Naka-move on na sa sex video scandal… LOISA, BALIK SA DATI, PARTY-PARTY NA ULI!
- BULGAR

- Apr 6, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

NAGKITA sa birthday party ng kanilang common friend sina Loisa Andalio at Maris Racal. Sina Loisa at Maris ay dating housemates sa Pinoy Big Brother house.
Nang makita umano ni Loisa ang kaibigan ay hindi niya napigilang mapaiyak at mahigpit na niyakap si Maris. Naging emotional din si Maris at mahigpit na niyakap si Loisa at inalo.
Bale first time na muling nakihalubilo si Loisa sa mga kaibigan after na lumabas ang kanyang sex video scandal weeks ago.
Habang embraced nina Maris at Loisa ang isa’t isa, wala mang sinasabi si Loisa sa kanya, itina-try ni Maris na i-comfort ang kaibigan.
Maging ang mga netizens ay nagpahayag ng suporta kay Loisa. Anila, magpakatatag lang ito at matatapos din ang issue.





Comments