Sa article ng isang Korean news site… NADINE, BINANSAGANG BEYONCE OF SOUTHEAST ASIA
- BULGAR

- Jun 13, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NABABANSAGAN ngayong “Beyonce of Southeast Asia” si Nadine Lustre.
Bukod sa pagiging magaling na aktres na napatunayan niya nang masungkit ang Best Actress award sa katatapos lang na FAMAS Awards, nag-level-up na rin ang aktres sa pagiging musician.
Humakot din kasi ng awards ang aktres sa ginanap na MYX Music Awards kung saan pinarangalan siya bilang Female Artist of the Year, Best Music Video of the Year at ang duet nila ni James Reid ng Prom na naging OST ng kanilang pelikulang Never Not Love You ang kinilalang Media Soundtrack of the Year.
Sa isang article na inilabas ng Korean Dutyfree News, isang Korean news site, inihalintulad si Nadine sa famous Hollywood singer na si Beyonce. Ito ay matapos mag-shoot ang aktres ng kanyang music video sa Dutyfree sa nasabing bansa at may mga articles na lumabas featuring the Kapamilya actress.
Inilarawan din ng Korean Dutyfree News si Nadine Lustre na isang “versatile entertainer who acts as an actor, singer, and music video director.”
Maraming JaDine fans ang natuwa sa bagong milestone ng kanilang idolo, pero hindi rin mawawala ang mga netizens na ‘di sumasang-ayon na ini-level ang Kapamilya actress sa sikat na Hollywood singer.
Sey ng ilan, magaling si Nadine bilang artista at singer, pero marami pa siyang kakaining bigas para maka-level ang isang Beyonce.
Hindi rin daw kayang pantayan ni Nadine ang energy at pagbirit ni Beyonce.





Comments