top of page
Search

ni Angela Fernando @News | May 31, 2024

ree

Tagumpay at nagtapos nang ligtas ang paglalayag ng mga mangingisda mula sa Zambales sa West Philippine Sea (WPS) sa gitna ng ipinatupad na unilateral na China ban o pagbabawal sa pangigisda.


Kinumpirma ni Joey Marabe, ang coordinator ng PAMALAKAYA sa Zambales, na ang mga bangkang lumahok ay ligtas na nakabalik sa baybayin.


Sinabi naman ni Ronnel Arambulo, ang vice chairperson ng PAMALAKAYA, na walang presensya ng China sa kanilang ginawang paglalayag na umabot hanggang sa 30 nautical miles mula sa baybayin ng Luzon.


Binigyang-diin din ni Arambulo na magpapatuloy ang mga mangingisdang Pilipino sa pangingisda sa WPS dahil kabuhayan nila ito at pansuporta sa kanilang pamilya kahit mayroong ban mula sa China.

 
 

ni Angela Fernando @News | May 13, 2024

ree

Nagpadala ang China ng malaking puwersa sa Scarborough Shoal bago ang civilian mission na gagawin ng 'Pinas sa lugar, ayon sa isang United States maritime expert nitong Lunes.


Sa isang post sa X, sinabi ng dating opisyal ng US Air Force at dating Defence Attaché na si Ray Powell na nakikita niya itong malaking harang sa Scarborough Shoal.


“China is sending a huge force to blockade Scarborough Shoal ahead of the Atin Ito civilian convoy setting sail from the Philippines Tuesday. By this time tomorrow at least four coast guard and 26 large maritime militia ships on blockade,” saad niya.


Iginiit niya rin ang tila pagiging determinado ng China na agresibong ipatupad ang kanilang pag-angkin sa shoal, na kanilang kinontrol mula sa Pilipinas nu'ng 2012 ayon sa AsiaMTI.t batid daw sa mga sagot nito na talagang nag-mature na ito sa buhay.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 22, 2024



ree

Tinanggap ng 'Pinas ang suporta ng mga kalihim ng mga dayuhang bansa ng Group of Seven (G7) laban sa agresyon ng China sa West Philippine Sea (WPS).


Sa isang pahayag, pinasalamatan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang G7 para sa kanilang pagtitiwala sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa 2016 Arbitral Award.


“We appreciate the G7’s support in rejecting China's baseless and expansive claims, and their call for China to cease its illegal activities, particularly its use of coast guard and maritime militia in the SCS that engage in dangerous maneuvers and the use of water cannons against Philippine vessels,” saad ng DFA.


“We duly note and appreciate the G7's reaffirmation that the 2016 Arbitral Award is a significant milestone and a useful basis for the peaceful management and resolution of differences at sea,” dagdag nito.


Samantala, ipinahayag ng G7 ang kanilang pagtutol sa mapanganib na pagkilos ng China sa WPS at binanggit na walang legal na batayan ang bansa upang angkinin ang lugar.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page