilis ding gumagaling.

Ang salitang “kunat” ay madalas nating marinig. Sila ang mga taong maramot, masinop at mapagpahalaga sa kanilang mga pag-aari. Kaya ang mga taong maramot, masinop at matipid ay mga taong Ox.

Ito ay dahil pinaghirapan nila ang kanilang mga kabuhayan, pera o yaman kaya hindi nila ito basta-basta ipamimigay. Pero kapag hindi naman nila gaanong pinaghirapan, hindi naman nila ito ipagdaramot sa kahit na sino.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page