top of page
Search

ni Angela Fernando @News | August 13, 2024



PCG - File
PCG File

Dumami pa ang bilang ng mga barkong militar, Coast Guard, at pang-research ng China na namomonitor sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa Philippine Navy nitong Martes.


Naitala ng navy ng 'Pinas mula Agosto 6 hanggang 12 ang siyam na barko ng People's Liberation Army Navy (PLAN), 13 sasakyang-pandagat ng China Coast Guard (CCG), at dalawang research vessel sa WPS.


Mas mataas ang mga ito kumpara sa tatlong barko ng PLAN, 12 sasakyang-pandagat ng CCG, at isang research ship na namonitor nu'ng nakaraang linggo.


Samantala, bumaba naman ang bilang ng mga barko ng Chinese maritime militia (CMM) mula 106 hanggang 68. May kabuuang 92 barko ng nasabing bansa ang nakita sa iba't ibang bahagi ng West Philippine Sea mula Agosto 6 hanggang 12.

 
 

ni Angela Fernando @News | July 9, 2024



Showbiz news

Itinanggi ng 'Pinas nitong Martes ang mga akusasyong ibinabato ng China, na ang BRP Sierra Madre, na barko ng bansa na nakatigil sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea, ay nakapinsala sa coral reef ecosystem sa nasabing lugar.


Sa isang pahayag, tinukoy ni Jonathan Malaya, tagapagsalita ng National Task Force - WPS (NTF), na ang China ang natagpuang nagdulot ng pinsala sa mga coral.


“The accusation against the Philippines by so-called ‘Chinese experts’ is false and a classic misdirection. It is China who has been found to have caused irreparable damage to corals. It is China that has caused untold damage to the maritime environment, and jeopardized the natural habitat and the livelihood of thousands of Filipino fisherfolk,” saad ni Malaya.


Matatandaang iniulat ng Chinese state-owned media na Global Times nu'ng Lunes na natuklasan ng mga eksperto ng China na ang BRP Sierra Madre ang nagdulot ng pinsala sa mga coral reef at environmental pollution sa South China Sea (SCS).

 
 

ni Eli San Miguel @News | June 26, 2024



News

Naobserbahan ang ‘Monster Ship' ng China na dumaraan sa mga tubig ng El Nido, Palawan at Scarborough Shoal sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa isang eksperto nitong Miyerkules.


Tinatawag na ‘The Monster’ ang China Coast Guard (CCG) 5901, na dumaan sa Scarborough Shoal bandang alas-7 ng umaga, ayon sa dating opisyal ng US Air Force at dating Defence Attaché na si Ray Powell sa X (dating Twitter).


“Scarborough Shoal was CCG 5901's (The Monster) final visit in its intrusive patrol of the Philippines' EEZ," ani Powell. "It passed within 1-2 kilometers of the shoal at 0700 local time this morning," dagdag niya.


Sinabi rin ni Powell na dumaan ang ‘The Monster’ sa El Nido, Palawan noong Martes.


Nakita rin kamakailan ang barko ng China na dumaraan malapit sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Ito'y ilang araw matapos mawalan ng hinlalaki ang isang marinong Pilipino at masugatan ang ilan pa matapos atakihin ng CCG ang mga rubber boats ng Philippine Navy.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page